PASAKALYE / PROLOGO

4 0 0
                                    

"Kahanga-hanga nag itsura nung batang iyan"

"Sana hindi siya mapaligiran nang dilim sa hinaharap"

"Kasing talim ng kidlat at liwanag ng araw ang mala-ginto niyang buhok!"

"Nawa'y magsilbi siyang modelo ng ating bayan na pinangungunahan ng mga archmage!"

Ganoon na lamang ang mga sinisigaw at sinasabi ng mga mamamayang nakapaligid kay Clarisse, bakas sa mukha niya ang lubhang pagkalungkot habang matamlay itong naglalakad papunta sa tahanan ng kanyang ama. Hindi man niya malingon ang mga taong kanyang dinadaanan bagkus ay mahigpit lamang niyang yakap-yakap ang kanyang anak na sanggol pa lamang.
Katatapos lamang ng pakiki-digma ng iba't-ibang salamangkero laban sa mga pwersa ng kadiliman na pinamumunuan ng kinikilala nilang poon ng karimlan. Sa katunayan hindi lang itong siyudad ng Blitz na tinitirihan nila Clarisse ang na-pinsala. Makikita ang pagluluksa ng mga tao at mangilang-ilang bahay at gusali na nasira, nagkalat rin ang mga mahiko na ginamit panlaban sa puwersa ng dilim.

"Gratias ago tibi quod nos defendas a malo tenebrarum" paulit-ulit na salitang binabanggit at nagsisilbing dasal ng mga nakatatanda at pantas habang gumagawa ng orasyon at binibigyang-lunas ang mga napahamak sa pakikipaglaban.

Bahagyang napapluha na si Clarisse nang makarating siya sa pintuan ng kanilang tahanan, hindi naman ito gaanong napuruhan dahil isa ang kanyang ama ay isang tanyag na dalubhasang archmagus ng House Rodriguez.

"Sa ngayon, wala na tayong magagawa, tanggapin na lamang natin ang nangyari. Higit pa, hilingin nalang natin ang kaligtasan niyang anak mong si Kurt" ito ang mga katagang ipinayo ng ama ni Clarisse na si Nikolaus habang pinaghahandaan siya nito ng mainit na tsaa at inapuyan ang lampara.

"P-p-pero, pa. Hindi ko pa rin po tanggap! Hindi ko alam bakit kailangan kuhanin pati ang lalaking pinakamamahal ko.. na ama rin ng aking anak!" halos garalgal na ang boses ni Clarisse nang sumabay na ang paghagulgol niya dahil sa sitwasyon.

"Isang lehiyon ang sumugod at nagpabalot ng kadiliman sa iba't-ibang bayan. Napaka-bayani ni Gloxin at ibang kasamahan niya nang ma-puksa at mapalayas ang karimlan" tugon niyo sa anak habang hinahaplos ang likod para komportahin. "Magiging dakila siya sa paningin ng nakararami dito sa Blitz" sabi pa niya.

"Wala pa po akong kasiguruhan kung kakayanin ko pa, nagsisisi po ako na halos wala lamang akong nagawa!" sumabay na rin ang pag-iyak ng anak niyang si Kurt sa mga oras na 'to.

"Anak... Wala kang kasalanan sa nangyari, karapat-dapat na sinisisi rito ay ang mga gumambapa ng kapayapaan natin" napayakap na rin ang kanyang ama sakanya, ang tangi na lamang nilang nagagawa ay magdamayan sa nangyayari. Lubhang nalulungkot na rin si Nikolaus dahil namatay rin ang kanyang asawa, na ina ni Clarisse sanhi ng pagpigil nito sa Dark Arts.

Ngunit napahinto na lamang sila at napatayo nang de oras dahil biglaan na lamang sumulpot sa may pinto si ginoong Maximo, ang headmaster sa eskwelahan ng Brooks.

"Sir Maximo! Napadalaw ka, ma-upo ka muna at uminom ng tsaa" pag-aanyaya ng ama ni Clarisse dito.

"Maraming salamat, ngunit uminom lamang ako ng kaktel kanina bago pa man ako pumarito" ani niya at halos natatawa naman si Nikolaus sa sinabing ito ng headmaster kaya't bumuntong-hininga na lang ito.
"Ikinalulungkot ko ang namgyari kay Gloxin at Xavier Altalune, nakikiramay ako sainyo, lalo sa iyo.. Clarisse" nalulungkot nitong saad.

"Salamat po, masyado pong nakalulumbay ang krisis na nangyari. Kayo ho, kumusta na?" mapag-alalang tanong ni Clarisse habang hine-hele ang anak na umiiyak.

"Nakakalungkot nga at kasalukuyan kaming tumutulong sa pag-aayos ng problema. Narito rin ako upang humingi ng pasensya dahil hindi na namin naabutan pa ang ibang nakatakas na alagad mg dilim" pagpapaumanhin ni Maximo.

"Huwag niyo nang alalahanin iyon, mabuti at hindi ka napuruhan, ginoo" bakas rin ang pagkamangha sa mukha ni Nikolaus habang sinasabi ito.

Napangiti naman si Maximo at ibinaling ang tingin sa batang si Kurt. "Maaari ko bang masilayan ang anak ninyo ni Gloxin?" pagpapahintulot niya.

"Ah, o-opo" ma-ingat ibinigay ni Clarisse ang anak sa headmaster.

"A pure soul, he is... Nakuha niya ang mala-gintong buhok at mga mata ni Gloxin. Bilang pagbawi sa pagkabigo naming mahuli ang mga pumaslang kila Gloxin ay be-bendisyunan ko ang batang ito"

"Hindi na p-" hindi na nakatuloy sila Clarisse at ang ama nito sa sasabihin nang pumikit at magsimula na sa pag-chant si Maximo ng mga hindi maintindihang wika upang isagawa ang bendisyon. Napatigil at napalitan ng katuwaan ang mukha ni Kurt na kanina pa sa iyak nang may mga lumilitaw bigla na jinn ng ibon, kulay berde, asul, at lila ang mga ito. Kahit ang dalawa pa na nanonood lamang sa gilid ay nakaramdam ng ginhawa sa mahikang dumadaloy sa silid.
Matapos ang chanting ay nawala na lamang na parang bula si Maximo kasabay ng malakas na paghangin, bumulong ito sakanila na mauuna na siya at aasikasuhin na rin ang bawat bayang naghirap. Napaluha muli si Clarisse at hinalikan sa noo ang anak na nakatulog na nang mahimbing, yumakap rin si Nikolaus sa dalawa.

.

Sa mga naunang pangyayari ay hinarap at kinompronta ng asawa ni Clarisse na kinikilala bilang si Gloxin ang lider ng sinasabing lehiyon kasama ang matalik nitong kaibigan na pinaniniwalaang kabilang sa House Altalune, tahanan ng mga wizards na may ugnayan sa buwan. Dahil sa lakas ng sinasabing lider ay nasawi ang dalawa bago pa man ipinatapon ang kanilang nalalabi sa human realm, mundo kung saan naninirahan ang mga normal human-beings. Sa ngayon, litong-lito rin si Clarisse mismo kung saang angkan talaga nabibilang ang kanyang kasintahan sapagkat sa kanyang nalaman ay ampon lamang ito, mula pa nang maging magka-klase sila sa Brooks at nag-participate sa iba't-ibang misyon nang magkasama. Napagsabihan siya ng kanyang ama na i-pangalan sa Rodriguez si Kurt upang hindi siya masangkot sa anumang alitan at siya'y ma-proteksyunan laban sa kapahamakan.

Ilang taon na ang lumipas at pumanaw na si Nikolaus na siyang pinuno ng Rodriguez household, pumalit na si Clarisse na nag-iisang anak at limang taong gulang palang nito si Kurt. Maraming nagpunta sa huling hantungan ng matandang archmage at nagpakita ng pakikiramay, kasali na rito sila Maximo at iba pang nagtataasang salamangkero. Sa loob ng mga taon na ito ay si Nikolaus ang nagpakilala kay Kurt sa pagbabasa ng iba't-ibang libro tungkol sa wizardry, magic, witchcraft, at iba pa, pero nang siya ay wala na ay sinanay naman ni Clarisse ang kanyang anak kung paano gamitin nang wasto ang kapangyarihan. Samantala, umiiral minsan ang kakulitan ni Kurt habang pinagkakatuwaan ang sarili niyang madyik.

KIRMATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon