Chapter 10

93 7 4
                                    


"Misaki, yow, Misaki." asar sa akin ni Ryouma habang tahimik akong nanonood ng anime sa clasroom. Grabe, pumunta pa talaga siya dito para lang asarin ako? Bwiset talaga sa buhay ko to oh. Ilang minuto nya akong inaasar at wala siyang balak tumigil. Misakit daw yung name ko, argh.

"Alam mo, kailan mo ba ako balak tigilan? Nabubwisit na ako sa'yo. Ano ba kasing kailangan mo?" pagtataray ko.

"Sa wakas at tinanong mo na rin ako kung anong kailangan ko. I need your stupid brain now." sabi niya. Stupid brain? Ginaya pa nya ako sa mga katulad nya. "Stupid brain pala ah, sige, sorry pero wala akong balak gawin yang papagawa mo. I'm so busy with my stuffs and I do not have time for you stupid shits-"

"Hehe, joke lang po. Peace." Sabi ni Ryouma at nagpeace sign habang nagb-blink ang mata. Umupo siya sa upuan ni Aoi, tutal wala naman kasi si Aoi ngayon. And he cleared his throat before he started speaking. "You hate my brother right?" tanong nya.

"I hate you both. Kaya kung pwede lang ay umalis-alis ka na. Mas mabait naman yang kuya mo ng kaunti kaysa sa'yo." sabi ko at umirap, pero mukhang Ryouma is keeping up, inirapan din nya ako. Gay. 

"Well, since I'm asking you a favor, hindi muna ako lalaban. Ganito kasi yun, for the upcoming school festival, gusto ko sanang isurprise si kuya." sabi niya. Tumaas naman ang kilay ko. "Why do you have to do that?" tanong ko.

"Hmm, you don't know yet, don't you? We, the Yamada twins owns this school, atleast nakapangalan sa amin." sabi niya na ikinagulat ko, how would that be possible? Of course that is possible pero bakit ngayon ko lang to nalaman? "How about Rowelyn? I mean, Yui? Akala ko siya ang may-ari ng school na 'to?" tanong ko.

"Most of the transferees thought that. Our fathers are partners in business so they decided to make Yui the principal. Yui is smart and excellent, and she's already in legal age. Samantalang kami ni kuya ay 16 palang. Pero kami talaga may-ari nito, I mean, si Papa. At ang school festival will be held on our birthdays. Yayy." paliwanag niya. Bakit ba ang gulo-gulo ng mga tao dito? Pero atleast nanintindihan ko rin sa wakas.

"So, anong gusto mong gawin ko?" tanong ko. Kanina pa kami nag-uusap pero hindi naman niya masabi-sabi kung anong kailangan nya. 

"Sa school festival, there will be a cosplay contest right? So naisip ko na, you will dress up as Kuya's favorite anime character, and YOU will surprise him on stage, tapos maya-maya ay babatiin ng lahat ng estudyante si kuya ng 'otanjoubi omedetouu'!!!" excited ng sabi. Simple lang naman pala ang favor niya akala ko naman kung ano. Etong si Ryouma, may sweetness din palang tinatago pagdating sa kuya niya. Brotherly love ganern? Di ko alam yun eh, wala kasi akong kapatid. Joke lang, meron din akong kakambal nung baby ako kaya lang namatay siya. Oo nga noh, ngayon ko lang uli siya naalala, pero matagal na yun at move-on na ako, di ko rin naman siya nakilala eh. Napangiti ako habang tinitingnan siyang masayang-masaya, Mukha talaga siyang five years old.

"Teka, e diba birthday mo rin? Paano ka?" tanong ko. Totoo naman kasi eh, pangit naman kung si Izuki lang ang masaya di'ba?

"Okay lang ako! Every year, may surprise din sa akin si kuya kaya pakiramdam ko, it's time para ako naman ang magregalo. Hihihihi." bungisngis niya.

"Eh sino ba yang favorite anime character ni Izuki? Shiro? Sakura? Hinata? Lucy? Erza? Sino dun?

"Basta, huwag kang magugulat ah?" sabi niya.

"Oo nga, hindi nga ako magugulat. Sino ba kasi yun? Huwag mong sasabihing si Rias Gremory, magbaback-out ako." bulong ko. Lumapit siya sa akin at sumenyas na may ibubulong. Kaya naman lumapit ako sa kanya. At nagulat ako nung nalaman ko kung sino ang favorite character ni Izuki.

"Doraemon."

==

Yamada Izuki's POV

As usual, nandito nanaman ako sa gubat na katabi ng school namin. Tinitingnan ko ang picture niya, ng taong minahal ko ng sobra. Malapit ng dumating ang death anniversary niya, na parang ayoko  ng dumating. It was supposed to be the best day of our lives, but it became the worst. Nagkaroon ako ng kaunting memory loss, me and my brother. Hindi ko maalala ang hitsura niya, only her name. Ang picture na hawak ko, ay sunog, hindi ko maaninaw ang mukha niya.

Pero natatandaan ko ang kung paano ko siya pinahalagahan. Siguro nga ay hindi ko matandaan ang  memories we had together, but my heart will remember. My heart remembers everything, Misaki Shiroyuki.

Tinatago nila sa akin ang lahat. At hindi ko maintindihan kung bakit, lalong-lalo na si Yui. I hate her so much. Kumuha ako ng bato mula sa lupa at ibinato ito sa kawalan. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas ang galit ko.

"AWWW!!!" nakarinig ako ng isang high-pitched na boses na mukhang natamaan ng ibinato kong bato. Sumigaw pa siya at nagmura ng sunud-sunod. At base sa nakakarinding boses na naririnig ko, halatang si Rhona yun. Tumayo ako at tumakbo, hinahanap ko kung saan siya nanggaling, at nakita ko siya doon sa isang bakanteng lote, sinisipa-sipa yung puno sa gilid.

"BWISET NA YAN! KUNG SINO MANG NAGBATO NG BATONG YUN PUMUNTA KA SANA SA IMPYERNO! PAPARUSAHAN KITA! ARGHHHH!" sigaw niya. Anak ata 'to ni satan eh.

"Ehem." nung narinig niya ang boses ko, tumigil siya sa ginagawa niya at inayos ang damit niya. Natawa ako ng kaunti.

"Oh? Anong tinatawa-tawa mo diyan?" tanong niya.

"Ang ingay mo kasi." sagot ko.

Inirapan niya ako. "Imbes na asarin mo ako tulungan mo kaya akong makalabas sa pesteng gubat  na to?" 

"Eh paano kung ayoko? Taray-taray mo mag-isa ka nga diyan. May oso pa naman dito." sabi ko at paalis na sana, pero joke lang yun, hindi ko naman iiwan ang isang babae sa gitna ng gubat diba? lalo na dahil magdidilim na. Hinnihintay ko lang na pigilan niya ako.

"TEKA LANG! SASAMA AKO SAYO!" sigaw niya at tumakbo palapit sa akin at niyakap ang braso ko. "Pogi ka naman kuya eh, hehehe." sabi niya habang nagpapacute. Eew.

"Tch. Sige na, miss Fernandez, ihahatid na kita sa Girls' dorm pero bukas ililibre mo ako." sabi ko.

"Sige sige. Saka oo nga pala. Hindi na Rhona Fernandez ang pangalan ko. May Japanese name na ako yipiee!"

"Talaga? Ano na?"

"Misaki Shiroyuki."

Hindi na ako nakapagsalita/

wtf.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

anime academy » hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon