Rhona Fernandez's POV
"WAHHHHH!!!!" Kanina pa ako nasigaw dito sa gitna ng gubat. Kanina pa ako naliligaw, at hindi ko man lang alam kung nasaan ako. Takte, magdidilim na.
Bakit naman kasi merong gubat sa gitna ng school? I mean, bakit? Di ko talaga maintindihan 'tong school na to. Pagod na pagod na ako. Mag-isa lang kasi akong umuwi ngayong araw na ito dahil wala si Aoi, tapos eto ang nangyari, naligaw nanaman ako.
Umupo nalang ako sa damuhan, masakit na talaga ang mga paa ko, kanina pa ako paikot-ikot sa gubat na to, wala naman akong nararating.
"Hays..." Sumandal ako sa puno hanggang mamaya nalang ay, nakatulog na ako.
Third Person's POV
"Kuya, nag-s-space out ka nanaman." Sabi ni Yamada Ryouma sa kaniyang kuya, na kanina pa tulala at nakatingin sa kawalan, habang siya naman ay naglalaro ng video games. Kasalukuyan silang nasa park malapit sa girls dorm.
"Di'ba nakilala mo nung isang beses si Rhona Fernandez?" Tanong ni Izuki sa kaniyang nakababatang kapatid.
"Ahh, yung transferee? Napagkamalan niya ata akong ikaw, kaya yun, sinampolan ako. Ehhh, sorry siya, namali siya ng binangga." Sabi ni Ryouma and laughed evilly. "Bakit mo nga pala natanong? Huwag mong sabihing, crush mo siya?!"
"Hindi, paano ko magiging crush yun, eh lagi nga yung nagwawala." Sagot ni Izuki. Nag-pout nalang si Ryouma at nagpatuloy sa paglalaro.
"Kanina ko pa siya hinihintay, pero di ko parin siya nakikitang dumadaan..." Bulong ni Izuki.
"Baka naligaw." Sagot ni Ryouma. Biglang nanlaki ang mata ni Izuki. 'Shit, baka naligaw nga.'
Dali-daling tumakbo si Izuki at pumunta sa gubat. Iniwanan niya nalang ang kapatid niya sa park, tutal ay kaya niya naman ang sarili niya. Isang oras siyang nagpaikot-ikot sa gubat. Hanggang sa nakakita siya ng isang babaeng mahimbing ma natutulog habang nakasandal sa puno.
'Sabi ko na nga naligaw eh.'
Lumapit si Izuki kay Rhona. Hinawi niya ang buhok na nakatakip sa kaniyang mukha. Tumabi siya sa dalaga at tinitigan ito. Hindi niya namalayang nasabi niya pala ang pangalan ng isang babae mula sa kaniyang nakaraan.
"Shiroyuki Misaki..."
Nagulat din siya sa sinabi niya. Pero binalewala nalang niya. Napansin niyang medyo madilim niya, kaya piniggy-back ride niya nalang si Rhona papuntang girls dorm.
Rhona Fernandez's POV
Pagdilat ng mga mata ko, nasa kama na ako ng dorm. Nakita ko si Rin sa kamang katabi ko na nanunood ng anime sa kaniyang laptop, as far as I remember, the title of that anime was Assassination Classroom.
"Oh, gising ka na pala." Sabi ni Rin at inirapan ako. Hanginan sana yang mata mo, hahaha.
"Ano nga uli ang nangyari? Ang pagkakaalam ko, nakatulog ako sa puno eh, kasi naligaw ako-OMG did I just teleported?!" Sigaw ko. Nagmake-face lang si Rin.
"Huwag kang mangarap! May lalaking gwapo na dumating dito dala-dala ka, happy?" Sarkastikong sagot ni Rin.
"Ahh, sorry naman..."
Sino kaya yung lalaking yun? Hindi kaya, siya ang prince charming ko? Omg.
'Shiroyuki Misaki'
Nagulat ako nung bigla nalang nagflash sa utak ko yung pangalang yun. I don't know, maybe I heard it somewhere?
"Rin, do you know someone named Shiroyuki Misaki?" Tanong ko. She just shook her head.
"Hmmm, that name sounds really special." Bulong ko.
"You still don't have an ID right?" Tanong ni Rin. Tumango ako. "You should get one already, baka mapa-kick out ka na. If you really think that name is special, then use it. Wala pa namang nakakakuha ng name na yan here in this Academy."
"R-really? Pero parang nakakahiya naman.." Sabi ko. She raised her eyebrow. "What's embarrassing with that? You're so weird."
I just shrugged then kinuha ko rin ang laptop ko. Di na rin naman kasi inaantok so manunood nalang ako ng anime. And yeah, sabi sa akin ni Aoi, panuorin ko raw ang isa sa mga the big Animes. Para naman daw hindi ako ma-OP pag may nag-uusap nun sa Academy.
At ang napagtripan kong panuorin ay Naruto.
At nasabi ko na bang episode 134 na ako? Hahaha.
Hindi ko akalaing maaattached ako ng ganito sa Anime, sabagay, ito lang naman din ang pwedeng gawin sa school na to. Pero nagustuhan ko yung Naruto. Ang ayaw ko lang naman ay puro flashbacks kaya minsan nakakatamad ding panuorin ung first part.
Hindi naman siya pambata ah! It's cool kaya!
Nakakabwisit lang talaga minsan si Sakura, haha, joke, peace lang, masyado kasi siyang obsessed kay Sasuke eh. Di niya man lang napansin yung efforts ni Naruto. Pero okay lang, mas gusto ko si Hinata para kay Naruto!
Alam kong late na late na ako dahil tapos na ang series ng Naruto. Pero okay lang, importante, nanunood ako.
Kinabukasan, pagdating ko sa school, dumiretso ako sa professor namin, para sa ID ko. Two weeks na akong nag-aaral dito sa A.A pero ako palang ang wala pang Japanese name.
"Buti naman at nakaisip ka na rin, papatawag ka na sana bukas kung hindi ka parin makakapagbigay ng Japanese name." Sabi ni Sir. Talaga? Buti nalang!
"Ah ganun po ba? Buti nalang pala nakaisip na ako, hehehe." Sabi ko. "Please proceed to the office of Ms. Yui Takano for your ID."
Yui Takano? That bitchy principal? Tch.
At dahil wala naman akong choice, dumiretso na ako sa office ni Yui na yun. Kumatok muna ako tapos narinig ko yung nakakarindi niyang boses at nagsabi ng "Pasok."
"Ohayou-gozaimasu Ojou-sama." Bati ko. Oo, kahit nakakabwisit, required parin kaming bumati ng ganun pag kaharap siya, ang demanding. Nakita ko siyang nagp-paint ng nails niya, ang Arte talaga. Tumingin siya sa akin then she smirked.
"Oh look who's here." Sabi niya.
"I'm here to get my ID." Sabi ko.
"Oh, you already have a Japanese name? What is it?" Tanong niya.
"Shiroyuki Misaki."
Pagkasabing-pagkasabi ko nun, nanlaki ang mga mata niya. "H-how the hell did you know that name..." Bulong niya. Nakataas lang ang kilay ko. "Huh? What's wrong with that name?",
"N-nothing." Sabi niya habang namumutla. Ano ba talagang meron aa pangalang to? "Are you informed to bring a 1x1 ID picture? A recent one?"
Tumango ako then kinuha ko sa bulsa ang picture kong maganda, hahaha. Ibinigay ko to sa kaniya. Geh, maglaway ka sa picture ko. "Aw, so pretty huh?" She sarcastically said. May kinuha siyang parang gadget then ipinasok niya sa loob ang picture ko, then parang may tinype siya doon although, lumulutang yung keyboard, alam niyo yun? Yung parang light lang na lumulutang yung keyboard pero nakakapagtype siya dun. At sa tingin ko, ang tinype niya dun ay ang pangalan ko, the Japanese one.
Then after a few seconds, lumabas na ang ID ko, that fast. And it's well made. Wow, the technology here in this school is damn advanced.
"Here's your ID." She said, smiling at me habang iniaabot ang aking ID."
"Thanks." Sabi ko. Nuks, bait ko talaga.
"Make sure na yan na ang name na itatawag sa'yo okay?" Sabi niya then tumango ako. Paalis na sana ako nung may bigla siyang hinabol.
"That name..."
Lumingon ako sa pwesto niya, and she's smiling at me, sincerely.
"Take care of that name, it's so special..."
Ano ba talaga ang meron sa pangalang to?
BINABASA MO ANG
anime academy » hiatus
Teen Fictionan extraordinary academy, full of secrets, and full of mysteries