Chapter 2

263 14 11
                                    

Shemas, ano to?!

Yan nalang ang sinasabi ng bibig ko habang nakatingin ako mula sa bintana ng kotse. Nasa harap na ako nv Anime University chuchu na pinagsasabi ng mga magulang ko. Sa dinamidami naman kasing school, bakit sa anime unversity pa? Pwede namang K-pop university. Diba?

"Kakaiba naman po 'yang school niyo." Sabi sa akin nung driver ko.

"Wag mo nga akong kausapin. Tch." bumaba ako ng kotse at tiningnan mabuti yung school. Infairview, maganda naman ang itsura ng school. Mukhang nakapila lahat, may flag ceremony siguro? Lumapit ako sa mga nakapila at kinalabit yung isa sa mga ito.

"Um, saan po ba ako pipila?" tanong ko.

"Ah, ikaw ba yung transferee student? Si Rhona Fernandez?" sabi 'nung babae.

"Yes?"

"Dun ka pipila sa dulo, class D ka diba?"

"Ah, sige, dun na ako. Thank you." pumunta ako dun sa pila kung nasaan yung class D. Mukhang mga seryoso ang mga studyante sa class D na to ah. Yung isang lalaki dun, tinitingnan lang ako ng masama. Yung isang babae naman ay tinaasan ako ng kilay.

"You're not an otaku?" sabi nung babae na may halong pagtataray ang boses.

"Huh? What's otaku??" sabi ko.

"OMG. Bakit siya pumasok dito sa school na to? She doesn't even know anything about anime!!" sabi niya. Hindi ko nalang siya pinansin. Baka mapaaway nanaman ako eh. Nandito ako sa academy na 'to para magbago. So I need patience.

Noong nag-entrance exam ako, sinabi sa akin na lahat naman daw ng students ay welcome dito. Basta daw may good moral, eh may onting good moral naman ako kaya, okay lang siguro. Kaya lang nama daw may entrance exam ay para malaman kung Class A ka ba or Class D. Wala naman akong naintindihan dun sa testpaper kaya blanko lang. So, automatic naman na Class D ako diba?

Pumila nalang ako at nasa pinakalikod ako at yun ang kinaiinis ko. Maya maya ay may dumating na teacher sa harap naming lahat at tumapat sa mic.

"We'll sing the national anthem led by Miss Nakahara." sabi nung teacher. May lumapit sa unahang babae na galing ata sa Class A.

"So, may bago uli tayong national anthem." sabi nung babaeng nasa unahan. Nanlaki ang mga mata ko. Anong kabaliwan to at nagpapalit ng national anthem?!

"Um, miss." tawag ko sa babaeng nasa unahan ko. Mukhang mabait naman ito kaysa sa kanina.

"Bakit?"

"Bakit nagpapalit ng National Anthem?" tanong ko.

"Ah, oo nga pala, transferee ka. Every week, nagpapalit ng national anthem dito sa Anime Academy. At ang mga national anthem namin ay mga anime songs. Siguro wala ka talagang alam sa anime noh? Pero kailangan mong maging otaku, kundi maleleft behind ka lang sa klase at sa buong school. Kasi remember, lahat ng studyante dito ay otaku, pwera lang ikaw. Hindi ko maintindihan kung bakit ka napasok dito eh mga otaku lang naman ang pinapapasok dito." sabi nung girl.

"Ah, ganun ba? Okay lang naman. Kaya ko to. Ah, ako nga pala si Rhona. Ikaw?" tanong ko.

"Ah, ako si Mizuki Aoi."

Napanganga ako. Chinese ba siya? Ano daw? Alien language? Nakita kong natawa siya ng kaunti 'nung nakita niyang speechless ako.

"Sa school na to, papalitan mo ang tunay mong pangalan into nippongo. Kaya habang maaga pa, mag-isip ka na. Para makakuha ka ng ID. And take note, bawal mong gayahin ang mga pangalan ng mga anime characters." Sabi niya sa akin. Ang bait niya!

"Ah ok-" biglang tumunog yung radio at may piano sound. Eto na yung national anthem? Nagsisiyawan naman ang mga studyante, kaya naikisayaw narin ako. Weird.

Yume wo otte mayoikonda kokoro no mori no oku

Kagami yori sunda izumi utsuru yuganda Smile

Tangna! Ano daw?! Napapamura ako nito eh. Mukhang enjoy na enjoy yung mga estudyante sa pagkanta at pagsayaw ng "national anthem" daw nila.

Koboreta namida wa (Don't Cry) kin demo gin demo nakute

Arifureta namida (Fall From My Eyes) megami mo kizukanai

Masayume Chasing Chasing

Koero motto jibun shijou saikou no

Ima wo Chasing Chasing

Sou egaita jibun ni natte moyase mune no hi wo

Na na na na na na na Oh

Na na na na na Hey Hey

Na na na na na na na Oh

Kakenukero Hero

Na na na na na na na Oh

Na na na na na Hey Hey

Na na na na (Hey) na na na (Oh)

Moyase mune no hi wo (My Life... Yeah)

Natapos ang buong national anthem ng hindi ako nakakanta. Eh anong sasabihin ko. Saka, diba bago daw yung national anthem nila? Bakit memorize nilang lahat at tuwang-tuwa pa sa pagkanta? Tch. Ewan.

Kung anu-anong ginawa sa flag ceremony. Meron ding dance excercise dito na hapon din ang kanta. Tinanong ko si Aoi Mizuki kung ano yung title, "Hare Hare Yukai" daw.

Pero tama si Ate bait. Kailangan ko talaga ng Japanese name. Or hindi ako magkakaroon ng ID. Hindi ko alam kung bakit pinoproblema ko yun pero bahala na.

Natapos yung flag ceremony. Dumiretso kami sa mga classroom namin. Class D ako, kasi wala naman akong alam sa anime. Kaklase ko yung mga maarte kanina, si Aoi, tapos karamihan babae, iilan lang ang lalake. Nasa classroom ako at nakaupo sa likod. Katabi ko si Aoi.

Dumating na yung homeroom teacher namin.

"Class, meron tayong quiz ngayon."

Nanlaki ang mga mata naming lahat at nagsigawan ang mga kaklase ko. "EHHHHHHHHHHH?!!!"

Patay, wala akong alam.

***

This part is edited. Aoi Mizuki on Media.

anime academy » hiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon