Halos mala-bahaghari ang itsura pala nitong Unicorn Dale na sinasabi nila, nakakita na ako noon ng unicorn pero iisa nga lang. Dito pala nakatira ang karamihan sa kanila.
"Buti hindi gaanong marami ang students na andito, gusto mo subukan silang pakainin, Kurt?" tanong ni Bella sa akin at ini-aabot ang isang bulaklak na sa tingin ko isang marigold.
"Nakakita na rin ako ng unicorn dati na dinala sa amin sa Blitz, hindi gaanong kalakihan, sa tingin ko ay may sakit dahil gustong-gusto atakihin ang ibang tao sa amin" pagku-kwento ko kay Bella habang pinapakain ang isa sa mga unicorns.
"Taga-Blitz ka nga pala, ano? Kami naman ay sa bandang norte, sa town ng Aspen, doon naman kami. Ang ibang unicorns na napunta doon ay arctic poppies ang pangunahing diet nila. Maganda kasi ang atmosphere lalo na pag taglamig" sagot niya naman sa akin habang hinahaplos ang makulay na buhok ng isang unicorn.
"AHHHHH!" napaigtad kaming dalawa sa biglaang pagsigaw ni Lawrence, bumagsak na lamang ito sa lupa buhat ng pagkahulog niya sa pagtalon ng unicorn na kanina lang ay sinasakyan niya pala. Napatakbo na lamang kami papalapit sakanya, napansin kong tinawanan pa siya nung isang lalaking estudyante na nandito rin kaya napasinghal nalang si Lawrence.
"Lokong Steve yan, susulsulan pa ako eh naiinip naman pala itong unicorn na binigay niya sakin" inis na inis si Lawrence habang hawak-hawak ang kanyang pwetan na naunang bumagsak kanina. Pinipigilan ni Bella ang pagtawa habang tinutulungan niya akong patayuin si Lawrence nang maayos, yung lalaking si Steve naman na nang-aasar kanina ay tumakbo na rin nang tawagin ng isa pang lalaki.
"Sorry Rence, hindi ko naman alam na inip yan eh. See you sa class soon. Woohoo!" hindi na pinansin ni Lawrence ang pamamaalam ni Steve kahit kumakaway-kaway pa itong tumatakbo papalayo sa amin. Magta-takipsilim na rin at nagyaya na si Bella na bumalik na kami sa kanya-kanya naming dorm.
"Oh, ito icicle, earth-boy. Idikit mo lang diyan sa nadisgrasyang parte mo" sabay abot nito ni Bella sa kamay ni Lawrence, sumunod naman agad ito at pagkatapos nun ay nakalakad na siya nang maayos. "Salamat hah" sarkastikong sabi la ni Bella na siyang ikinangisi naman ni Lawrence at sinagot niya ito ng "sige, welcome" naasar si Bella sa inasta sa kanya nitong nang-aasar pa kaya nagawa pa nilang maghabulan sa field kahit pauwi na. Naglabasan pa nga sila ng kani-kanila nilang kapangyarihan pero hindi naman ganun ka-lala kaya tinatawanan ko na lamang sila.
Napukaw ng atensyon ko ang isang madilim na kagubatan na hindi nalalayo sa kinatatayuan namin, mukhang maoanganib pero may bumubulong sa isipan ko na puntahan iyon.Nanlalamig ang aking pakiramdam nang makalapit na ako sa harapan nun at isang hakbang pa ay nakapasok na ako sa gubat. "Kurt, kurt, kurt..." isang malalim na tinig ang naririnig ko na tinatawag yata
ang pangalan ko. "S-s-sino k-ka? Kilala mo ba ako?" naguguluhan kong tanong, nililibot ko ang paningin ko ngunit nagtataasang puno nalang ang nakikita ko at dumidulim na rin ang paligid. Ilang sandali ay nararamdaman kong may nasa likuran ako."Aha, Kurt heir of Rodriguez household. Hmm.. golden, blonde hair, parang isang matalim na kidlat. Reminds me of the late... Gloxin" sinundan ng isang nakakakilabot na halakhak ang nakakatakot na boses nitong kung sinong lalake.
"Pwede bang ipakita mo ang sarili mo sa akin kaysa nagtataho ka diyan sa dilim?!" pagtataas ko ng boses dahil hindi ko talaga siya masilayan at gusto ko malaman ano ba kailangan niya sa akin at bat kilala niya ang ama ko?
Napatigil ako biglang nang may humawak sa kaliwang braso ko at nakita ko harap-harapan ang isang lalaking nakaitim, medyo maputi ang balat at nakakatakot ang mga ngiti, pati nanlilisik na mata nito. "Nahawakan rin kita, HAHAHAHAHA" sigaw nito at humangin nang malakas, sa takot na nadarama ko ay nay lumabas na itim na dagitab sa hawak niyang braso ko at napasigaw ako. Umabot sa kalangitan ang pagkidlat at hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari sapagkat nawalan na ako ng malay, ang mga mala-demonyong halakhak na lamang ang huli kong narinig.
Lawrence's PoV
Nanginginig ako sa bakbakan namin ni Bella, ginamitan ba naman ako ng blizzard, buti at naagapan ko gawan ng wall. Napatigil na lamang kami sa sparring namin nang sinita kami ni Ma'am Lucy, isa siya sa teachers dito na mabait pero may pagka-strict, kilala siyang puppet master.
"Pasensya na po, ma'am. Hindi na mauulit" sunod-sunod ang aming pagyuko at hingi ng pasensya kay Ma'am at sinabihan naman kaming ayaw niya na itong maulit.
"Si Kurt pala? Andiyan lang yun kanina, di ba?" nag-aalalang tanong ni Bella nang hindi na talaga namin masilayan maski anino ni Kurt."Ma'am, may napansin po ba kayong blonde na lalaki dito at may katamtamang lang na tangkad?" habanb nagtatanong ako kay Ma'am Lucy ay naputol ito ng pagtawag sa atensyon namin ni Steve.
"Lawrence, Bella! Yung kaibigan niyo wala nang malay sa harap ng Caligo Forest" hingal na hingal at pawis ito nang sabihin ang balita.
"Ano?! Bakit hinayaan niyong may nagpunta roon?!" nadidismayang tugon ni Ma'am Lucy at tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Kurt, sumunod na rin kami ni Bella. Bakit naman pupunta doon si Kurt, hayst.
Masyado akong nag-aalala sa kalagayn ni Kurt ngayon, pagdating na pagdating namin ay agad ko siyang hinawakan dahil nakapikit na lamang ito at hirap na hirap huminga. Napatakip si Bella sa bunganga niya at susubukan na sanang paluwagin ang pakiramdam ni Kurt pero pinigilan muna siya ni Ma'am Lucy kaya't nagtinginan kami ni Bella sakanya.
"Naabuso ang kapangyarihan ng kaibigan niyo, may marka ng mga itim na kidlat sa kaliwang braso niya, posibleng na-meet niya ang isang dark entity na kinatatakutan sa Caligo Forest. Panganib ang dala niyan kaya wag kayo basta-basta papasok" seryosong paliwanag sa amin ni Ma'am Lucy. "Kailangan ito malaman ni headmaster"
Sumulpot naman ulit si Steve sa likod at sinabing pinapatawag ni headmaster si Ma'am at nakarating na daw ang balita sa headmaster. Binilinan na rin kami na dalhin si Kurt sa healer.
.
"Nag-attempt po ang isang new transfer student dito na pumasok sa Caligo Forest, siya po si Kurt Rodriguez, Headmaster Maximo." mahinahon na saad ni Ma'am Lucy matapos siyang pinatawag sa ministeryo.
Tumayo ang ang headmaster at inayos ang kanyang magarang wizard robes. Hinawakan niya rin nang maayos ang kanyang staff at itinaas ang noo para hindi mahulog ang wizard hat nito. "Hmmm, siya pala ang anak na lalaki ng house Rodriguez, siya pala ang kikilalanin ko. Pagkagaling na pagkagaling niya ay i-harap niyo yang bata sa akin" seryosong tugon nito.
"Mukhang nakita niya sa loob ng gubat na yon si Salem, isa sa mga dark entity at warlock" seryoso pa nitong tugon at parang hindi mai-pinta ang mukha.
"Na-trigger niya ata po ang kapangyarihan nung bata" dagdag pa niya."Mukhang may malubhang galit itong si Salem sa ama ni Kurt. May maayos namang dahilan si Clarisse upang papasukin ang anak niya dito, dapat lang na maka-recover agad ang bata para lubusan ko na itong makilala" mahabang winika ng headmaster.
Nagdadalawang-isip pa si Lucy sa pagparito ni Kurt si academy ngunit sumang-ayon nalang din sa headmaster at nagpaalam na aalis na.

BINABASA MO ANG
KIRMAT
FantasyIlang taong homeschooled mage at katuwang ng ina si Kurt sa kanilang tahanan, ngunit sa kuryusidad nito kung paano pa mahahasa ang kanyang nakagisnang kapangyarihan ay pumayag siya sa kagustuhan ng ina na ipadala sa isang aktuwal na wizard academy...