KABANATA VI

3 0 0
                                    

Bigla na lamang akong nagising sa naglalagablab na sinag ng araw, di ko namalayan na nakatulog na rin pala ako sa lalim ba naman ng iniisip ko. "Huy Kurt tayo, sunod kana agad maligo doon kay Novo. Alam mo bang kanina pa nanggagaliti yun sayo dahil tulog mantika ka raw" pagdadaldal agad ni Lawrence, kay aga-aga at pilit akong hinila papatayo at ini-upo sa hapagkainan. "Ayan kain at suot mo uniform na to mamaya ah" napa-buwelta naman ang ulo ko nang bigla niya sinubo sa akin ang isang tinapay na may strawberry jam at nilapag sa katabi kong upuan ang isang disenteng uniporme; may robes, vest, long sleeve polo, slacks, necktie. Nakalagay pa nga ang logo ng Brooks School of Wizardry sa may vest na de butones.

.

"Oh ikaw naman rin naman pala ang huling hihintayin, Novo" pagreklamo ni Lawrence sabay haplos sa mukha. Halos lahat na kami ay nakapag-ayos na mg sarili ngunit nagme-medyas pa si Novo at hinanap pa ang libro niya.

"Ano naman? Ikaw nga, mukha ka nanamang nerd diyan sa salamin mo eh HAHAHAHAHHA" patawa-tawang sambit ni Novo habang tinuturo ang makapal na itim na salamin ni Lawrence, bahagyang kumunot naman ang noo nitong isa at tinapik ang hintuturo ni Novo.

"Shut it, hanging habagat. I'm a proud bookworm, ya know?" pagmamayabang ni Lawrence dito sabay kampay ng kamay.

"Labas na tayo, kikitain pa pala ako ng headmaster nitong school" mahinahon kong sabi sa dalawa "balita ko ay Grand Wizard pala iyon" dagdag ko pa at napalunok sa sarili kong laway.

"Oh, good luck pala sayo. Ingat ka, baka i-test kanpa nun, gusto mo ba makalaban sa isa sa mga kakaibang nilalang rito?" napatawa si Novo nang mahina matapos itong sambitin sa akin habang naglalakad na kami sa mahabang corridor, andaming estudyanteng nagtitinginan sa amin, parang nakakita yata ng artista.

"Wag mo namang takutin si Kurty.. tignan mo mga nakatingin sayo, nagiging artistahin ka diyan sa grimoire mong hawak-hawak mo" sabay turo ni Lawrence sa kulay puti, sky blue at blowy arts na librong bitbit ni Noviedo.

"So what? These magical equipments ay more on pang-enhance lang ng kapangyarihan natin, besides, we're born with natural abilities.. our own magic" tugon ni Novo kasabay ng paghagod niya sa kanyang grimoire.

"Huwag niyo naman akong nine-nerbyos, susubukan ko nga magpakitang-gilas eh" pabiro kong saad.

"Not until you encounter Sir Norman" nakangising sagot ni Novo.

"Oh yeah, its that Lunar Magic again. Woo!" tila nasasabik na banggit naman sa'kin ni Lawrence.

Napatigil kami nang nakasalubong namin si Mr. Jose, isa siyang supervisor dito sa Brooks, nagsisilbi rin minsang magic trainer at tagapaglingkod ng headmaster. Binulong lamang saakin ni Lawrence kung sino siya matapos naming bumati. Nag-eye comtact kami nito nang inangat ko ang aking ulo sa pagkakayuko at tinawag ang atensyon ko.

"Ikaw si Kurt Rodriguez, hindi ba? Isang lightning magic user?" tanong niya sa'kin

"Ah, opo. Ako nga po" mahina kong tugon.

"Sumunod ka sa akin" sinenyasan ako ni Mr. Jose at naunang naglakad.

Agaran naman akong nagpaalam kila Rence at Novo, nauna na rin sila sa kani-kanilang classrooms at kumaway pa sa akin si Lawrence kasabay ng mapang-asar niyang itsura. Ini-rolyo ko nalang ang mata ko sa inasta niya.
Masyadong tahimik si Mr. Jose habang naglalakad kami, nakasunod lamang ako sa kanya pero alam ko nang papunta yata kami sa opisina ng headmaster. Gusto kong makasiguro pa rin kaya nagtanong ako.

"S-sir, sa office ni headmaster Maximo po ba tay-" hindi ko natapos ang aking pagtatanong nang bigla siyang magsalita.

"Dito ang Battle Hall, dito ay pupuntahan natin" binuksan niya ang asing malaking pintuan na yari pa yata sa bakal, bumungad sa harapan ko ang isang malawak na silid. Puro tanglaw ang nagbibigay-liwanag dito, halos mga staffs, potions, wands at iba pang kasangkapan sa mahika ang iba pang nasa sulok nito.
Sa sentro nito ay naaninag ko ang isang matanda na may magarang kasuotang pang-salamangkero, kumilinang pa ang ibang disenyo nito. Sa kanan niya ay mayroong isang matangkad, maputi at mabikas na lalaki, tuwiran lamang itong nakatitig sa akin at ang nasa kaliwang mago naman ay si Ma'am Lucy, ginawaran ako nito ng natiwasay na ngiti.

KIRMATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon