CHAPTER FIVE: STOLEN

159 4 2
                                    

"HAAAAAAAA!!!!!!! Ano ba yan! Inaantok pa ko.." pag-unat ni Linda

"Grabe, ang aga nating gumising 5:00 pa lang ng umaga." reklamo ni Darcy

     "Darcy, ikaw na nga muna magbukas ng exhibit. Kailangan nating itsek yung loob. Ayusin ko muna itong tent." sabay hagis ng susi kay Darcy."

"Yes Principal Evander!"

     Ayun at pumunta kami sa exhibit. Sinandal ni Darcy yung likod niya sa pinto ng exhibit room at nilalaro niya yung susi nang nakaharap sa'min.

"Darcy, buksan mo na yung pinto. 'Wag ka ngang maglaro." sermon ko sa kanya

     "Password muna." sabay ngiti sa'min

"Darcy Pangit." sagot ko naman sa kanya

     "Ooops mali! AH! Ano yun!" linagay niya yung tenga niya sa pinto, "May naririnig akong ingay!"

"Ano?! Buksan mo na!" sigaw ko sa kanya.

     "Huwag!" pigil naman ni Linda, "Baka kung anong meron sa loob!"

Wala ring nagawa si Darcy sa gusto ko at ayun, binuksan niya yung pinto. Tama nga siya, may ingay nga. Nanggagaling sa second floor.

     "Sandali!" hinila ako ni Linda sa kamay. "Natatakot ako. Atsaka pinagbawal tayong umakyat diyan, 'di ba?"

    "Kung natatakot ka, puntahan mo si Evander. Itsek niyo yung buong ground floor. Loob at labas."

"O sige.."

     Pagbukas namin sa pinto,  bumungad sa'min ang mga bubog sa sahig. Sa gitna ay may maliit na table na may nakasulat na "Bakers' Diamond Ring". Sa lamesang 'yon kung saan dapat nakalagay ang sing-sing, wala na. Kasabay pa nito ang ingay na ginagawa ng inistall kong alarm. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 6:00 am, Exhibit Room

     "Sabi na nga ba. Dapat kaming mga pulis na lang yung pinagbantay niyo. Ayan tuloy. Buti na lang walang nangyari sa mga bata." sermon ni Inspector kay Tita Inez.

"Inspector, alam niyo naman po kung ano ang balak ko. Ayaw kong ipaalam na merong mahalagang bagay na nasa loob ng exhibit."

     "Pero Ma'am Principal, kayo po ang mali. Tingnan niyo tuloy ang nangyari."

"'Wag kayong mag-alala, may hinire na kong private investigator. Magaling siya. I assure you." pasimpleng hawak niya sa balikat ko. Don't tell me na ako yung sinasabi mong...

IN THE PRINCIPAL'S OFFICE 7:00 am

"Private Investigator. Ikaw yung sinasabi ko kay Inspector."

     "Tita, do you know what you're saying? I'm a lawyer, not a detective!"

Nababaliw na talaga si Tita. What is she thinking?

"'Wag kang mag-alala, nandiyan naman si Evander para tulungan ka. So, alam ko may plano na kayong dalawa. Mind if you share it to me?"

     Guess I don't have a choice.

"Evander, ikaw na lang magsabi kay tita ng plano."

“Ok, Minerva. San ka pupunta?”

     “Pupuntahan ko yung dalawa. Shock sila sa nangyari. By the way Tita, you don’t need to cancel the exhibit. We can handle this. Evander,”

“O?”

     “Pagkatapos mong sabihin kay Tita yung plano, Punta ka agad sa exhibit room. Sisimulan na natin yung plano.”

“Yes sir!” pang-aasar na saludo niya sa’kin.

     Paglabas ko sa opisina, kinuha ko ang phone ko.

“Hello, Isabelle.  Meron akong kailangang ipagawa sa’yo….”

Forgotten Tears #ON HOLD#Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon