CHAPTER ELEVEN: A NEW RIVAL

71 0 0
                                    

"RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!!!!!"

5:00 am na? Inaantok pa ko... Pero kailangan kong gumising para hindi ako ma-late.

"Good Morning, Minerva! Ayos na lahat ng mga dadalhin mo at nakahanda na rin yung uniform mo. Maligo ka na para malagyan ko na ng makeup yung braso mo." bati sa'kin ni Isabelle. Nakasuot na siya ng pang-trabahong damit. Naka-dress with blazer. Siya kasi ang pansamantalang in-charge sa law firm namin dito sa Pilipinas.

"Salamat, Isabelle pero hindi mo na kailangan iprepare lahat ng mga gamit ko. Kaya ko na 'tong mag-isa."

"Ayos lang yun. Binilin ka sa'kin ng mama mo kaya hindi ko siya pwedeng biguin. Maliit na bagay lang 'to compare sa ginawa niyong tulong sa'kin."

"Isabelle, ikaw din, marami kang naitulong sa'min. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko. Ikaw lang ang naging kaibigan ko."

"Ako lang kaibigan mo? Sa school na pinapasukan mo ngayon, I'm sure you will discover other people. You get to know them and expand your world a little. Malay mo, ma-experience mo ang pagiging bata ulit." ngiti niya sa'kin.

"Well, for your information, I never dreamed of being a child again. I'm here because of my job. Pumayag lang ako sa set-up na 'to para mag-invest si Mrs. Reyes sa subdivision ni papa. Nothing more, nothing less. Sige, maliligo na ko." paliwanag ko sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin. Nagpunta na ko sa banyo.

Habang naliligo ako, iniisip ko ang mga sinabi ni Isabelle. Imposible naman yung sinasabi niya? Maging bata ulit? 'Yun nga yung ayaw kong maalala sa lahat. Whenever I see the scar on my arm, I remember my painful childhood. Dahil sa peklat na 'to, hindi ko na natuloy ang first love ko. TSK.. Bakit ko pa ba iniisip 'to? Nakapag move-on na ko. I need to focus on what is happening now.

"Isabelle, tapos na kong magbihis. Lagyan mo na ng makeup yung braso ko." nakaupo siya sa kama at ako naman, umupo na sa vanity table.

"O sige lalagyan ko na." at linagyan na ng makeup ang braso ko. "Tapos na!"

"Thanks, Isabelle. Baba na tayo baka hinihintay nanaman tayo nila Tita sa dining room."

"Bakit ang tagal niyo naman atang magbihis?" tanong sa'min ni Tita na naka-upo sa sa dining table. Nakaupo na rin si Evnader at si Tita Ancilla naman, nakatayo at may hawak na juice para iserve sa'min.

"Mama, siyempre, babae sila. Matagal talagang magprepare." pang-aasar ni Evander. Mukhang maayos na si Evander. Balik sa dating ugali. And as usual, I gave him my death glare look. In reply, he smirked at me. I always hate that smirk of his.

"Minerva, na-compute na pala ng adviser mo yung grades mo nung 1st Quarter. Nagtake ka kasi ng special test kasi second quarter na at kailangan mong maghabol. Hindi nga siya makapaniwala sa mga nakuha mong grades. Lahat line of 9! Nagtataka nga siya bakit hindi ka napunta sa first section."

"Oo nga Tita, bakit hindi niyo ko linagay sa first section?" pagtataka ko sa kanya. Sa kapasidad ko, mas bagay nga ako sa first section.

"Gusto ko kasi kasama mo anak ko para mabantayan ka niya. Siya nga nagrereport sa'kin sa mga ginagawa mo sa school."

HHAAAAAA????? Si Evander?? Tinignan ko siya for confirmation. He lip sync peace and gave me a peace sign while smiling. THAT BASTARD! Kung hindi pa kay Tita hindi ko malalaman.

"Huwag kang magagalit kay Evan ha. Kinulit ko siya para pumayag. Ang hirap kayang kumbinsihin 'yan!"

"Paano niyo po siya nakumbinsi?"

"'Pag may favor daw siya, kailangan kong tuparin. Minsan lang kasing humingi ng favor sa'kin yan.."

May pagkakatulad pala kami ni Evander... Minsan lang din akong humingi ng favor sa mama at papa ko. Kaya ko naman kasing mag-isa.. I don't want to cause them any trouble...

Forgotten Tears #ON HOLD#Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon