CHAPTER SIX: FRIEND

106 1 1
                                    

Exhibit Room, 7:45

Naabutan ko sina Darcy at Linda na kausap si Inspector.

     “Ganun pala ang nangyari. Pero bakit wala kayong narinig na ingay? Tignan niyo, binasag yung salamin."

“Napahimbing kasi po yung tulog naming, Inspector. Pasensya na po.” Singit ko sa kanilang pag-uusap

“Sabi rin po ni Ma’am Principal na tuloy pa rin po ang exhibit kaya kailangan niyo pong umalis bago mag 9:00.” Hinihingal na sabi ni Evander.

“Sige, naiintindihan ko. Pero para makasiguro, itsetsek naming ang mga gamit niyo.”

Inisa-isa ni Inspector ang mga dala naming gamit at pati rin kami nang biglang..

“Sinong nagdadala nito?” sabay taas ng isang maliit na case.

     “Sa’kin po yan, sir.” Sagot ni Linda

“Bakit may dala kang picking tools? Hindi kaya ikaw yung nagnakaw ng sing-sing?”

     “Hi—ii--ndi p--ppo sssss..ir! nanginginig na sagot ni Linda

“Haay, sa prisinto ka na magpaliwanag.”

     “So ang ibig sabihin nito sarado na ang kaso or should I say, case close?” singit ko bigla.

“Minerva? Anong pinagsasabi mo? Kaibigan mo siya. Dapat mo siyang kampihan!” sambit ni Darcy. Sa bagay nakakabigla nga naman ang sinabi ko.

     “Hindi ko inaakalang ganyan ka pala ka-desperado sa pera. Sige sir, dalhin niyo na po siya." hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni Darcy.

"Tama na yan. Makaka-uwi na kayong tatlo. Isasama namin siya for questioning."

Hindi na nagawang makapagsalita ni Linda at kusa na siyang sumama sa mga pulis habang umiiyak.

    Bumalik kaming dalawa ni Evander sa opisina habang umuwi na si Darcy na tulala pa rin sa nangyari.

Forgotten Tears #ON HOLD#Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon