chapter nine: questions

56 2 0
                                    

Pumasok ako sa loob ng opisina ng aking ama ng ipatawag ako nito.

Pangalawang beses na ito sa loob lamang ng isang araw, great!’

“I have arrive, Father,” magalang na bati ko sa aking ama at yumuko sa kaniyang harapan. Binigyan naman ako nito ng isang malamig na tingin at hinubad ang kaniyang salamin.

“Throw him out of the house,” lintaya niya.

“He is sick, Father. I can't do that,” sagot ko.

“What is wrong with you, Gabriella? Why are you bringing a dirty man into our own house?” galit na na tanong nito.

“Father he is a young boy. He is hurt! As the daughter of a Count who govern this village, I can't just abandon him there and let him die,” muling sagot ko. Dahan-dahang lumalabas ang natitipong hinanakit sa puso, pero pilit ko pa ring tinatago.

“You should just let him die in there! You are a young lady! What would people say if they hear that you are bringing a beggar into our own home huh?” galit na galit na tanong nito. Nakatayo na siya habang galit na nakatingin sa akin.

Hindi ba naiintindihan ni Papa kung ano ang sinasabi niya?

“Are you hearing yourself, Father? If you are so fixated on what others might think, then tell me what will others say if they found out that I, I who is your daughter saw a young boy beaten almost to death in a village that you govern, left him there, and he died. What will others say then?” nawawalan na ng pasensyang tanong ko.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng aking ama. Hindi ko rin alam kung ano ang talagang gusto niyang mangyari. Mula noon, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ako para sa kaniya.

‘Siguro, kung si Jewel ang siyang gumawa nito, pupurihin niya ito. Ano ba ang ipinagkaiba namin ni Jewel? Bakit mas, bakit mas pinapahalagahan nila ni Mama si Jewel kumpara sa akin?’

“Then you should've just sent him to the village doctor!” malakas na sigaw nito.

Napa-atras ako dahil sa kaniyang ginawa at napayuko dahil sa gulat. Hindi ko itinaas ang aking mukha sapagkat ang aking mga luha ay nagbabantang lumabas, at kung hindi ko man ito magawang pigilan, ay ayaw ko na makita niya iyon.

“Why are you creating trouble for the family, Gabriella? Why can't you behave and stay put for a second!? Why can't you be like Jewel?” muling tanong niya. Base sa kaniyang tuno ay tila ba napaka bigat ng ginawa ko.

Tumulong lang naman ako. Tinulungan ko lang naman ang isang batang muntikan ng mamatay, tinulungan ko lang naman ang bata para muli niya makita ang napakagandang araw. Mali ba talaga ang ginawa ko? Dapat ba talaga hinayaan ko nalang itong mamatay doon?

Mahigpit kong hinawakan ang aking saya at hindi sinagot ang aking ama. Ramdam ko ang galit na mga tingin nito sa akin at ilang segundo ang nakalipas, ay bumuntong hininga ito.

“Throw that boy out of our home this instant,” pinal na lintaya niya.

Mabilis kong itinaas ang aking mukha at deretsong nakatingin sa aking ama. Tiningnan ko ang kaniyang mata, at wala akong ibang nakikita kung hindi galit at pagkabigo.

“I’m sorry Father. But I will be taking care of that boy, starting today. If you wish to really throw him away, I will also be leaving this family with him,” pinal na sagot ko.

“Are you insane, Gabriella!? Stop spouting nonsense!” malakas na sigaw nito.

“Father, I don't really understand where your anger are coming from and why are they directed at me, but I hope you will think hard about your decision, because mine is final. If you have your decision, please call me again tomorrow. I shall be leaving to tend to the dying boy now. Good night, Father,” seryosong sagot ko.

Muli na naman siyang sumigaw, ngunit hindi ko na siya pinakinggan at yumuko na lamang sa kaniyang harapan bago tumalikod at umalis sa kaniyang opisina.

“Why do I have you as my daughter!? God is punishing my family!” malakas na sigaw nito na rinig na rinig ko bago tuluyang sinarado ang pinto.

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha at tuluyan na itong kumawala sa aking mga mata. Nanghihina ang aking mga tuhod at tila ba gusto ng sumuko ng mga ito.

Saan nga ba nanggagaling ang kaniyang galit sa akin? Wala naman akong ginawa dati na ikagagalit niya ng ganoon ah?’

Ng malayo na ako sa opisina ng aking ama ay hindi ko na napigilan ang mapaluhod at tahimik na umiiyak sa gitna ng madilim na pasilyo.

“Am I really that useless in your eyes, Father? Why?” umiiyak na tanong ko. Gustong-gusto kong sumigaw at lakasan pa ang aking iyak. Gusto kong ilabas ng napakalas ang lahat ng hinanakit ko. Gusto ko nalang na tumigil ang lahat.

“Why didn't I just completely vanished when I die!? Why did I even return back when all I get again is this? Why? Am I not deserving of love?” mahinang iyak ko.

Sino ba ang puwede kong tanungin ng mga ito? Sino ba ang mayroong sagot sa mga katanungan ko? Bakit ba ito nangyayari sa akin!? Bakit!?

Ilang minuto rin aking nanatiling naka-upo sa sahig, hinahayaan ang sariling umiyak. Hindi ko man magawang sumigaw, hahayan ko nalang ang mga mata kong ilabas ang lahat ng ito. Nawa’y sa paraan na ito, maibsan ang bigat ng damdamin ko.

Hindi nagtagal ay tumayo na ako. Siniguro kong wala ng luha ang lalabas pa sa mata ko at hindi malaman ng kahit na sino na umiyak ako bago ako tumayo.

Kailan ko ng umalis at magtungo sa aking kuwarto upang kamustahin ang batang iyon. Pinagpagan ko ang aking bestida bago naglakad papunta sa aking kuwarto.

Kailangan ko pang imbistigahan ang nangyari sa akin noong Debut Party ni Jewel, tapos marami na naman akong katanungan sa aking ama, ngayon ay dinagdagan ko pa ang aking responsibilidad.

Mayroon pa akong misyon na kailangan kong makamit. Marami-rami talaga akong gagawin sa buhay na ito.

‘Nawa’y darating din sana ang panahon kung saan lahat ng katanungan ko ay magkaroon na ng kasagutan,’

The Side Character Wants The SpotlightWhere stories live. Discover now