"Settle down class, magsisimula na tayo. Nga pala, may teacher bang pumunta sa inyo dito kanina?" panimulang tanong ni Mr. Jose sa klase.
"Si Sir Archimedes po pero nakipagkwentuhan lang siya sa amin, hindi pa naman po nagturo" sambit ng babae na pinangalanang si Alexandra Hughes.
"I see, si Sir Tristan pala... Let's go back, any of you who's familiar with human realm?" pagtatanong ni Mr. Jose habang palakad-lakad sa klase, halos lahat kami ay nagtaas ng kamay sa tanong niya, nai-kwento na rin sa akin ni mommy ito dahil doon daw posibleng dinala ang walang buhay kong ama. "Of course, halos lahat naman tayo" dugtong pa niya.
Marami akong interesadong impormasyon ang nalalaman ngayon sa kasagsagan ng aming pagkla-klase kasama si Mr. Jose, dini-discuss niya ang bawat ordinaryong hayop na nakikita rito pati ang mga moderno at kakaibang mga kagamitang hindi madalas o hindi nagagamit ng mga tulad naming salamangkero."Alam niyo bang may mga kinikilala ring fortune tellers sa human realm? May kinalaman ito sa pag-aaralan natin sa asignaturang ito which is ang Divination, posibleng makikita natin ang future sa isang salamin pati na rin ang movement ng heavenly bodies" mahabang paliwanag niya, puro "woah" nalang ang tanging nasasabi ng iba naming kaklase dahil atat daw matungtong ang future nila.
"Ah, Mister!" sigaw ni Steve habang nangungulit na itinataas ang kamay niya. Pinatayo siya ni Mr. Jose upang ituloy ang tanong niya. "Yung rectangle na parang portal tapos may navi-visualize ka po ay example na rin po ba yun ng divination, parang ganun rin po ba siya magwork sa crystal ball or something?" kuryosong pagtatanong nito.
Parang naguluhan si Mr. Jose sa naturang ito ni Steve at napapaisip siya. "I beg your pardon, Mr. Patel.".
"I think he meant the television set, Mister" sabat ng isa kong kaklase na nangangalang si Justine Beaufort.
Pagkatapos sumagot ni Justine ay saglit napatahimik ang lahat kasunod ng sabay-sabay na pagtawa, pati si Mr. Jose ay halos di na mapigilang tumawa. "I almost forgot that we have Mr. Beaufort here who have some human-born relatives" natatawa pa ring sambit ni Mr. Jose habang nauubo-ubo na.
Napatingin ako kay Steve at ngumingisi-ngisi na rin, nasabihan pa siyang baliw ni Novo at namimilipit na sa sakit ng tiyan si Lawrence kakatawa. "Yung famous TV lang oala nila yun eh, anong rectangle na portal ka diyan, pre?" sabi pa nito.
"Hindi naman kasi talaga lahat tayo ay pamilyar sa mga ganoong bagay, lalo sa mundo ng mga tao yun. Halos advanced at iba ang napapanahon" saad ko na hindi ko inaasahang maririnig pa ni Mr. Jose.
"Yes, that's right, Kurt. Mga sakamangkero tayo and normal lang kahit wala tayo gaanong kaalaman sa mga bagay na yan. So okay, that's enough" pagtugon nito at unti-unti ring humupa ang ingay ng mga kaklase ko.
"Kung may magical superpowers tayo ay may teknolohiya naman sa kanila" dugtong ko pa at dahilan para titigan ako ni Mr. Jose at tinanong, "sa tingin mo ba Mr. Rodriguez ay may relasyon ang agham at mahika?"
"Hindi ko po tuwiran iyang masasagot pero amg agham sa human realm ay para na ring daan para maisakatuparan nila ang mahika. Halimbawa na lamang sa paglunas ng sakit, gumagamit sila ng medisina bunga ng research habang tayo ay mga halamang gamot na nag-originate sa enchanted forests, ginagawa pang anting-anting o gayuma" mahaba kong pagpapaliwanag, pumalakpak pa ang iba kong kaklase at nasiyahan naman si Mr. Jose sa sinabi ko.
"Magaling! Tama naman ang iyong mga tinuran at papasok na ang iba riyan sa asignatura niyong Kasaysayan ng Mahika" ani niya.
"Ikaw rin po ba ang magiging teacher namin doon, Mister?" tanong naman ni Bella.
"Hindi ako makakasiguro ngunit pwede ko naman rin kuhanin ang subject na iyon" sagot ni Mr. Jose habang binubura lahat ng sulat sa pisara gamit ang spell. "Ayaw ko nang marumihan ng chalk board"

BINABASA MO ANG
KIRMAT
FantasyIlang taong homeschooled mage at katuwang ng ina si Kurt sa kanilang tahanan, ngunit sa kuryusidad nito kung paano pa mahahasa ang kanyang nakagisnang kapangyarihan ay pumayag siya sa kagustuhan ng ina na ipadala sa isang aktuwal na wizard academy...