CHAPTER ONE: WELCOME TO BAKER HIGH!

256 5 4
                                    

 "Magandand umaga. Ako si Minerva Watson." nanginginig kong pagpapakilala sa klase. Pero mabuti na lang na nasabi ko ang pangalan ko ng maayos.

  "Class, siya ang bago ninyong kaklase. Pakisamahan niyo siyang mabuti. Naiintindihan niyo ba, Class III-B?"

  "Opo sir!"

  Sa harapan ako pina-upo ng aming guro. Ganito pala ang eskwelahan sa public. Malayo sa mga nakikita kong pribadong eskwelahan. Dinonate ang eskwelahan na ito ni Richard Baker. Pinangalan sa kanya ang eskwelahang ito - Baker High. Halatang pinaglumaan  na ito ng panahon. Buti na lang 'di pa natitibag.

  Tumunog na ang bell. Salamat naman next class na.. Pero bakit umaalis na sila? Saan sila pupunta?

  "Umm.. Minerva 'di ba?" tanong sa'kin ng isang babae.\

  Mas matangkad ako sa kanya. Mga 5'4'' ang taas niya. Maikli ang buhok niya. Sakto lang sa balikat niya. Mahinhin kung magsalita at katamtaman ang pangangatawan. Kayumanggi ang balat at maamo ang mukha.

  "Oo" sabay tayo ko mula sa kina-uupuan ko.

  "Katabi mo lang ako. Ako pala si Linda Rosales."

  "Nice to meet you, Linda." sabay alok ko ng aking kanang kamay. Teka. Bakit ko ginawa 'to? Lagot!

  "Shake hand ba? Napaka-pormal mo naman. Ang galing mo rin mag-Ingles. Pero laking probinsya ka 'di ba? Pero parang hindi kasi yung last name mo pang foreigner. Ang galing naman!" nakita kong kumislap ang mga mata niya.

  "Ano!?" Kailan pa ko lumaki sa probinsya?

  "Kinwento kasi sa'min ni sir na galing ka raw sa probinsya. Nanggaling daw dito kahapon yung nanay mo at nakipag kwentuhan kay sir."

  Si Isabelle talaga! Sobra sobra na 'tong ginagawa niya!

  "Bakit umalis yung mga kaklase natin? Hindi ba natin hihintayin yung teacher?" naalala kong itanong kay Linda.

  "Hihintayin? Ang teacher yung naghihintay sa'tin. Tara, baka ma-late pa tayo!" sabay hila sa kamay ko.

  Lumilipat lipat pala ng room dito. Si Isabelle kasi ayaw ibigay yung schedule ko. Sa una lang pala yung kaba ko. Salamt naman nawala na.

  Si Linda, magagamit ko siya. Kapag alam ko na ang mga gawain at patakaran dito, hindi ko na siya kakailanganin. Lulubayan ko siya. Isang taon lang naman ako rito kaya ayos lang kung mawala siya sa buhay ko. Ayokong sa bandang huli, pagsisisihan ko na pinagkatiwalaan ko siya.

Forgotten Tears #ON HOLD#Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon