chapter eight: a stroll

32 3 0
                                    

“We forbid you to ever drink alcohol again,” galit na lintaya ng aking Ina habang naglalakad ng pabalik-balik sa parehong lugar sa aking harapan.

“Honey sit down. You’re making me dizzy watching you,” lintaya ng aking Ama.

“Then don’t watch me,” sagot niya at mas lalong naging mabigat ang kaniyang yapak.

“I only drank one glass mother, you saw me,” mahinahong sagot ko sa aking Ina. Mabilis naman itong tumigil at tumingin sa akin bago umupo sa upuang na sa harapan ko.

“One glass? One glass!? Yes! You drank one glass of wine, you drank one glass of wine in front of us! You were gone the moment we went inside the room. How can we be so sure that you did not drink wine or alcohol in secret while we are not looking huh?” galit na tanong nito. Hindi ko talaga lubusang maintindihan kung bakit, palagi nalang nila akong nakikitang masama.

“Why can’t you be more like Jewel huh? It’s not so hard to become a good daughter, but you just can’t do it. You always disappoint us. And now the King, ugh, I don't even wanna think about what the King will do,” galit pa ring dagdag ng aking Ina habang nakahawak na ngayon sa kaniyang ulo.

Nakayuko lang ako buong pag-uusap namin, at noong itinaas ko ang aking ulo ay agad ko nakita ang naka-upo ko na ama sa hindi kalayuan at malamig na nakatingin sa akin.

Madiin akong napahawak ng aking bestida at umiwas sa kaniyang tingin. Ang sakit.

“Is there anything else you wish to talk to me, Mother?” magalang na tanong ko sa aking Ina habang nakayuko.

“Once an invitation arrives from the King, you better attend it and seek forgiveness from the King. Is that clear?” tanong niya. Tumango naman ako.

“I understand, Mother. Is that all?” tanong ko pabalik.

“Yes. Nothing else, you may leave,” sagot niya. Dahan-dahan naman akong tumayo mula sa aking kina-uupuan at humarap muna sa aking ama para yumuko sa kaniyang harapan bago umalis sa kuwartong iyon.

Agad akong nagtungo sa aking kuwarto upang magbihis. Kailangan ko munang umalis sa bahay na ito para magmumuni-muni sapagkat napakasikip. Napakasikip ng aking dibdib.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako sa aking kuwarto, nagtungo sa rantso para kunin ang aking kabayo at umalis sa bahay.

Mas mabuting na sa labas ako, kapag nanatili pa ako sa bahay na iyon at muli na naman akong pagalitan ng aking ina, baka magwala na ako.

Nakasakay ako sa kabayo, at nagtungo ako sa bayan na malapit sa aming tahanan na siyang pinamumunuan ng aming pamilya upang doon nagtingin-tingin ng mga bagay-bagay.

Hindi ganoon kalaki ang bayang ito, at hindi mo rin mahahanap at makikita ang lahat ng pangangailangan mo rito, ngunit napakaganda ng paligid.

Dahil maliit lang ang bayan at medyo mayroong kalayuan sa sentral, ay hindi ganoon kaingay at hindi rin ganoon kalaki at kataas ang mga establishemento.

Makikita mo ang mga malalaking puno na na sa labas ng bayan, at talagang napakaganda nila. Para sa akin, ito talaga ang aking inaasam-asam na muling mabalikan noon pa man.

Ilang taon mula ngayon, lilisan kami sa kasalukuyan naming tahanan at lilipat sa sentral, sapagkat nagkaroon ng trabaho ang aking ama na magtrabaho sa palasyo, kung kaya’t lumipat kami.

Ibang-iba talaga ang parang buhay sa maliit na bayan at malayo sa gulo at tsismis katulad ng Sentral.

Kasalukuyan pa rin akong nakasakay sa aking kabayo at umiikot sa maliit na bayan. Halos lahat ng nakatira rito ay kilala ko sapagkat, palagi akong pupunta rito kahit ayaw naman ng aking ama.

“Good Afternoon, My Lady!” bati sa akin ni Lilya. Mukhang namimili ito ng pagkain kasama ang kaniyang maliit na anak.

“Good afternoon, Lilya! Hello, Ashana! How are the both of you?” masayang bati ko pabalik.

“Katulad pa rin ng dati, mabuti naman at ika’y napadaan dito. Umuwi na ba si Lady Jewel?” tanong niya. Mabilis na nawala ang aking ngiti ng marinig ko ang kaniyang katanungan, ngunit agad ko ring ibinalik.

“I see. Yes, Lady Jewel went home already. I'll be off now, take care!” sagot ko sa kaniya at agad na kumaway at umalis.

Nakalimutan kong pati pala ang mamamayan ng bayang ito ay mas gusto si Jewel kumpara sa akin. Hindi ko sinisisi si Jewel o kahit magtanim ng galit at hinanakit ay hindi ko kayang gawin.

Si Jewel lang ang natatanging kaibigan ang meron ako, at alam kong mabait siya, kaya naiintindihan ko rin kung bakit mas gusto siya ng lahat. Mas mabuti na iyon.

Sa gitna na aking paglilibot-libot, ay mayroon akong narinig na mga sigawan sa hindi kalayuan kung kaya’t agad akong nagtungo roon.

Bilang anak ng namumuno sa bayang ito, kailangan kong siguraduhin na magiging mapayapa ang bayan ito upang mas lalo itong lumago.

Agad din akong nakarating sa pinagmulan ng ingay at sa may kadiliman na kalye, mayroong apat na batang lalaki akong nakita. Nakapalibot ang mga ito sa kung ano at mukhang tinapunan ng mga ito ang kung ano mang pinalilibutan nila at pinagsususuntok pa.

“Maybe their punching a sandbag or something?” nagtatakang tanong ko. Nagkibit ako ng balikat at tumalikod. Mga bata naman sila, normal lang na gusto nilang sumuntok ng sakong puno ng buhangin para hasain ang kanilang mga sarili.

Aalis na sana ako ng mayroon akong marinig ng sumusuka. Muli akong tumingin sa kanilang wagi, at agad na nanlaki ang aking mga mata ng mayroon akong makitang isang bata na sumusuka ng dugo.

“Iyan ang makukuha mo kapag susubukan mo pang kunin ang aking pagkain! Pulubi!” malakas na sigaw ng isa sa mga bata at sinipa ang tiyan ng batang sumusuka ng dugo.

Mabilis akong bumaba sa aking kabayo at tumakbo sa kanilang wagi.

“Hoy! Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo!?” malakas na sigaw ko na nagpakuha sa kanilang atensyon. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay mabilis na tumakbo paalis ang apat na batang sa tingin ko ay bumugbog sa batang kasalukuyang nakahiga sa lupa.

Agad akong lumapit sa bata at pinahiga ito sa aking hita upang makita ang kaniyang kondesyon. At wala siya sa kondesyon.

Napakarami ng kaniyang pasa sa buong katawan, at napakadumi niya. Ano ba ang ginawa ng batang ito para pagtulungan siyang bugbugin ng mga batang iyon?

“Hey are you still alive?” malakas na tanong ko at magaang sinampal ang kaniyang pisnge. Nakita ko ang pagbago ng kaniyang ekspresyon, nasasaktan siya.

“Please hold on. Don't lose your consciousness yet, I'll take you to see a doctor,” muling lintaya ko at mabilis siyang binuhat.

Muntik na akong madapa at mabitawan ang batang ito. Mukha siyang maliit pero napakabigat niya! Mabuti na lamang at dala ko ang aking kabayo ngayon, sapagkat hindi ko alam kung ano ang susunod kong gawin kung wala.

Tinawag ko ang aking kabayo na agad namang lumapit sa akin, at gamit ang aking kakayahan at lakas, ay ipinakarga ko sa aking kabayo ang mabigat na batang ito. Agad rin akong sumakay sa kabayo at inayos ko ang upo ng bata at ipinasandal sa akin bago nagtungo sa aking tahanan.

The Side Character Wants The SpotlightWhere stories live. Discover now