KABANATA II

1 0 0
                                    

Mabilis lumipas ang isang linggo, narito ako ngayon sa harapan ng aming tahanan at pinapangaralan ni mommy.

"Mag-iingat ka, Kurt. Tandaan mo na hindi sa lahat ng bagay ay palaging nasa tabi mo lang ang taong malapit sayo, kahit isa pa yan sa pinaka-naaasahan mo" diretsong nakatingin sa aking mga mata si mommy habang sinasambit ang mga salitang iyan.

"Opo, ma, hindi ko po iyan makakalimutan. Sisiguraduhin ko sa inyo na babalik ako bilang isa sa pinakamarangal na mage ng ating pamilya. Pangako ko po ito" nakangiti kong sagot habang sinasaludo ko ang aking kanang kamay.
Matapos nito ay binigyan ako ng blessing ng ilang elders na kakilala ni mommy sa siyudad, habang nagcha-chant sila ay may mga lumalabas na kung anong green spirits na mukhang pixies at nagsisiliparan papalibot sa akin. Napapalitan ng excitement iyung kaba ko na kanina pa bumabagabag.

"Maraming salamat po sa parangal at pag-bless po sa akin, punta na po ako" nanatiling seryoso ang aking mga mata sa pagsabi nito ngunit naghugis arko ang aking mga labi.

"Sir Kurt, kasing-lakas at giting ka ni Sir Gloxin na ama mo. Nakikita ko siya sayo" mahinahon na binanggit sa akin ng isa sa pinakamatandang herbalist ng bayan ng Blitz.

Yumakap ako kay mama at yumuko nang bahagya sa mga elders bago ako sumampa sa aking broomstick, ito nalang kasi ang gagamitin ko pang-navigate dahil parehas lamang kami ni Lawrence at nangako rin akkng sabay kami. Habang lumilipad ako sa ere ay natutuwa ako, dalawang taon na rin yata ang nakalipas mula nung sumakay ako sa broomstick. Habang ginagalaw ko ang aking ulo at dinadamdam ang kasiyahan ay tila may bumangga sa aking likuran;

"Aray ko! Anak ng.. Rence?! Ano ka ba, basta-basta kang susulpot-sulpot diyan, nakakagulat" napasigaw ako sa gulat, akala ko kung sino na, yun pala si Lawrence lang na kanina pa pala sunod-sunod.

"Naku, Mr. Kurt Rodriguez! Hindi man lang ako na-inform na aalis na pala tayo. Buti naman nakalipad ka pa sa lagay na yan, bigat-bigat ng mga gamit mo eh" pang-aasar nito sa akin at binubunggo-bunggo pa talaga balikat ko habang pumapapak siya ng kamoteng kahoy.

"Pwede naman sigurong lumamon ka nalang diyan para tahimik rin yung biyahe natin, maaari ba Ginoong Lawrence ng House Shen?" taas kilay kong saad dito habang hinahaplos ang braso kong binabangga niya kanina pa.

"Hmm, omkay. Shige" hays, nakapagsalita pa nga kahit puno na ang bunganga niya at may dumi na sa pisngi niya.

Habang payapa na kaming nakalutang sa hangin ay nabo-boring ako kaya tinaas ko lang saglit ang kaliwang daliri ko at tinignan kung fully-healed na ba ito mula sa training namin ni mommy nung nakaraan. Ginalaw-galaw ko ang mga ito at nakapag-produce naman ng strings ng maliliit na kuryente, kulay lila hanggang sa nagiging sky blue ulit. Abala akong inoobserbahan ang gawi ng kapangharihan ko hanggang hindi ko na namamalayan na kinakalabig na pala ako ni Lawrence.

"KURT! TIGNAN MO, ANDITO NA TAYO, WOOHOO!" nabibingi ako sa sigaw niya kaya sinundan ko nalang ang tinuturo niya kahit naiirita na ako sa pagyugyog niya ng balikat ko, mahigpit lamang akong napakapit dahil mahuhulog na ako kung hindi. "Ganyan ka-ganda ang Brooks, just take a look sa landscape na yan. Mapapa-oops ka sa kagandahan" patawa-tawa niya pang dagdag.

Maganda nga ang academy na papasukan ko, parang heaven on Earth kumbaga. Tanaw ko na rin ang iba pang students na kasabay namin ngayon, may mga naka-broomstick tulad namin at mayroon pa talagang naka-hot air balloon. Sosyal siguro pamilya ng mga iyon.

"Mukhang kingdom siya, oo, maganda nga. Parang na-eexcite nga rin ako na ewan, kabado pa rin na di ko maipaliwanag, Rence" napayuko ako habang sinasambit ang mga ito dahil halo-halong pakiramdam ang gumugulo sa isip ko.

"Ano ka ba, normal lang iyan. Maging masaya ka nalang dahil ngayon ay sa actual magical school kana papasok, magiging ayos rin ang experience mo dito, wag ka mag-alala" pag-komporta niya habang tina-tap ang likuran ko.

Sinenyasan ako ni Lawrence na pabilisin ang takbo ng aming broomstick dahil mukhang atat na atat na itong makapasok sa main entrance ng academy. Akala mo talaga first time niya palang nakapunta rito. Pagkababa na pagkababa ay tinulungan niya ako magbitbit ng mga gamit ko, kaunti na lamang ang dinala niya dahil sadyang iniwanan niya na ang ibang gamit niya dito noong nakaraang buwan pa.

"Doon ka muna sa dorm ko pansamantala, wag ka mag-alala, di pa naman bumabalik ang kasama ko at hindi pa rin naman agad-agad nagsisimula ang klase ngayon. Need mo pa rin kausapin ang headmaster pero baka kilala niya na ang mama mo" mahabang sabi ni Lawrence habang naglalakad kami sa corridor ng mga dorms ng students. Napapansin ko na oarang may kanina pa sumusunod sa amin ngunit napahinga naman ako nang makapasok na kami sa dorm.

"Actually, hindi ko sigurado kung dito pa mag-aaral yung naging dorm mate ko dito noon pero diyan ka nalang muna sa higaan niya. Linisin nalang natin itong kwarto"

Habang naglilinis kami ay nililibot ko ang paningin sa kabuuan ng dorm, parang medieval type ang itsura niya, may pagka-vintage rin ang mga gamit, halos kumpleto na rin ang lahat. May palikuran, katamtamang size ng higaan, study table at maliit na bookshelf. May lalagyan rin ng mga kagamitang may kinalaman sa mahika.

.

Nasa kalagitnaan pa lang kami ng paglilinis at himala dahil tahimik si Lawrence ngayon, parang malalim rin ang iniisip or baka napansin niya ring may nakasunod sa amin kanina. Ngunit binasag ng ilang katok sa dorm ang kanina pa naming katahimikan. Nagtinginan kami ni Lawrence pero siya na ang kusang lumapit sa pinto at binuksan ito.

"Oh, hello, Lawrence Shen! Nakabalik kana pala at siya ba yung best friend mong new student? Ang anak ni Lady Clarisse Rodriguez?" masayang bati ng isang babaeng student rin ata dito dahil naka-uniporme na agad na may logo ng academy. Hindi nalalayo ang edad namin kaya baka kaklase ni Lawrence dati.

"Oh, dito ka pa pala nag-aaral, bentahan mo kami ng yelo ah, joke. Siya nga pala, Kurt, ito si Bella Mystique, ice user soya at siguro magiging classmate natin ngayon" nakakaloko ang pagpapakilala ni Lawrence kaya siniko ito ni Bella bigla.

KIRMATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon