chapter ten: damien

24 2 0
                                    

Kumatok ako ng tatlong beses sa aking pintuan bago ito binuksan at pumasok sa loob. Tumingin naman sa aking gawi ang personal na doktor ng pamilya at binigyan ako ng isang maliit na ngiti.

“How is he, Dr. Belic?” tanong ko sa aming doktor.

“He is fine now, My Lady. Good thing all of his wounds are not too deep and was not infected, otherwise it could have been worst. I patched him all up, and he just now need some good rest,” sagot ng doktor at nililinis ang kaniyang mga kagamitan.

“Thank you so much, Dr. Belic,” pagpapasalamat ko.

“It’s my pleasure, My Lady. This young boy has been through a lot, he is very lucky to have met you,” sagot niya.

Pilit akong ngumiti sa kaniyang sinabi at tumango. Hindi ako sigurado kung masuwerte ba talaga ang batang ito na ako ang nakakita sa kaniya o baka malas siya dahil ako ang nakakita sa kaniya. Lalo na’t ayaw na ayaw ng aking ama sa aking ginawa. Baka maging ang aking ina ay ayaw din.

“I left some medicine for the young man and the instruction in your table. I'll be off now, please summon me if my help is needed, alright?” lintaya ng doktor.

“Of course, thank you so much again, Dr. Belic. Please have a safe trip home,” sagot ko sa kaniya.

Yumuko naman sa aking harapan si Dr. Belic bago umalis at sinarado ang pintuan sa aking kuwarto. Lumapit naman ako sa aking kama kung saan kasalukuyang nakahiga ang batang lalaki at malalim na natutulog.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang batang lalaki. Punong-puno ng pasa at mga sugat ang kaniyang dalawang braso at mukha. Kung titingnan mo siya ay mag-aakala ka talagang nanggaling ito sa isang napakalaking digmaan.

“You must have been through a really difficult time,” lintaya ko. Tumayo muna ako mula sa pagkaka-upo at lumapit sa aking mesa kung saan iniwan ni Dr. Belic ang mga gamot para sa batang lalaki.

Ng mayroon akong makitang parang ointment na pampawala ng mga peklat at galos, ay kinuha ko ito at muling bumalik sa tabi ng batang lalaki.

Mayroon na itong mga sagot na naghilom na na nag-iwan ng peklat kung kaya’t nilagyan ko ito ng ointment para mawala ang peklat.

Sa gitna ng pagpapahid ko ng ointment sa braso ng batang lalaki ay mayroong kumatok sa aking pintuan.

“Come in,” sagot ko. Pumasok naman si Clarisse sa aking kuwarto na mayroong nag-aalalang ekspresyon.

“My Lady, it's time for dinner,” lintaya nito.

“I’m not hungry, Clarisse. Tell Father and Mother that I will not be joining for dinner,” walang ganang sagot ko.

“I understand. But, are you alright, My Lady?” nag-aalalang tanong ni Clarisse.

Binigyan ko naman siya ng isang matamis na ngiti at tumango.

“Of course I am. I just save a young boy’s life,” nakangiting sagot ko at tiningnan ang mahimbing na natutulog na batang lalaki bago tumigil ang pagpahid ng ointment sa kaniyang braso.

“Indeed. You are so amazing for doing that, My Lady,” puri ni Clarisse na siyang mahinang tinawanan ko.

I really appreciate what Clarisse mentioned. But I also hope my parents would think the same.

“Thank you, Clarisse. Can you also please bring some fresh water here? And tell the chef to make some soup and food in case this young boy wakes up tonight?” tanong ko kay Clarisse.

“Of course, My Lady! I shall be back with the water after I inform both the Count and Countess about you not joining for dinner and also informing the chef about your request, please excuse me,” masayang sagot ni Clarisse sa akin bago yumuko at lumabas ng aking kuwarto.

Muling kinain ng katahimikan ang aking kuwarto ng umalis si Clarisse. Bumuntong hininga ako at aalis sana upang kumuha ng libro para magbasa ng bigla na lamang sumigaw at bumangon ang batang lalaki.

“NO!” malakas na sigaw nito na ikinagulat ko.

“Are you alright? Are you having a nightmare? Please don't cry,” pagmamakaawa ko. Hinawakan ko ang kaniyang kamay upang hindi siya umiyak sapagkat ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay parang ekspresyon ng taong nakakita ng multo at mabilis din ang kaniyang paghinga.

‘I beg of you. Please don't cry. Don't cry in front of me or else I will also cry. And I don't want to cry after just crying for how many minutes!’

“Calm down. Take a deep breath slowly. You're fine. You're safe. No one’s gonna harm you here,” pagpapatahan ko sa batang lalaki.

Mukhang hindi pa nito napagtanto kung nasaan siya at patuloy na nakatingin sa malayo. Hawak-hawak ko pa rin ang kaniyang kamay at dahan-dahan ko itong pinipisil.

Nang medyo kumalma na ang kaniyang paghinga at ang kaniyang ekspresyon ay kumalma na rin ay napahinga ako ng maluwag.

“Are you alright now? I don't have any water as of the moment, but Clarisse will be back soon with water,” lintaya ko.

“Nasaan ako?” nagtatakang tanong niya Ng Hindi tumingin sa akin.

“I’m sorry?” tanong ko. Hindi ko masyadong narinig ang kaniyang katanungan dahil mahina ang kaniyang boses.

“Nasaan ako? Bakit ako nandito?” muling tanong niya, ngayon ay medyo malakas na ang kaniyang boses kung kaya’t rinig ko na ito.

“Oh, don't worry, you're safe here. You're currently in my room. I saved you from the kids who bullied you, you were full of wounds and you collapsed that I thought you were dying,” sagot ko sa kaniya at binitawan ang kaniyang kamay.

“Pero bakit?” nagtatakang tanong niya at tumingin sa akin.

“Anong bakit? Bakit kita tinulungan? I can't just let a young boy die back there,” sagot ko ng may ngiti sa labi.

Hindi pa rin nagbabago ang walang ekspresyon niyang mukha at mukhang penoproseso pa ang mga nangyayari. Hindi ba ako kilala ng batang ito?

“Are you feeling alright now?” nagtatakang tanong ko. Tumango naman ito ng dahan-dahan ng hindi tumingin sa akin.

“That’s a relief. What's your name by the way?” muling tanong ko. Hindi ito sumagotat mukhang malalim ang iniisip kung kaya’t tinanong ko siya ulit at baka hindi niya lang narinig ang tanong ko.

Medyo nagulat pa ito ng muli ko siyang tinanong sapagkat medyo nanlaki ang kaniyang mga mata na agad din namang nawala.

“Damien. My name is Damien,” mahinang sagot niya.

The Side Character Wants The SpotlightWhere stories live. Discover now