Chapter 7

124 11 2
                                    

Nakakainis talaga.

Pagpasok na pagpasok ko sa school, lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin, ng masama. Mostly girls.

And it is all this Yamada Ryouma's fault.

Nakita kong sinalubong ako ni Aoi Mizuki. "Ano? Buti buhay ka pa?"

Di ko nalang muna siya pinansin at dumiretso sa upuan ko. Sobrang nai-stress ako dahil sa nangyari kahapon. Lahat ng babae ngayon ay nakatingin sa akin ng masama, except kay Aoi. Si Rin naman, lagi namang masama tingin niya sa akin unang day palang ng pasukan. Sanay na ako. Yung iba, pinagbubulungan ako.

"Bakit mo naman kasi pinaiyak si Ryouma? Tingnan mo, galit tuloy sa'yo lahat." Sabi ni Aoi.

"Kasi nga, nakilala ko siya 'nung isang araw. Tapos inasar niya ako at pinagtawanan." Sagot ko. Tumaas ang kilay ni Aoi.

"Sa totoo lang, di ko maimagine na ginawa yun ni Ryouma. Napaka-inosente kaya nun." Sabi niya.

"Tch, ewan. I don't care anymore."

She chuckled. "Marami talagang may gusto kay Ryouma. Shoutā-type kasi siya."

"What's Shoutā?" I asked.

"Search mo nalang, nandiyan na si Sir." Sabi niya at umayos na sa kaniyang upuan.

Nakita kong dumating na si Sir. Umayos na rin ako. Pero hinding-hindi ko kakalimutan ang ginawa sa akin ni Ryouma. He wants war? I'll give him war.

***
Naglalakad ako pabalik sa dorm ng makakita uli ako ng isang lalaking nakasandal sa puno. Aha, mukhang right timing ata ako ah. Unti-unti akong lumapit sa kaniya. Yung hitsura niya uli ay yung parang nakita ko nung isang araw. Wala siyang suot na salamin. At mukha siyang matured.

Tumingin siya sa akin. "Ikaw nanaman?"

Ibinato ko sa kaniya ang isa kong book. At hinampas-hampas siya. "Walang hiya ka!! Anong klaseng acting ang ipinakita mo sa mga estudyante huh?! Bakit ayaw mong ipakita ang true colors mo?! Bakit ka nag-aacting na cute?! Ano bang problema mo ah?!"

"A-aray ko! B-bitawan mo nga ako! Ah! M-masakit! Bitaw!" Sabi niya ngunit di ako titigil.

"Hindi ako titigil hangga't di ka nagsosorry sa akin!"

"W-wait lang miss. Sige, sorry na muna. L-let me explain." Sabi niya kaya tumigil ako. Now, give me a decent explanation.

"You mean, ginawa ko yun sa'yo?" Tanong niya. I nodded.

"Medyo magulo ang buhok?" Tanong niya uli. And I nodded.

"Makapal ang salamin?" I nodded.

"Mukhang nerd?" I nodded.

Nagbuntong-hininga siya. "Hindi ako yun."

"Eh sino yun?! Kakambal mo?!" Sigaw ko.

"Oo."

AND THAT. MADE. ME. SPEECHLESS.

"M-may kakambal ka pala. S-sorry." I apologized. Pero tumingin lang siya sa akin na parang jina-judge ako. Then he smirked.

"Yamada Izuki nga pala. Nice to meet you, miss Rhona Fernandez." Sabi niya then nag-offer ng handshake. Naghesitate pa ako nung una na tanggapin yung handshake niya pero tinaggap ko nalang.

"Hmmm, wala ka pang Japanese name?" Tanong niya. I nodded. Pero bigla siyang tumawa.

"Oh? Bakit bigla kang tumahimik ngayon? Hahaha!" Tawa niya habang nakahawak pa sa tiyan niya. OA neto. Sarap sapakin. Parehong-pareho sila ng kakambal niya, parehong nakakabwisit.

"Sige, sorry kung naabala kita. Mauna na ako." Kalma kong sinabi at naglakad na sana paalis pero bigla akong pinigilan ni Izuki.

"Eto na, sorry na, ang pabebe mo ha." Sabi niya at tumawa uli. Naiinis na talaga ako ah.

"Alam mo, hindi ako nandito para tawanan mo lang. Kaya pwede ba? Aalis na ako dahil marami pa akong tambak na assignments." Sabi ko at iniwanan na siya dun. Hindi na naman niya ako pinigilan pa. Nakangiti lang ang loko. Nakakainis.

Yamada Izuki's POV

I watched her walking away from me. Baka maligaw nanaman siya ah.

Rhona Fernandez.

I think I'm starting to have interest in you.

Rhona Fernandez's POV

"Ah, finally back." Sabi ko at sumampa sa kama. Nakatingin nanaman si Rin sa akin ng masama.

"Why are you always late?" She asked.

"Mabait kasi ako." Sagot ko. She rolled her eyes before answering me. "Ano connect?"

"Alam mo, dapat sabay na tayong umuuwi pati pagpasok sa school." Sabi ko sa kaniya.

"No. Lagi kang late magising. I tried to wake you up before. Pero nakailang-five minutes ka. That's why I decided to go on without you. I don't want to wake you forever. Duhh." She stated.

Nag-pout nalang ako at niyakap ang aking unan. "Ano bang gagawin ko para magustuhan mo ako?" Sabi ko.

"You don't have to do anything. Because I won't like you whatever you do. Nagpromise na ako sa sarili ko na, hindi na ako magtitiwala uli." Sabi niya.

Hindi magtitiwala uli? May pinagdadaanan ba si Rin?

"Why?"

Hindi niya ako sinagot at umalis siya sa kwarto namin at dumiretso sa banyo. Weird.

***

"Rhona Fernandez. Pinapatawag ka ng principal."

Pagpasok na pagpasok ko sa Anime Academy, eto ang sumalubong sa akin.

"P-pero, bakit po?"

"I don't know either. Sumunod ka nalang." Sabi ng teacher ko sa Japanese Literature subject.

Umalis ako ng classroom para pumunta sa Principal's office. Sa totoo lang, di ko alam ang hitsura ng principal. I mean, mataray kaya siya? Sana naman hindi.

Ng nakarating na ako. Kumatok muna ako at nakarinig ako ng boses. Kaya pumasok na ako.

"Ohayou-gozaimasu, ojou-sama." Sabi ko. Instruction sa amin na batiin ang principal na ganito.

Unti-unti siyang humarap sa akin. At nagulat ako sa mukhang nakita ko.

"I-ikaw..."

"Welcome to Anime Academy, Miss Rhona Fernandez."

This bitch...

" Rowelyn Alvarez...."

***
Yamada Izuki on Media

anime academy » hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon