KABANATA I

1 0 0
                                    

"Sa ayaw at sa gusto mo ay papapasukin kana namin sa academy, nakaka-dismaya lamang isipin na karamihan sa ancestors natin ay mga ekspertong archmage, samantala puro kulitan ka lamang" pagsermon nanaman ni mommy sa akin dahil sa pagiging pasaway ko na bata. Siya nga pala, ako si Kurt na nanggaling sa house Rodriguez, 13 years old at inaasahan na ang aking pagpasok sa Brooks Academy of Wizardry. Pamilya kami na binubuo ng mga lightning and thunder mages dito sa siyudad ng Blitz. Balik naman sa istorya, patakbo na lamang akong bumaba sa aming salas at hinarap si mommy.

"Ma, chill, okay? Kayang-kaya ko makapasok diyan, di niyo na kailangan magalit nang magalit. Besides, sakto lamang ang edad ko para pasok as a first year sa school na 'yan, 'di ba?" pagpapa-kalma ko kay mommy.

"Paano namang hindi ako magagalit eh hindi ka pa nakakapag-prepare at next week na iyon! Kung andito pa sana ang lolo mo ay ma-a-assist ka pa niya." sagot niya sa akin.
Nga pala, kakapanganak pa lang sa akin ay hindi ko na na-meet si daddy, sinabi ni mommy sa akin na namatay na daw siya at ang iba pang nalaman ko sakanya ay isa siyang outstanding wizard at skilled student daw siya doon sa academy na papasukan ko ngayon.

"Tatawagin ko nalang po si Lawrence para may kasama akong mamili ng school supplies, naibigay niyo naman na sa'kin ang list nung nakaraan".
Nagpaalam na ako kay mommy at lumabas ng bahay para puntahan si Lawrence, ginamit ko na lamang ang aking thunder flash para mabilis makarating sa kanila.

Pagdating na pagdating ko ay bumungad agad sa akin ang isang maingay at magulong earth user.

"Kurtyyyy! Hey bro, kumusta kayo ni aunt Clarisse? May balita ba bat ka napunta rito?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. "Ang galing mo na kumontrol hah, ambilis!" dagdag pa niya.

"Oh, oh.. saglit lang, ano kase.. pinag-aaral na ako ni mommy sa Brooks at sabay sana tayo mamili nitong mga gamit?" pakamot kong ulo na sinabi.

"For real??!!! Yeyy!! Magkasama na tayo, sayang homeschooled ka these past years. Pero ngayon ay sisiguraduhin kong ma-eenjoy mo dun!" excited si Lawrence na nagkukwento tuwing magba-bakasyon siya dito galing sa academy at masasabi kong wala naman mawawala if ita-try ko na pumasok din dito. Sabay na kaming pumunta sa malapit na store ditong tinatawag na Magic Shoppe para mamili.

Nakarating na kami at sunod-sunod lang ako kay Lawrence habang namimili kami, pambihira ang mga gamit dito at hindi pa familiar sa akin ang iba kahit na mage din ako.

"Ito Kurt, potions, quill tapos iilang enchantment books na makakatulong sayo since bago ka lang na papasok sa academy". nilagay niya ang mga ito sa basket na hawak ko at tumango na lamang ako.

"Ikaw naman, Rence? Gumagamit ka pa ba ng wand or grimoire? Or nagcha-chant ka nalang?"
seryoso kong tanong.

"Hmmm, gumagamit pa ako minsan ng staff tapos kaunti sa wand. Hindi pa ako nakakagamit ng own grimoire ko" pag-explaim nito sa'kin.
"Tara na, bayaran na natin itong mga to."

Pagkatapos naming magbayad ay bumili muna kami ng croissant at umupo sa harap ng simbahan gamit ang upuang ginawa ni Lawrence galing sa kanyang element.
"Nakakapang-nerbyos naman, kanina na-eexcite lang din ako hah" nanghihinayang ko pagsabi.

"Ano ka ba Kurt!" saad ni Lawrence at sinikil ako, "Matalino ka kaya Kurt, archmage ang magulang mo kaya may alam kana sa mga mahika kahit homeschooled ka. Di mo na kailangan manghinayang sa mangyayari, siguro mahihirapan ka sa una pero makakpag-adjust ka din kahit papaano. Andito naman din ako eh"

Ito talaga si Lawrence, kahit loko-loko ito ay comforting pa din itong kasama eh. Siya lang talaga masyado kong naka-close na kababata ko at masasabi kong kilala na din namin ang isa't-isa. "Naku ka, tara na nga at andilim na. Mag-training na ako these next days para di na magalit si mommy." sagot ko sa kanya at natuwa nanaman ito.
"See you next week, Kurt! Sana same classes tayo. Hehe!" ani niya at sabay na kaming nag-iba ng landas upang umuwi. Kumakaway-kaway pa nga ito.

Napabuntong hininga nalang ako at dire-diretso nang tinungo ang aming bahay, nararamdaman ko talagang kanina pa'y may sumusunod sa akin ngunit pag nililingon ko ay hindi ko siya maaninag kaya't ipinagsawalang-bahala ko na lang. Bago pa man ako makarating sa amin ay nakita ko si mommy na may kausap na isang lalaki na mukhang may katandaan na, naka-black robes ito at mukhang seryoso sila sa pinag-uusapan nila. Napatigil muna ako at pinagmasdan sila, pagka-alis ng lalaki ay nagmadali na akong pumasok sa bahay.

"Bakit ngayon ka lang? Andilim na hah, mag-ala siyete na nang gabi" pagtatanong sa akin ni mommy habang inaayos ang mesa.

"Ahh, ma. Sino yung kinakausap mo kanina sa may pinto?" takang-taka kong tanong.
Napatigil si mommy sa kanyang ginagawa at unti-unti akong nilingon. "Iyon? Napadaan lang, may itinanong lang siya" mahinahong sagot niya sa akin.
Kumain na kami ng hapunan at naikwento ko na kay mommy ang nagyari kamina habang namimili kami at ang short training ko. Pagkatapos ng hapunan ay dumiretso ako para ayusin ang iilang mga sirang lamps, nirurub ko nang maigi ang aking mga palad at kinukuryente ko isa-isa ang mga ito para gumana ulit. I guess isa na din ito na magsisilbing training ko.

Mabilis dumaan ang bawat araw at huling preparation na para sa pagpasok ko sa Brooks, ngunit masaya ako ngayon dahil nag-insist si mommy na itre-train niya ako.
Sinimulan na ito ni mommy, dumilim ang aming paligid at mukhang may hurricane ang kanyang aura, naging light blue din ang kanyang mga mata. Pinosisyon ko ang sarili ko at bumuo ng thunder ball sa aking mga kamay, di ko namalayan na nasa likod ko na pala siya at na-strike ako dala ng pagtilapon ko. Itinapon ko ang iilang thunder ball na nagawa ko at napakulay yellow ko ang aking mga mata, cool! Sa kasamaang palad ay nado-dodge ito ni mommy. Kanya-kanya kaming tapunan ng kulog at kidlat hanggang parehas na kaming nakalutang sa hangin, mabilis na ang mga kilos ko gamit ang flash pero sadyang mas mabilis pa din siya. Tumaas muli si mommy at nagpakawala ng matalim na kidlat, nataranta ako at pinangsapo ang aking kaliwang kamay na biglaan namang nakagawa ng lightning sword na dahilan upang itapon pabalik yung matalim na kidlat. Pati ako tuloy ay nahulog sa lupa dahil sa lakas ng impact.
Unti-unti na ding bumaba sa mommy at umupo sa tabi ko, senyales na tapos na ang laban. Wala na ang aming aura at bumalik na sa dati ang kulay ng aming mga mata subalit may kidlat-kidlat pa din na bumabalot sa aking left hand.

"Kaya mo naman pala, Kurt. Sadyang tamad kalang talaga minsan" napangiti si mommy habang sinasabi niya ito sa akin habang tinutulungan ako tumayo. Nakita ko ulit ang kanyang genuine smile at yumakap sa kanya, napayakap naman siya pabalik. "Salamat po sa pagtitiwala niyo, promise po na pagbubutihin ko" pikit mata at nakangiti kong sinabi.

KIRMATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon