Chapter 4

2.5K 46 0
                                    


CAMERON had slept the whole day. Alas-tres pasado na nang magising siya. She yawned delicately and stretched her arms. Napangiti siya nang maisip ang ginawa nila ng mga magulang kagabi hanggang kaninang madaling-araw. And for a few hours after she left Kurt's building, she had tried to forget the face of the dark and sensual man, with a hard edge that hinted of danger.
Literally. Figuratively.

Dumating siya sa Monica Hotel nang bandang alas-dos ng madaling-araw. Nasa sasakyan pa siya'y tinawagan na niya ang mga ito at humingi ng paumanhing nahuli siya sa usapang oras. Napanatag ang mga ito nang malamang sa bahay nina Kurt at Jade siya nanggaling.

Pinuntahan niya sa casino ang mga magulang kung saan naghihintay ang mga ito sa kanya. They played baccarat. Malaking halaga rin ang natalo sa kanya subalit nanalo si Jenny habang naaaliw na nakamasid si Zandro. Nakikita niya ang pag-ibig na nag-uumapaw sa mga mata ng ama niya habang nakatitig sa asawa.

lyon ang dahilan kung bakit natalo ako, she thought with a smile on her lips. Ang buong atensiyon niya ay nakuha ng mga magulang.

She was gaping at them with wonderment. All her adult life, she had never seen her parents this happy and her father had indulged his wife's every whim last night-which was this morning literally.

Pagkagaling sa casino ay nagtuloy sila sa disco bar kung saan walang sawang nagsayaw ang mag-asawa, from rock to tango to rhumba to waltz. Maligaya at kontento na siyang pinanonood ang mga magulang kung hindi sa pamimilit ng ina na magsayaw rin silang mag- ama-which they did.

"You are quite the handsomest man in the ballroom, Daddy," she said, unable to contain her happiness. She had never danced with her father. Not even on her debut which was celebrated with utmost secrecy because she was with them.

Zandro's eyes twinkled. "I can scarcely deny that, my pet." Then he swirled her around the floor.

Her father was ten years older than her mother, subalit walang kupas si Zandro. He was still fit. Not an ounce of extra flesh in his body. Dark and handsome and gorgeous. Maraming babae sa ballroom ang hantarang hindi inaalis ang humahangang mga mata sa daddy niya habang salitan silang mag-inang isinasayaw nito.
Nalimutan nila sandali na iyon ang unang pagkakataong magkakasama silang tatlo sa publiko at maaaring makakuha ng atensiyon.

Na siyang nangyari dahil muntik nang masira ang mood ng mga magulang niya kagabi nang mula sa kung saan ay mga flash ng camera ang kumislap habang nagsasayaw silang mag-ama.

Ang tangkang paghabol ni Zandro sa reporter ay inawat ni Jenny. She smiled at her husband lovingly.

"Don't let one photographer ruin this evening, Zandro," she had told her husband. "Now dance with me." She winked at Cameron. Pagkatapos ay ikinawit nito ang mga braso sa leeg ng asawa at inihilig ang ulo sa dibdib nito.

Desire flashed Zandro's eyes as he pulled his wife against him and held her tightly. Pagkatapos ay iginiya nito sa gitna ng bulwagan ang asawa at isinayaw sa saliw ng walang kamatayang "The Way You Look Tonight" mula sa orchestra.

Last night, or literally this morning, was actually her anniversary treat for her parents. Alas- singko pasado na nang pumanhik sila sa suite niya dahil inihatid muna siya ng mga ito bago tutuloy sa sariling suite.

Pero hindi na natulog sa suite nila sina Zandro at Jenny. Napilit niya ang mga magulang na lumipad ngayong umaga patungong Las Vegas gamit ang Lear Jet ng KGC.

"We don't want to leave you, honey," wika ni Jennifer, ang kislap sa mga mata'y nabantuan ng pag-aatala.

"Last year was your silver anniversary, Mommy... Daddy, pero ni hindi ninyo nakuhang lumabas, for heaven's sake!" she said in a reprimanding tone. "Please, I want you to enjoy your twenty-sixth year of marriage!"

Kristine Series 46 - The Warrior: Brad Santa de LeonesWhere stories live. Discover now