CHAPTER THREE: SCAR

192 2 1
                                    

Nandito na tayo."

Hindi na ko nabigla sa laki ng bahay niya. Mga bilyonaryo sila. What do you expect?

"Pakikilala ko pala sa'yo si Ancilla. Siya yung nag-aasikaso sa bahay na 'to. Kung meron kayong kailangan, lumapit kayo sa kanya."

"Good evening. Akin na po mga bagahe niyo. Ituturo ko po kung sa'n yung kwarto niyo."

"Tara, Minerva. Excited na kong makita yung kwarto natin."

"Sa sinasabi mo, parang hindi maganda yung bahay natin sa London."

"Hindi naman po sa ganun..."

"Eto na po yung kwarto niyo. Dalawa po yung kama. Meron din po kayong sariling banyo. Feel at home!"

"Ilang taon na po kayo?"

"Minerva! So blunt."

"I'm just curious, Isabelle.."

"61 na ko.."

"Pero bakit 'di ka nag-asawa? Wala po kasi kayong wedding ring. Ouch! Isabelle!"

"Manners please, Minerva."

"Ayos lang yun. Hindi ko na pinlanong mag-asawa. Napamahal na ko sa bahay na 'to. Lalo na sa mga tao rito"

"So ang pinakasalan niya yung bahay.... Ouch!" Binulong ko na nga sa sarili ko kinurot pa ko..

"Salamat po, Miss Ancilla.. Ayusin na po namin yung mga gamit namin. Pasensya na po sa asal ng alaga ko..."

"Ayos lang po yun. Tawagin ko na lang po kayo pag naka-hain na po yung pagkain."

"Salamat po."

Pagpasok namin sa kwarto, ayun, nasermonan ako agad.... Saktong tapos na kaming mag-ayos ng gamit nang tawagin kami ni Ms. Ancilla. Pagkababa namin, meron pang isang kasama si tita. Sino kaya yun?

"Minerva, Isabelle. Upo kayo. Enjoy the food. Pakilala ko pala sa'yo anak ko, si Evander."

"Kaklase kita 'di ba? Hindi ko alam na nanay mo pala si tita.. Kung hindi ako nagkakamali, ikaw yung Sgt. at arms sa klase.."

"Ako nga yun. Pero pano mo nalaman?

"Naka-post kaya sa kwarto."

Ito yung pinagtatakahan ko. Napakaamo ng mukha pero bakit siya yung piniling sgt. at arms?

"Namemorya mo lahat yun?"

"Ay hindi. Kakaiba lang pangalan mo kaya yun lang natandaan ko." Sa totoo lang, namemorya ko lahat yun. Mas maganda na yung hindi niya malaman.

Nagsimula na kaming kumain nang biglang..

"Minerva, ang laki pala ng peklat mo sa kaliwang braso. Anong nangyari diyan?" biglang tanong ni tita.

Naku! Nakalimutan kong maglagay ng make-up sa braso. Kainis na peklat na 'to! Simula ito sa siko hangang sa balikat. Sinubukan kong magpa-derma kaya kapag nilagyan ko ng make-up hindi na halata.

"Wag niyo na pong pansinin. Ayoko na pong maalala 'tong peklat."

"Ganun ba? Pasensya na.."

Tinignan ko si tita. Parang may iba sa mata niya.. Naluluha ba siya?

"Masarap ba? Si Ancilla yung nagluto niyan!"

"Opo masarap." Wow. Nabigla ako sa sarap ng luto niya.. Dala na siguro ng katandaan.

"SI Ancilla na bahala dito. Umakyat na kayo at matulog na."

"Opo, tita."

Forgotten Tears #ON HOLD#Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon