KABANATA V

0 0 0
                                    

"Maayos na ang kalagayan ng kaibigan mo, hayaan na lamang siyang magpahinga sa ngayon" ito ang binilin sa akin ng isa sa mga witchdoctor.

"Maraming salamat po" mahinahon kong tugon matapos ay nagpaalam nang aalis.

Ibinalik na sa dorm si Kurt dahil hindi naman siya napuruhan. Dalawang araw na siyang walang malay at pinapainom o pinapahiran na lamang siya ng herbal plants at elixir.

Tumayo ako saglit at tumungo sa bintana para buksan ito at makahagilap ng sariwang hangin, tanaw ko ang likod ng aming dorm kung saan mapupuntahan mo ang hardin malapit sa sapa. Kaunti lamang ang makikitang estudyante, halatang abala sa preparation para sa first day bukas. Kahit si Bella ay nag-aaral na rin daw. Isinandal ko naman ang ulo ko sa aking braso sa may bintana at ipinikit ko muna ang mga mata ko, wala pa kasi ako gaanong tulog kakabantay sa kalagayan ni Kurt.

.
Kurt's PoV

Hingal na hingal ako kakatakbo sa mga itim na nilalang na ewan ko pero patuloy humahabol sa akin sa isang masukal na kagubatan. Pinilit kong gamitin ang thunder flash pero tanging sparks lang ang lumalabas at tila may kung anong kakaibang mahika na pumipigil sa akin upang gamitin ito.
Pilit ko rin makagawa ng dagitab gamit ang mga kamay ko ngunit naglalaho rin ito agad hanggang sa unti-unti akong nadidikitan ng mga itim na nilalang at  tila hinihigop nila ang aking enerhiya, nahihirapan na rin akong makahinga at parang mawawalan na nang malay. Sa kabutihang palad ay may narinig akong boses, "lubayan niyo siya!" isang sigaw ng lalaki, pilit ko siyang sinisilayan, parehas na ginto ang kulay ng aming buhok ngunit hindi makita ang kanyang mukha dahil natatakpan ng liwanag, "bumalik kayong lahat sa pinanggalingan niyo at wag na wag na kayong magpapakita!" isa pang sigaw niyang ito ay sumabay ang pagbagsak ng matalim na kidlat na siyang kinagulat ko at dahilan upang maglaho lahat ng itim na nilalang.

"Alam niyo po ba kung sino ako?" nalilito kong tanong ngunit tinapik lang nito ang aking ulo, magsasalita pa sana ako nang biglang nagising nalang ako sa pagyugyog ni Lawrence sa akin. Panaginip lang pala ang lahat ng yun, pero mukhang may pinaparating.

"Kurt! Kurt! Kanina ka pa di mapakali sa tulog mo, ayos ka lang ba? Nagpupumiglas ka pa nga kanina, buti nagising ako. Hayst, nakatulog pa nga akk sa may bintana, malamok!" dire-diretso nitong sabi sa akin, bakas sa mukha niya ang pagka-irita na may pag-aalala. "Kaya mo na bang tumayo?" tanong pa niya.

"Sandal langi.." sinabi ko habang pinipilit kong umupo, sinubukan kong tumayo at akmang aalalayan na ako ni Rence pero pinigilan ko. Nakakalakad na din naman ako nang maayos, humarap ako sa kanya at nag-thumbs up. "Medyo ayos naman na, ready na ako sa first day bukas" sabi ko pa.

"Hiram ka nalang muna ng uniform ko, wag mo muna abusuhin ang katawan mo at lalong-lalo na wag mo na uulitin yung ginawa mo. Halos dalawang araw kang makahandusay oh" nadi-dismayang tugon niya sa akin habang umiiling-iling. "Kumain na tayo at maghahanda na ako"

"Tulungan na kita, baka makasunog ka nanaman" natatawa kong sinabi dito na siyang kinunot naman ng noo niya. Gumawa ako ng pumpkin juice at si Lawrence naman ay nagprito ng beef loaf, inihanda namin ito sa hapag nang may kumatok ulit sa pinto. Pinagbuksan namin ito at bumungad ang lalaking may katangkaran, maputi at brunette. Lumingon ako kay Lawrence at mukhang nakakita siya ng multo.

"K-k-Kazehaya? Akala ko ba.." kataka-takang sabi ni Lawrence habang pihit ang door knob.

"No, hindi ako naglipat at wow, di ako informed na may nakakuha pa ng pwesto ko dito sa dorm?" May pagka-suoladong saad dito ng lalaking si Noviedo.

"Hala, malay ko ba dito ka pa" sarkastikong sagot ng isa.

"Magandang gabi sayo, kaibigan ako ni Lawrence. Ako si Kurt Rodriguez" pagpapakilala ko at nag-aayang makipag-handshake ngunit blangko lang ang tingin nito sa'kin "ikaw pala si Noviedo Kazehaya na sinasabi nila"

"Ako nga yun, at ako ang ka-hati ni Shen dito" tugon nito.

"Rence, kaya mo naman siguro gumawa pa ng isa pang katre para naman di na makaabala kay Noviedo" pakiusap ko kay Lawrence.

"Novo nalang itawag mo d'yan" sambit naman nito habang ngumunguya na ng pritong beef loaf.

"What? Ano ba, uunahan mo pa ako sa nickname ko" naguguluhang sagot ni Noviedo.

"Eh nickname mo naman yan. Novo plus idiot equals Novidiot" pangaasar ni Lawrence habang itinataas nang magkasunod ang dalawang hintuturo niya.

"Tsk, sira ulo. Sundin mo na ang kaibigan mo at gawaan mo ako ng katre. Daldal mo pa rin eh no" saad ni Noviedo at papikit na umupong pabagsak sa kama.

"Kumain nalang muna kaya tayo, baka maka-istorbo na tayo sa mga nasa kabilang dorms" nakangisi kong sinabi at tinapik ang likod ni Noviedo at tumayo ito nang walang sigla. "Nakakain na ako eh" sabi nito.

"Edi inom kalang ng pumpkin juice, palamig ka nalang muna" natatawa kong sambit at inabutan naman siya agad ni Lawrence ng isang basong juice "ito na, your highness" sabi pa nito. Nagtawanan kami pareho at doon ko lang napagtanto na hindi pala pusong bato si Novo tulad ng pag-describe nila sa kanya, parang si Lawrence lang siya na may pagka-misteryoso, tila nawawala pa nga mga mata nito pag natatawa eh.

.

Matapos naming nakapag-hapunan ay nag-ayos na kami ng mga gagamitin naming supplies para bukas at napagpasyahan na ring matulog.

"Ayan Novo, may katre kana. Lagyan muna natin ng sheet at mamili tayo ng kutson bukas" ani Lawrence habang pinapagpag ang dalawang kamay. "Ah yes, material creation from earth" bulong pa nito habang pinipisil ang braso.

"Kung gusto mo Novo ay dito ka nalang muna sa pwesto ko, tutal ikaw naman nauna saken dito" suhestiyon ko sa kanya.

"Hindi, ayos na rin ako dito. Sanay na rin naman ako sa ganito, uso sa amin sa Sarayu ang ganito na higaan" pagpapaliwanag niya, taga-Sarayu pala si Novo, oo, malamang mga japanese-style nakagisnan doon eh.
Pa-higa na kaming lahat pinatay na ang nga ilaw nang biglang nagtatanong nanaman si Lawrence.

"Hey Novo, nadala mo ba yung itim na glasses ko. I can't afford wearing lenses anymore, itchy, and nawala pa yung isa nung nag-spar kami ni Bella. Huhu" pabulong na reklamo nito at ginugulo pa si Novo. Sa gitna kasi namin naka-posisyon ang kama niya.

"Nasa akin yata yun, ang burara mo kase. Bukas na natin ayusin yan, make sure na maaga kayo magigising ha" singhal dito ni Novo sabay taklob ng kumot.

"Okay good night mga dearest" pabirong sabi pa ni Lawrence sa amin, sinagot ko naman ito ng simpleng "good night" lang para sa kanilang dalawa ngunit nakatulog na yata agad si Novo o narindi lang kay Lawrence.

Hanggang sa tuluyan nang tumahimik ang gabi, hindi ako makatulog. Andami agad nangyari sa unang linggo ko dito sa Brooks, nakakahiya at nahimatay ako at may mga nakakita, kinakabahan ako sa mga mangyayari pag nagsimula na ang pag-aaral ko. Pakiramdam ko ay ninerbyosin rin ako pag makakaharap ang headmaster, isa pala siyang grand wizard. Ang dami nang gumugulo sa isip ko, madami akong tanong tungkol sa kapalaran ko dito, maski mga napaoanaginipan ko ay kinatatakutan ko kaya't hindi ko magawang pumikit.

KIRMATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon