Chapter 5

134 12 5
                                    

"Hala! Rhona? Anong nangyari sa'yo?!" Pagsalubong sa akin ni Aoi. Dumating ako sa school na hindi maidilat ng maayos ang mga mata. Three hours lang ang tulog ko. At ang kapal ng eyebags ko.

"Wala 'to. Napuyat lang. Sinubukan kong tapusin ang anime na napanood ko kahapon.

"Grabe ka ah. Ano namang nangyari?" Tanong pa nito. Umupo ako sa assigned seat ko at inilapag ang aking bag.

"So far, tapos ko na ang isang anime, at nangangalahati na ako sa isa." Sagot ko. Nagulat siya sa sinabi ko.

"Wow! Paano mo yun nagawa?! Di ko kaya yun ah! Saka di ko akalaing magagawa mo yun!" Sabi niya. Sa totoo lang, pati ako, di ko alam kung paano ko rin yun nagawa. Kahit di ko maintindihan ang mga sinasabi ng mga anime characters, tuwing natatapos ang isang episode ay lagi akong nabibitin kaya papanoorin ko ang next episode.

Hanggang sa, natapos ko ang buong series.

Well, Angel Beats is not bad. Hindi ko lang talaga masyadong maintindihan ang mga nangyayari. Pero sa hindi ko malamang dahilan ay, minahal ko ang mga characters at hindi ko naiwasang umiyak sa dulo. Nakakainis.

"Nagiging otaku ka na talaga!" Sabi ni Aoi at hinampas ako sa balikat. Sakit nun ah. Gangster nga 'to dati. Kinuha ko ang laptop ko at pinagpatuloy panuorin ang AnoHana. Tutal, sa school na ito, pwede ka namang manuod ng anime everytime you want. Kahit sa harap pa ng professor. Episode 6 na ako.

Nanood lang ako nanood hanggang dismissal. Mas naintindihan ko ang AnoHana at hindi ko talaga naiwasang maiyak sa ending. Kaya lang nakakahiya, umiyak ako sa loob ng classroom! Nagulat yung mga kaklase ko dahil bigla akong umiyak tapos, tinawanan nila ako!!

"Hahahahaha!!! Alam mo ba yung reaction nung mga kaklase natin nung nakita kang umiiyak? Hahahahaha!! Grabe! Dami kong tawa!!" Tawa ng tawa si Aoi habang papalakad kami papuntang dorm. Lumalabas na ang tunay niyang kulay.

"Ikaw naman eh! Ikaw na nga lang ang kaibigan ko eh! Tatawanan mo pa ako!" Sabi ko sa kaniya at nag-pout. Cute kasi ako kaya kailangan kong mag-pout.

"Ikaw naman oh, tampo pa eh, sorry na. Nakakatawa lang kasi eh. Saka-ay! Shemzzz!!!" Sabi niya.

"Bakit?"

"Naiwanan ko ang bag ko sa classroom!"

"Edi ikaw yung tanga."

"Eto naman oh, ang mean mo. Hala, magsasara na yung classroom! Ikaw kasi eh! Pinapatawa mo ko! Nakalimutan ko tuloy! Ah, paano ba yan?" Sabi niya.

"Oh sige, tumakbo ka na papuntang classroom, hihintayin kita dito." Sabi ko. Tch, bait ko talaga.

"No, mauna ka na sa dorm, huwag mo na akong hintayin. Babye!!" Kaway pa siya at dali-daling tumakbo.

Hayy. Wala na naman akong magagawa. Naglakad nalang ako papuntang dorm. Hindi na naman siguro ako maliligaw di'ba?

***

Naliligaw ako.

Nasaan na ba ako?

Nasa gubat ba ako? Baka nasa other side of the world na ako.

Jusko.

May nakita akong lalaki na nakaupo at nakasandal sa isang puno. Tinawag ko siya. "Um! Excuse me po!"

Unti-unti siyang humarap sa akin.

"Naliligaw po ako eh-"

Shemz. Ang gwapo. Para siyang kpop!! Pero Rhona, huwag ka munang bumigay. Tandaan mo, hindi siya ang papakasalan mo okay? Si D.O. Tama. Si D.O ang papakasalan mo.

"Bakit miss?" Tanong niya. Gwapo ng boses!! Hindi ko alam na nag-eexist pala ang mga gwapo sa Pilipinas! Akala ko puro jejemon lang.

"U-um, sabi ko, naliligaw ako. Transferee kasi ako eh." Mahinang sabi ko.

"Transferee?" Naningkit ang mga mata niya. Bakit? Anong meron sa pagiging transferee?

"Ah!" Nagulat ako sa kinilos niya.

"Bakit?"

"Ikaw yung transferee na sinasabi nilang umiyak sa gitna ng klase habang nanunood ng anime! Hahahahaha!! Tama sila! Mukha ka ngang kolelat! Hahahahaha!!"

Napanganga ako. At sobrang namumula sa kahihiyan. Nakakainis 'tong lalaking 'to ah! Pagtawanan ba naman ako? Eh hindi naman kami close!

"Excuse me lang ah? Hindi porket umiyak sa gitna ng klase ay kolelat na. Nakakaiyak yung scene so automatic na iiyak ako. Wala naman ata akong puso kung hindi ako iiyak." Tinarayan ko siya. Aba! Di porket pogi siya ay exempted na siya sa pagtataray ko.

Ngunit di siya tumigil sa kakatawa. At napipikon na ako sa kaniya. Pumulot ako ng maliit na bato at ibinato ito sa kaniya. That shut him up.

"PAKYU!" Sigaw ko sa kaniya at umalis na palayo. Nakakainis!

***

{a/n: Double update!!}

anime academy » hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon