CHAPTER TEN: MOONGAZING

55 0 0
                                    

"LITTLE GIRL! DO YOU HEAR ME?! HANG IN THERE! I'M GONNA CALL FOR HELP!"

"WAH!" I woke up.. That dream again... Buti na lang 'di ko nagising si Isabelle sa pagtulog niya. Maglakad lakad muna siguro ako ulit sa garden. Madaling araw na, siguro naman walang tao doon.

Nakarating na ko sa garden. Nabigla ako dahil nandun din si Evander na nakatalikod sa'kin at nakatingala. 'Eto na ang pagkakataon kong magsorry sa kanya.

"Evander, Sorry kanina. Tama ka, hindi kasi ako nag-iingat." nasabi ko na rin.

"Ayos lang 'yon. 'Wag mo na lang uulitin. Mag-ingat ka lagi sa susunod." sagot niya habang nakatingala pa rin.

Lumapit ako sa kanya. Tumingala rin at nagtanong "Bakit ka nakatingala?"

"Tinitignan ko yung buwan. Whenever I'm stressed out, I like to gaze at the moon and admire her beauty. Ganda 'di ba?"

"Oo. Pero matagal na rin nung huli kong tinignan ang buwan. I'm so busy with work that I don't get to appreciate it."

"Work, huh? Puro trabaho ka lang ba? Nag-eenjoy ka ba sa ginagawa mo? Wala ka bang ibang hobbies?"

"Dito ako magaling. Wala sa usapan kung nag-eenjoy ako o hindi. I like making myself busy. And as for my hobbies. Working is my hobby. Kinalimutan ko na ang mga hilig ko noong bata pa ko kasi alam ko, hindi ko na magagawa ulit 'yon. It is just impossible" naalala ko nanaman yun. tsk..

"Impossible? Ano ba yun?" humarap siya sa'kin. Humarap din ako pero tumingala ulit.

"You don't need to know. I'm going back to my room. Thank you for showing me the moon." ngiti ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya?! Kinurot ko yung pisngi ko para magising. Puyat kasi ako kaya anu-ano na ang nagagawa ko. Weird..

Forgotten Tears #ON HOLD#Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon