"Kahit kelan talaga Lawrence Shen ay ginagawa mong biro lahat." inis na singhal sa kanya ni Bella, matapos nito ay napapikit siya at parang unti-unting nalalamig ang paligid namin. Halata sa mukha ni Bella na iritable pa rin siya.
"Tama na, yelo. Nilalamig na kami oh, di pa kami tapos maglinis. Ano ba sadya mo?" nanginginig na sabi ni Lawrence at halos manigas na dahil mahigpit palang hawak ni Bella ang balikat nito at naibubuhos lahat ang kapangyarihan niya dito.
"Sandali, kumalma muna kayo. May kakailanganin ba akong karagdagan pang required para lang makapagsimula nang mag-aral dito?" pagputol ko sa bangayan nilang dalawa.
Napabitaw naman si Bella kay Lawrence dahilan para makaluwag na ang pakiramdam nito. Bumabalik na rin sa dating temperatura ang silid."Ayun na nga, kailangan mong ma-meet si headmaster at makilala siya bukas nang umaga. Hindi ka pwedeng ma-late, kailangan mo na rin ng uniform at ibibigay na rin ang dorm room at section mo, pati subjects" pagpapaliwanag sa akin ni Bella, itinataas-taas pa nga nito ang hintuturo niya.
"So, yelo. Kailan pala ang official na umpisa nitong school year? At kilala mo pa ba yung old dorm mate ko dito? Sino na ba siya?" haplos na ni Lawrence ang baba niya habang iniisip sino nga ba ang dating kasamahan niya dito.
"Ay aba, ewan ko kung dito pa iyon papasok. Si ano ba yun, yung may pagka-arogante, AHA! si Noviedo Kazehaya!" diretsahang banggit ni Bella sa pangalan nito habang pinitik ang daliri. "Sa totoo lang ay simula na dapat ng klase ngayon pero na-move next week, basta itong September lang siya magsisimula" pagpapatuloy niya.
Napupukaw ng atensyon ko ang mga libro sa bookshelves na maalikabok kaya napagpasyahan kong linisin na rin ito, mahilig kasi ako sa mga libro. Pinakilinggan ko na lamang ang pag-uusap nung dalawa, hindi naman na siguro sila magbabangayan.
"Kung babalik man yun si Kazehaya, sorry, pero mas gugustuhin kong ang best friend ko nalang ang kasama ko dito sa dorm. Huhu" nag-iinarte na sambit ni Lawrence, pinadyak niya pa nang malakas ang paa niya kaya nahulog yung paso malapit sa mesanh kinatatayuan niya. "Heaven's sake! Oh my gastos!" nakasigaw pa man din ito na siyang ikinagulat rin ni Bella.
"Naku, ayusin mo yan. Gamitin mo nalang kaya ang Earth element mo, baliw" saad ni Bella dito dahil akmang pupulutin pa ito isa-isa ni Lawrence, ginawa niya nalang din ang sinabi sakanya at naayos niya na rin ang sira ilang minuto lang.
"May mga gusto pala akong malaman sayo, Kurt. Medyo famous rin pala yata kasi ang parents mo" napatigil ako sa aking ginagawa nang nabaling sa akin ang atensyon ni Bella, naglakad ito papunta sa akin.
"Dito naman kasi nag-aral si mommy, hindi ko nakilala ang daddy ko. Laging sinasabi ni mommy na pumanaw na raw siya bago pa man ako pinanganak" diretsahan kong sinagot sa kanya kung sakaling magtanong siya riyan.
"Ah ganoon ba, mga archmage sila at ginawa pang guest of honor sa mga graduations dito ang mama mo." ani niya habang inaayos ang mabilog niyang salamin. "Ilang taon kana pala at saan ka nag-aral nung elementary?" kuryoso niyang tanong, parang magkaka-edad lang kami ah.
"Homeschooled siya, yelo. Tapos mas bata yan sa atin, mag-14 pa lang siya sa February 16" sabat naman ni Lawrence sa pag-uusap namin.
"Sasagot-sagot ka naman diyan, si Kurt ka ba?" sambit naman ni Bella at pinanlakihan ng mata si Lawrence. Masyado naman ako nanghinayang dahil teenager na rin pala si Bella, kaka-14 lang ni Lawrence nung July 23.
"Ah.. pwede kaya ako makipagsabayan sainyo? Nabasbasan naman ako bago ako umalis pero may oras na nababalisa talaga ako sa environment ko ngayon" nanghihinayang kong sabi sa kanila.
"Huwag kang mag-isip ng ganyan, tsaka kana manghinayang kung di ka pinayagan ni headmaster makipagsabayan sa amin. Mukhang skilled ka naman rin, Kurt, anak ka ng isang archmage kaya panigurado marami ka makakasundo."
"At saka i-aaccompany ka namin hanggang sa masanay kana dito, Kurty. Sisiguraduhin naming di ka male-left out. Gusto mo rin ma-enhance ang magic mo diba?" nakangiting sambit ni Lawrence sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Marami ka ring magical equipments na mata-try dito, makakakita ka rin ng mga pambihirang creatures. Nakaka-amaze!" masayang sabi ni Bella saakin habang pinagdidikit ang palad niya.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko sa mga salitang sinambit ng dalawa, parang hindi lang si Lawrence ang kaibigan ko dito kundi pati na rin si Bella at sana madagdagan pa sila. Tama, marami pa akong maaaring malaman sa mundong ginagalawan namin ngayon, gusto kong tuparin ang ipinangako ko kay mommy.
"Salamat sa inyo, kahit papaano ay gumagaan ang loob ko. Ipagpapatuloy ko ito, gusto king maging katulad ng parents ko. Isa sa pinangangaralan na mages."
"Normal lang naman ang pakiramdam na ganyan eh, bago ka pa lang kasi. Pero if need mo ng tulong ay maaasahan mo naman kami" nakangiting sabi ni Bella sa akin at tinulungan akong magpunas ng mga aklat "tulong na rin ako dito, HAHAHAHAHA"
"Ayan, buti yan, yelo kaysa mag-chismis ka lang. Palamigin mo nga saglit tong dorm, kahit may fan ay maalinsangan pa rin eh" reklamo ni Lawrence habang ginagalaw-galaw ang t-shirt niya.
"Ginawa mo pa akong utusan, pasalamat ka andito si Kurt, hindi ka mapapahiya" unti-unti ngang pinalamig ni Bella ang paligid, "trabaho ko na yatang maging free air conditioner, wala naman kasi tayo sa human realm" natatawa-tawa niyang sabi kaya natatawa na rin kami ni Rence.
Natapos rin agad ang paglinis namin at nagpasalamat na rin kay Bella, pilyo pa rin talagang magpasalamat tong si Rence kaya na-siko uli ni Bella. "Tara, meryenda tayo sa may cafeteria tapos i-pasyal na rin so Kurt bago pa man magdilim" pagyayaya ni Bella. Gusto ko rin naman kasing maglibot-libot lalo na't may kalakihan itong Brooks.
.
Nang nasa cafeteria kami ay kumuha agad si Lawrence ng spicy ramen, kami naman ni Bella ay nag-ulam nalang ng gulay. Masarap rin pala ang fruit shakes nila dito, ang aesthetic nga tignan. Pag salamangkero ka talaga madalas ganito eh.
Paglabas namin sa cafeteria ay naglibot na nga kami, marami kaming nakakasalubong na kumakaway kila Bella at Rence, talagang famous yata sila dito. Baka may tinatago ring talento itong kaibigan ko at di lang si Bella."Sea serpent Kurt oh!" nilingon ko ang tinuro ni Bella at nakakita nga ako ng isang parang dragon na ahas sa katubigan. Nagulat nalang ako sa laki nito "wag ka mag-alala, hindi naman yan nang-aano unless hinamon mo" natatawang turan sa akin ni Lawrence habang pinagmamasdan ang reaksiyon ko.
"Tara, doon nalang muna tayo sa Unicorn Dale. Baka mairita pa yang Sea Serpent at mahimatay na si Kurt" palabirong sabi ni Bella sabay hila sa aming dalawa ni Lawrence.

BINABASA MO ANG
KIRMAT
FantasyIlang taong homeschooled mage at katuwang ng ina si Kurt sa kanilang tahanan, ngunit sa kuryusidad nito kung paano pa mahahasa ang kanyang nakagisnang kapangyarihan ay pumayag siya sa kagustuhan ng ina na ipadala sa isang aktuwal na wizard academy...