chapter four: the public confession i

46 6 1
                                    

Ang lahat ay na sa loob na ng Ball Room, sapagkat ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang pagdiriwang na siyang matagal ng hinihintay nang lahat.

Hinanap ko ang aking pamilya pagkapasok ko sa Ball Room at mabuti na lamang ay agad ko silang nakita. Lumapit ako sa kanila at tumabi.

“Where have you been?” pabulong na tanong sa akin ni Mama.

“I went to see Jewel,” sagot ko. Kumuha ako ng isang basong wine nang dumaan ang isang tagapagsilbing mayroong dalang mga wine.

“Thank you,” pagpapasalamat ko sa tagapagsilbi na nginitian naman ako’t marahang yumuko bago umalis.

“You better not start nor cause any trouble, young lady. We're not at home,” pagbabanta sa akin ni Mama.

“Yes, Mother. I won't,” magalang na sagot ko bago ininom ang wine.

“And put that wine back, Gabriella. You are not an adult yet,” dagdag pa ni Mama.

“But I will be in a couple of months,” magalang na sagot ko sa kaniya.

“Honey! Look at this lady!” pagtawag ni Mama kay Papa para humingi ng tulong. Ngumiti naman ng malaki si Papa kay Mama.

“Let her have a taste, Honey. Your daughter is right, she will be an adult in 3 months,” nakangiting lintaya ni Papa kay Mama at binigyan ito ng isang mabilis na halik sa pisnge bago tumingin sa akin. “You can have a wine, but only one glass. You hear me, Gabriella?” utos niya sa akin.

“Yes, Father,” magalang na sagot ko. Hindi ko inaasahang papayagan ako ni Papa. Hindi pa rin gusto ni Mama ang ediyang uminom ako ng wine, pero hindi na siya nagsalita pa.

Hindi nagtagal ay tumunog na ang trumpeta, ito ay isang palatandaang lalabas na ang Debutante. Ang lahat ng ilaw sa loob ng Ball Room ay pinatay maliban sa nag-iisang ilaw na siyang nakasunod sa Debutante. Ang atensyon ng lahat ay nakatutok sa ilaw na iyon sapagkat kung nasaan ang ilaw, nadoon ang Debutante.

Hindi nagtagal ay lumabas na nga si Jewel na mayroong suot na napakaganda, at napakagarang gown kung saan kumikislap dahil sa maliwanag na ilaw. Para siyang isang Fairy, napakaganda niya.

Dahan-dahang naglakad pababa si Jewel habang mayroong malaking ngiti sa labi at dahan-dahang pumunta sa isang stage sa ibaba ng Balcony kung saan mayroong isang malaking upuan ang nag-hihintay.

Ang atensyon ng lahat ay kailanman hindi nawala kay Jewel at nanatili ito hanggang sa nakarating na siya sa stage. Nabighani ang lahat sa kaniyang ganda.

Nang makarating na si Jewel sa stage ay agad namang bumalik ang lahat ng ilaw sa loob ng Ball Room na sinabayan ng malakas na palakpakan mula sa mga bisita.

Kinuha ni Duke Vvrienne ang kamay ni Jewel na mayroong malaking ngiti sa labi bago tumingin sa mga bisita.

“Everyone, I would like to sincerely thank everyone who joins us in today's celebration. Today, our one and only daughter has now become a lady, and I am so grateful for that. Today we will celebrate her 16th Birthday, please help yourself and enjoy the ball. Let's give a toast, to the Birthday Girl,” sigaw ng Duke at itinaas ang kaniyang wine glass.

Agad namang sumunod ang lahat at sabay-sabay na itinaas din ang kanilang mga wine glass sabay bati kay Jewel ng isang maligayang kaarawan.

“Ahaha Thank you everyone, it is such an honor. Please, enjoy yourselves with some food and drink, while we dance,” pagpapasalamat ni Jewel sa lahat. Itinaas niya ang kaniyang kamay sabay sabing, “Music, maestro!”

Agad namang napuno ang Ball Room ng napakaganda at napaka-inganyong tugtog na siyang nagpadala ng mga bisita sa Dance Floor upang sumayaw.

Dumaan ang ilang oras na puro pagsasayaw ang ginawa ng mga tao, mayroon ding iba na kumaian, nag-uusapan, at ang iba ay nakatayo lang sa gilid.

At isa na ako sa mga nilalang na nakatayo lang sa gilid. Naging Wall Flower na naman ako. Wall Flower sa nakaraang buhay, pati ba sa buhay na ito ganoon pa rin?

“Gabby! There you are. I'm so glad you're not dancing with anyone yet,” masayang tawag ni Jewel sa akin.

“And who do you think would ask me to dance with them? No one, Jewel. I guess It suite me looking like a Wall Flower,” kibit balikat na sagot ko. Nag-pout naman siya sa aking harapan at tiningnan ako deretso sa mata bago umiling.

“That’s not true at all! You're too good to be a Wall Flower! Look at your surroundings, a lot of Lords are looking towards you asking for you to dance with them, you just need to give them a chance by smiling!” kontra niya. Bakit parang naging kasalanan ko pa? Eh nakatayo lang naman ako rito, anong meron sa aking pagtayo at ayaw nila akong alukin ng sayaw?

“Ugh I don't know what to do with you! If you keep this up, you'll be single for the rest of your life!” lintaya niya, parang siya pa iyong natalo sa aming dalawa.

Tsaka namumuhay at namatay ako sa dati kong buhay na walang kinikitang kasintahan, ni lalaking ninanais ko. Ano ang pinagkaiba ngayon? Ako ay nasanay na, hindi problema ang mag-isa, basta maging masaya lang si Jewel.

“It doesn't matter. What matter is that you, will be happy. So if there are things that I can do to make you happy and for you to have a happy ending, do seek for my help again, okay?” nakangiting tanong ko.

Masaya naman itong ngumiti sa akin at tumango. Sasayaw pa sana kami ng mayroon kaming ingay na narinig sa stage kung kaya’t tumingin ang lahat doon.

Muli namin nakita si Duke Vvrienne na mayroong dalang wine glass at kutsara, at sa aking tingin ay iyon ang kaniyang ginamit para kunin ang atensyon namin.

“Everyone. Before this day ends, we want to announce to everyone, a very special and important announcement,” paunang anunsyo ng Duke bago tumingin sa Hari at tumango.

“Oh no,” bulong ko.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Jewel sa akin. Tiningnan ko naman siya ng madiin at umiling.

“Do you, fancy the Crown Prince?” tanong ko. Hindi agad sumagot si Jewel sa aking katanungan at binigyan lang ako ng isang nagtatakang tingin.

Habang nag-hihintay sa kaniyang sagot ay inilibot ko ang aking mata upang hanapin ang Crown Prince. Nais kong makasiguro na mayroon siyang kinikitang babae, at nawa’y ang babae na iyon ang magpatigil sa anunsyo patungkol sa engagement ni Jewel at ng Crown Prince!

If the Engagement Announcement becomes successful, it will start the misery of Jewel. I will be tormented by that horrible experience again and again! Jewel and Lord Henston needs to end up happily, with everyone knowing!

“No, I don't fancy the... Crown Prince. What made you ask— Ha! You fancy him don't you!?” gulat na tanong nito sa akin. Mabilis ko namang naibaling ang aking tingin sa kaniya sa pagtataka.

Paanong napunta sa ganoong konklusyon? Nagtanong lang naman ako kung gusto niya ba ang Crown Prince, kung saan alam na alam ko ang sagot, pero nagbabakasakali lang.

“You fancy the Crown Prince, don't you Gabby?” nasasabik na tanong ni Jewel sa akin.

If the young lady who were with the Crown Prince in the fountain awhile go won't speak up and declare her love to the king, I don't have a choice but to put this matter into my own hands.

“Gabby answer me! Do you fancy the Crown Prince?”

“Yes! Yes! I like the Crown Prince!” malakas na sagot ko kay Jewel. Kanina pa siya tanong ng tanong eh nag-iisip ako ng plano kung ano ba ang dapat kung gawin.

“Why did you shout?” nagtataka at kinakabahang tanong niya sa akin. At doon ko lang napagtanto ang aking ginawa.

‘I shouted!? Did I just shout that I like the Crown Prince!? Oh no,’

The Side Character Wants The SpotlightWhere stories live. Discover now