"Halika. Dadalhin kita sa dorm mo." Sabi sa akin ni Aoi. Buti nalang mabait 'to. At buti nalang di ko siya tinarayan. Kundi, baka kanina pa ako naliligaw at nalilito sa school na 'to.
"Salamat."Sabi ko. Oh diba? Bumabait na ako. Habang naglalakad kami ay puro kami kwentuhan. Tinanong ko siya kung bakit siya nahilig sa anime eh pambata lang naman 'yun.
"Hindi mo pa kasi naiintindihan eh. Malaki ang naitulong sa akin ng anime. Um, paano ko ba 'to sasabihin." Parang nagh-hesitate siyang sabihin sa akin ang dahilan. Seryoso siguro.
"Ok lang naman kahit di mo na ako sagutin. Ok lang naman eh." Sabi ko sa kaniya.
"No, tutal, magkaibigan na naman tayo, mabuti ng sabihin ko na rin sa'yo." Nakinig ako mabuti sa sasabihin niya, at hindi ko inakala ang narinig ko.
"I'm a former delinquent."
Napanganga ako. Sinong nag-akala na ang isang inosenteng babae na parang hindi marunong magmura ay magiging isang gangster?!
"Do you hate me for that?" Malungkot na tanong niya. Dali-dali naman akong umiling.
"Of course not! Lahat naman tayo ay nagbabago di'ba?" Sabi ko sa kaniya. Well, mas malala pala siya sa akin eh. Bully lang ako noh.
Napangiti siya sa sinabi ko. Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa makarating kami sa girls dorm. Sayang nga eh, di ko siya roommate. Sana nga lang ay matino ang roommate ko. Baka masapak ko siya ng di oras at mapakick out pa ako sa school na 'to.
Dumiretso na si Aoi sa room niya at nagpaalam na kami sa isa't isa. Saan kaya ang room ko? Tiningnan ko ang room number na nasa registration paper ko. Room #2315?
Naglakad ako at tiningnan ang number ng bawat room na makita ko. And there is it! Ang room na titirhan ko for the whole year.
Kumatok ako sa pinto at may narinig ako na faint "pasok". Okay, tandaan mo Rhona. Magpakabait ka. Magkaroon ng patience. Tama. Patience. Unti-unti kong binuksan ang pinto with a smile on my face.
"Hello! I'm Rhona! Pleased to meet-"
Napatigil ako nung nakita ko ang babaeng nasa unahan ko. Jusko. Mukhang mahihirapan ata ako dito ah.
"What? Why are you here?! You're the non-anime lover who got a special treatment from sir just because you're a transferee right?!" Sigaw nung babaeng mataray. Siya. Siya ang roommate ko. Siya yung nagsabing "Not an otaku-chuchu" na hindi ko na pinatulan kahit katiting lang ang pasensya ko.
Nagmatapang naman ako. Mali siya ng kinakalaban. "Yah, that's me. Any problem?"
"Yes I have. I don't want to spend the whole year with losers like you. Alam mo? Kung ako sa'yo? Umalis ka na lang. Lumipat ka ng room if you want. I'm warning you. You won't like me." Pagtataray niya.
"Yes. And you won't like me either." Di ko na siya pinansin at dumiretso sa loob ng kwarto. In fairness ang ganda niya. Malaki siya. May sofa, flat screen TV, may isang kwarto pero dalawa ang kama, mukhang malaki ang banyo, and may kitchen pa. Di ko 'to in-expect ha. I thought that, this is just a one shitty school.
"Where is my bed?" Tanong ko sa kaniya. She rolled her eyes before answering me.
"The left one." Inilapag ko ang mga gamit ko sa tabi ng kama ko at humiga. I'll miss my bed at home. After kong makapagpahinga ay dumiretso ako sa banyo, naligo ako then nagbihis with my T-shirt and shorts.
Binuksan ko ang librong ibinigay sa akin ng teacher ko. Five animes in three days? Nakakastress. Ang una kong papanoorin ay Angel Beats, next ay Ano Hana, next is Ao Haru Ride, Noragami, at Tonari no Kaibutsu-kun. It says here na puro 12-13 episodes lang naman ang mga anime na ito so sigurado naman daw na matatapos ko in three days.
Binuksan ko ang laptop ko at niresearch ang Angel Beats. Drama daw? Papaiyakin kaya ako nito?
"You're researching about Angel Beats?" tanong sa akin nung babaeng mataray. Oo nga pala, di ko pa pala alam ang pangalan niya.
I nodded.
"Um, ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya na parang ikinagulat niya pa? Ano problema nito?
"What?! You don't even know my name?! Ako ang queen ng school na 'to then you're saying that you don't know me?" Sigaw niya. Gosh, what a bitch.
"Yup, I don't know you. Kaya magpakilala ka na sa akin dahil ubos na ang pasensya ko." Sabi ko sa kaniya habang nakangiti. Sarcastic bruh.
Nag-flip siya ng hair bago sumagot. Kainis talaga. "Guess I have no choice."
"Dami mong ek-ek eh, sagutin mo na kaya ako?" Pagtataray ko.
"I'm Rin Kirisaki. Pang-lalaki ang name ko. But I'm used to it. Don't call me Rin. Call me Madame." Sabi niya sa akin na lalo kong kinainis. Mahirap pala makaharap ang mga kalahi ko noh?
"Ok Rin." Sagot ko.
"I said Madame!"
"Don't wanna."
Inirapan niya muli ako. Buti hindi nahahanginan mata nito.
"As I was saying, pag manunood ka ng anime, it's better to watch the opening and ending songs even just for once or twice. Pero ako papanoorin ko talaga hanggang huli. Mas mararamdaman mo ang heart ng anime pag alam mo ang opening at ending." Sabi niya sa akin.
"May puso ba ang anime?" Tanong ko sa kaniya.
"Ugh! You're so bobo! That's why I hate you! You're a pilosopong bitch!" Conyo pa ang bruha, sarap sapakin.
"Thanks for the compliment." I said sarcastically.
Ini-research ko na ang Angel Beats sa isang Anime Website at pinindot ang episode 1. English subbed.
I guess, this is where it all begins.
***
Rin Kirisaki on Media.
BINABASA MO ANG
anime academy » hiatus
Fiksi Remajaan extraordinary academy, full of secrets, and full of mysteries