CHAPTER NINE: THE DAY I SAW HIS OTHER SIDE

133 3 2
                                    

     "Well done Minerva! As for Darcy, I won't kick him out at the school. He'll stay for a while in DSWD at pag may go signal na ang DSWD para makabalik ulit sa school si Darcy, I'll welcome him. Sinabihan ko na rin ang mga taong nakakaalam sa nangyari na 'wag nilang pagsabi sa mga estudyante ang nangyari. Gusto ko pagbalik ni Darcy, he can start again. I still need to talk to his parents though..", sabi sa'kin ni tita habang nasa sasakyan kami. Well, I'm not asking for what will happen for Darcy..

"Tita, hindi niyo po ako madadaan sa papuri. Mali pa rin ang ginawa mo. Paano po kung napahamak kami? Ano pong gagawin niyo?", tanong ko kay tita.

     "Relax! Wala naman nangyaring masama 'di ba? I trust in your abilities. Maybe you should learn to trust me?, nakangiting sagot niya sa'kin.

Tiwala.. Napakalaking salita. Mahirap makuha at mahirap din ibigay. Bakit napakadali para sa kanya na sabihin 'yon?

     "Maiba po ako, bakit po hindi sumabay sa'tin si Evander?"

"Aaah.. Nagkokomyut lang siya araw-araw."

     "Isn't it more practical to join us?"

"May bibilhin lang daw siya. Okaya naman...", nakakalokong ngiti niya sa'kin, "may ginawa ka sa kanyang masama kaya ayaw ka niyang kasabay?"

     "Kung totoo nga po ang sinasabi niyo, kailangan ko na pong bumaba. Kapag may nangyari pong masama sa kanya, baka kasalanan ko pa. Kuya, pakihinto po yung kotse.", sabay hinto nito sa gilid. Isang sakay lang ng jeep ay makakabalik ka ulit sa school.

 "Minerva, 'di mo na kailangan gawin 'to. Malaki na siya at alam na niya gagawin niya. At isa pa, paano mo naman siya mahahanap? Just get back in the car."

     "Kayo na rin pong nagsabi na hindi dapat ako inaunderestimate. Mauna na po kayo sa bahay. Ako na pong mag-uuwi sa kanya."

"O sige. Ingat ka."

     Umalis na rin sila. Ngayon, kailangan ko na lang hanapin yung kumag na 'yon. I just need to call him and trace him using GPS.

 "Hello? Minerva? Ba't ka napatawag?"

     "Nasaan ka ngayon? Bakit 'di ka na lang sumabay sa'min?"

"Ba? Concern ka sa'kin? Galit ka sa'kin 'di ba?

     "Mas magagalit ako kung 'di mo sasabihin kung nasaan ka."

"Eh kung ayaw kong sabihin, anong gagawin mo?"

     "Ikaw ang sumagot niyan. Nahanap na kita, ano na ngayon gagawin mo?"

Nakita ko na siya sa kabilang gilid ng daan. Tatawirin ko lang 'tong pedestrian. Habang naglalakad ako, humarap siya sa'kin. Halata ang pagkabigla sa kanyang mata. Akala niya siguro hindi ko siya mahahanap. Dun siya nagkamali.

     "SCREEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEECH!"

"WAH!" sigaw ko sa kanya, "Anong problema mo? Bakit mo ko hinila?" Nakita kong mga mata niya. Takot atpagkabigla ang nangibabaw.

     "HOY! BAKIT 'DI KA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO? MUNTIKAN KA NANG MASAGASAAN!" binabaan pa ko nung driver.

"Excuse me sir, kayo po ang 'di tumitingin. Pedestrian po to oh. Dapat po bagalin niyo po ang takbo ng sasakyan niyo." Pumunta ako sa likod ng sasakyan. "At base po sa mga skid marks na naiwan ng sasakyan, lumagpas kayo sa speed limit na 80 km/h. Sa pagkakataong ito, pwede po akong tumawag ng pulis para ipa-investigate kayo at sisiguraduhin kong matatalo kayo sa kaso." ibinigay ko sa kanya ang pinaka nakakaasar kong ngiti. Sa inis ay sumakay na lang siya sa sasakyan at umalis. Wala man lang sorry? Ah! Oo nga pala!

     "Evander, tara na. Uwi na tayo. Evander?" oh.. galit ata?

"BAKIT 'DI KA KASI NAG-IINGAT?! PILIPINAS 'TO HINDI LONDON! HINDI HIHINTO NG KUSA YUNG MGA SASAKYAN DITO!"

     Wala na kong nasabi. Napaatras ako ng dalawang hakbang. Nakakatakot pala siya 'pag nagagalit. Ngayon lang ako nasindak ng ganito. Sanay akong sinisigawan sa court room pero bakit ganito? Hindi ko magawang sumagot sa kanya?

"Evan! Bakit mo sinisigawan si Minerva? Anong nangyari?" pag-aalalang tanong ni Tita kay Evander habang bumababa sa sasakyan. Hindi maganda 'to, pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Mag-usap tayo pagkauwi sa bahay." Tumalikod si Evander sa'min.

     "Tita, 'wag niyo po siyang pagalitan. Ako po may kasalanan. Hindi po kasi ako nag-iingat... Sorry po. Sorry din, Evander."

"Ako dapat magpa-sorry, Minerva. Pasensya na, hindi dapat kita singawan. Kaya kong umuwing mag-isa. Magkokomyut na lang ako."

     "O sige, Evan. Ingat ka. Minerva, tara sakay na tayo. 'Pag nakapagdesisyon na 'yan, hindi mo na yan mababago."

"Sige po Tita..."

     Sumakay kaming dalawa ni Tita sa sasakyan. Sa sitwasyon na 'to, gusto kong umuwi na agad sa bahay...

"Pasensya na sa inasal ni Evan. Ano ba kasing nangyari?"

     "Ako po may kasalanan. Muntikan na po kasi akong masagasaan ng sasakyan kanina sa pedestrian. Buti na lang hinila po ni Evander yung kamay ko. Sorry po talaga."

"Sa pedestrian?" pagkabiglang tanong niya sa'kin. "Sa susunod kasi mag-ingat ka. Iba dito sa Pilipinas. Parang may hinahabol lagi yung mga drivers dito." bilin sa'kin ni Tita.. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Sana palang 'di ko siya hinanap. 

     Nauna kami ng sampung minuto kay Evander. Hinintay muna namin si Evander sa sala kasama si  Isabelle. Nang nasa bahay na si Evander, kumain na kami. Hindi ko maipaliwanag ang katahimikan. Ano ba 'tong nagawa ko?

"Ummmm... Ano nangyari? Bakit tahimik kayo--- OUCH!" wrong timing naman si Isabelle.. Inapakan ko na lang yung paa niya para siya rin tumahimik.

     "Evan. bakit 'di mo pa ginagalaw pagkain mo? Magagalit si Ate Ancilla niyan sa'yo." tanong ni Tita Ancilla kay Evander.

"Busog pa ko ma. Mauna na ko sa kwarto. Pagod ako sa mga nangyari ngayong araw na 'to. Sorry po Tita Ancilla." Tumayo si Evander at naglakad papunta sa kanyang kwarto pero...

     "Tapos na 'kong kumain. Usap muna tayo Evan sa sala." imbes na galit ay pag-aalala ang nakita ko kay Tita. Sabay silang pumunta sa sala. But... Is there really something to worry about? He's kinda rude because he didn't touch his food but usually, a mother must be disappointed to her son's action, right? Why the worry face?

"Don't even think about eavesdropping on their conversation, Minerva." bulong sa'kin ni Isabelle. In reply, I gave her my I-know-look. But clearly, there is something going on here. Nevermind..

     "Tara, manuod tayo ng tv, anak." biro sa'kin ni Isabelle pagkatapos kumain.

"Huwag mo nga akong tawaging anak! Bakit ka kasi nagpakilalang nanay kita sa school eh magkasing edad lang tayo! Matangkad ka lang sa'kin at kaya siguro naniwala si sir sa'yo kasi naglagay ka ng makeup!"

     "BINGO!"

Retard.. It's been a long day... Pero nakakapagtaka talaga 'yung reaction niya kanina. I just don't understand. Maybe I should really apologize to him...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THANK YOU GUYS FOR READING!!!

BABAWI AKO SA LATE KONG PAG-UUPDATE.  BUSY LANG TALAGA KASI SA SCHOOL.. LULUBUSIN KO NA 'TONG BAKASYON! XD

SO WHAT DO YOU THINK? LET ME HEAR YOU OPINIONS!

HAVE A NICE DAY GUYS!! :D

Forgotten Tears #ON HOLD#Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon