Parehas na kaming nakatayo ni sir Norman sa harap ni headmaster Maximo, ang dungis ko na pala tignan ngunit pormal pa rin ang itsura ni sir Norman kahit narumihan ito. Nagmumukha tuloy akong basahan sa gilid niya, unfair, pati uniform ni Lawrence na hiniram ko ay nagkaroon na ng punit. Nakaka-urat.
"Wag kang nag-alala sa nasirang uniform mo, maaayos natin yan. Pwede ka ring makapag-order ng bago" pag-komporta sa akin ni Ma'am Lucy, napansin niya atang problemado ako sa itsura ko lalo na't kailangan ko pa sigurong alamin kung saan ang papasukan kong klase ngayon. Inayos niya ang robes ko gamit ang puppet niyang may mga golden threads na tinatawag niyang si Seamstress, nacute-an ako dito.
"Thank you po" malumanay kong sabi at saka ko sila ginawaran ng matamlay na ngiti.
"Wala sa aking kaalaman na kaya mo pala i-cast ang iyong magic ability gamit ang wikang Latin" ani headmaster at mukhang natuwa ito sa akin.
"Ang totoo po niyan ay naturuan po ako ng nanay ko sa kadahilanang sa bahay lang po ako nag-aaral at marami pong libro doon na pinapagamit niya sa akin. Ngunit ang iba ay iniiwasan niya munang ipa-basa"
"Ah, kaya pala. Sa edad mong iyan ay pumapalpak pa ako sa spell casting kung Latin ang gamit eh" natatawa niyang saad ni Mr. Jose.
Saglit napatigil at umubo si headmaster bago nilingon si sir Norman at sinabihan, "Norman.. Didn't I told you not to be too hard in this boy?"
"Wala pa po sa kalahati ang ipinakita ko, sir. But it looks like you got impressed by him" malalim niyang tugon, napatingin siya sa kanyang munting pocket watch pabalik kay headmaster, "I'll get going, sir." sabay yumuko nang unti. Mabilis at dire-diretso siyang naglakad palabas na sinundan na lamang namin ng tingin.
Napapikit si headmaster at itinaas ang kanyang salamin, "masanay kana kung si Sir Norman ang magiging guro o isa sa magiging mentor mo."
Napabuntong-hininga na lamang sila Mr. Jose at Ma'am Lucy sa sinabing iyon. "That man used to have this so-called 'infectious smile', kung hindi lang sana nangyari yun kay Xavier-" hindi na tumuloy si Mr. Jose sa pagsikil nang mahina ni Ma'am Lucy sakanya. "I-hatid mo na si Kurt sa klase niya, ikaw rin magme-meet sa kanila ngayon, 'di ba?" taas-kilay na saad nito. Parang nagulat pa si Mr. Jose sa narinig niyang yan, "Headmaster Salvatore? Tunay po ba na ako muna ang magiging instructor ng section nila Kurt?" halos di makapaniwala ang reaksiyon nito habang hawak-hawak ako sa balikat. Mukhang hindi yata natutuwa si Mr. Jose ngunit tinanguhan lang siya ni headmaster at sinabing "Sila Ma'am Lucy at Sir Johann ang kasama ko munang magma-manage ng iba pang pangangailangan, hindi lang sa eskwelahan."
"Oh no, yung mag-fiancé pa talaga ginawang substitute ni Sir para sa akin" bulong-bulong ni Mr. Jose habang naglalakad na kami papunta sa nasabing classroom ko, tahimik na ang bawat hallway dahil payapang nagkla-klase na ang lahat, may pumutok pa nga yatang potion doon sa isang room na siyang ikinagulat ko. Sumunod nalang rin ako kay Mr. Jose nang paakyat kami sa isang spiral na hagdan at sandali pa'y huminto kami sa nag-iisang room na maingay, para ngang nagpa-party-party ang mga ito dahil wala silang guro sa harapan, pinaglalaruan pa ang sari-sari nilang magical powers. Nabuhayan na lamang ako nang makita sila Lawrence at Noviedo doon!
"Dito ang magiging klase mo, Kurt. Pagpasensyahan mo na ang makukulit mong kaklase" dismayadong sambit ni Mr. Jose at marahang hinaplos ang mukha, "Kaklase mo rin naman pala dito ang mga kaibigan mo, ayun si Mr. Shen na puro halakhak" dugtong pa nito.
Pagpasok na pagpasok palang namin ay biglang may lumipad na earthen clay sa kinaroroonan namin, umiwas ako doon at napayuko si Mr. Jose, di ako nagkakamali dahil element ng lokong Lawrence iyon. Hindi pa rin yata nila napapansin ang aming presensiya kaya't sinubukang i-summon ni Mr. Jose ang kanyang mahabang tungkod, ipinaikot niya pa ito sa kanyang kamay at tinapik nang malakas sa lapag. Sa isang iglap ay nagsipaglaho ang bawat mahikang kanina pa nila pinagkakatuwaan at pinaglalaruan, nagsitahimik ang lahat at sabay-sabay lumingon kung saan kami naroroon, tila nagdala ito ng pagkabigla sakanila. Si Noviedo lang ang hindi gaanong nakikigulo sa kanila at wala rin itong reaksiyon nang makita niya ako sa harap, alam na alam na sigurong magkaklase kami. Si Lawrence naman ay abot tenga na ang ngiti sa sobrang lapad.
"ATTENTION!" malakas na sigaw ni Mr. Jose at dali-daling nagsibalikan sa kanya-kanya nilang upuan ang lahat. "Ganito ba ang dapat ipakitang imahe ng isang wizards, witches, mages or kung ano man diyan lalo na kung kabilang pa ito sa tinaguriang darakilang pangkat ng Brooks?" nayayamot na wika ni Mr. Jose sa harapan. Saglit naman akong napaisip sa sinabi niyang "darakilang pangkat", so ibig sabihin ba nun ay puro matatalino at nangunguna ang mga eatudyanteng nakapaloob sa section na ito? Bunga ng aking pag-iisip, hindi ko na napansing tinatawag na pala ni Mr. Jose ang atensyon ko at inaatasan akong magpakilala sa harap ng klase.
"Tignan ninyo, may bago tayong kaklase na makakasama at ganyan ang maaabutan niya. Messy!" pagpapatuloy niya bago ako sinenyasan na magsimula na.
Lumunok ako bago pa man magsalita, "Ako si Kurt Rodriguez, galing sa bayan ng Blitz at lightning element ang aking specialty. Homeschooled ako pero sana magkasundo tayong lahat" matapos ko itong gawin ay pumalakpak si Lawrence sa gitna ng katahimikan, agad naman siyang sinaway ni Bella kaya't napatakip nalang siya ng bunganga.
"Maaari ka nang umupo, Kurt. Since close naman kayo ni Mr. Shen ay doon ka nalang sa tabi niya, Ms. Mystique, transfer ka muna sa tabi ni Ms. Hughes.
"Goodbye sa iyo, hehehe" panunukso pa ni Rence kay Bella.
"Tsk.. sira" umirap ito at padabog pang umalis. Inilapag ko naman ang gamit ko at umupo na sa tabi ni Lawrence, nasa likod lang namin si Noviedo at seatmate niya itong lalaking si Steve na nakita namin sa Unicorn Dale nung nakaraan.
"Sanay ako sa messy hair mo, Kurt. Pero sa pagkakaalam ko ay maayos yan lagi lalo kung may importante kang pupuntuhan, lalo ang school" saad ni Lawrence at akmang hahawakan na ang buhok ko, umiwas ako at ako nalang mismo nag-ayos. Kung di lang sana ako napalaban kanina sa teacher na yun, hays.
"Baka naman pinatikim ni Sir Norman?" napalingon ako sa sinabing iyon ni Novo na nasa likuran ko lang at ginawaran ko na lamang siya ng mapait na ngiti dahil totoo naman.
"Kung nagtataka man kayo bakit naririto ako instead of accompanying our headmaster, it's because siya mismo nag-assign sa akin para maging mentor niyo due to some reasons" pagpapaliwanag ni Mr. Jose sa aming harapan, parang hindi pa makapaniwala ang iba dahil hindi naman talaga siya nagiging adviser dito sa academy.
"Nice! Marami pa naman akong gustong malaman na galing sayo, mister!" natutuwang paghiyaw ni Steve.
"Sure, now, calm yourself down first, Mr. Patel" tugon naman nito na siyang nagpaupo muli kay Steve.
"Nakakatuwa pa naman iyan si Mr. Jose, masaya 'to!" bulong sa amin ni Steve at mukhang excited pa siya, eto yata class clown ng section na ito dahil nagpipigil tawa ibang kaklase ko maski si Lawrence tuwing nagsasalita siya nang ganyan.

BINABASA MO ANG
KIRMAT
FantasiaIlang taong homeschooled mage at katuwang ng ina si Kurt sa kanilang tahanan, ngunit sa kuryusidad nito kung paano pa mahahasa ang kanyang nakagisnang kapangyarihan ay pumayag siya sa kagustuhan ng ina na ipadala sa isang aktuwal na wizard academy...