"Um. Hello po Miss Rhona Fernandez! Ang ganda-ganda niyo po! Pwede papicture?" sabi ng isang babae sa akin. Ugh, here we go again.
"Sorry, pero baka mapuno lang ang memory ng cellphone mo dahil sa laki ng kagandahan ko." Aroganteng sabi ko. Ngunit nagpumilit parin ang bruha.
"Ok lang po! May SD Card naman po ako eh! Please na po! Pagyayabang ko lang sa mga kaibigan ko na may picture ako with the one and only!!" Sigaw nito. Grabe nakakairita na siya!
"My name is special. Hindi basta-basta pwedeng gamitin upang ipagyabang. At saka, hindi ako statwa ng Disneyland para magpapicture ka sa akin. Diyosa ako. Diyosa. Goddess in English. Gusto mo i-spell ko pa?" sabi ko sa kaniya habang nakataas ang isa kong kilay. Siya naman ay parang umiiba na ang aura.
"Ang sama mo naman! Napakayabang! Pasalamat ka nga may humahanga pa sa'yo eh!" sabi niya sa akin. Hmmm, so lumalaban na siya ah. Pwes, mali siya ng kinalaban.
"Ang mga tao, kahit di pa ako nakikita, hinahangaan na ako. Kaya din a kita kailangan. Isa ka lang naman sa mga fans ko. Kaya pwede ba? Shoo!" sabi ko sa kaniya habang nakagesture pa na tinataboy siya. Umalis siyang luhaan. Good for her.
I'm Rhona Fernandez. My Dad is the owner of the Fernandez Company, one of the most famous companies worldwide. We're billionaires. And I'm proud of that. Ako naman, at my young age, ay nagm-model. Maraming may kilala sa akin. Makikita ako sa billboards, commercials, etc. Kaya nga pati dito sa school na pinapasukan ko ay may nagpapapicture sa akin eh.
"Hoy! Tapos mo na ba yung Durarara?!" sigaw ng mga kaklase ko sa unahan. Ugh, they're are noisy. Lagi silang nagkekwentuhan tungkol sa mga anime, at nakakainis sila.
"Hindi pa, pero episode 10 na ako." sagot nung isa pang peste.
"Hoy! Nilabas na ang bagong episode ng Fairy Tail!"
"Talaga? Maganda ba? Hindi ko kasi napatuloy sa manga eh!"
"Oo astig! Pero medyo nag-iba yung drawing niya."
"Hala! Si Hiro Mashima naman eh! Maganda na kaya yung unang drawing. Binago pa."
"Napanood niyo sa Fairy Tail yung ano, nahawakan ni Jellal yung boobs ni Erza?"
"Hahaha! Oo, nakakatawa yun eh!"
"Teka, kailan daw ba season 3 ng Magi?"
"Ahh, ewan eh. Check ko nalang sa Tokyo Otaku Mode."
"Excited na talaga ako sa season 3 ng Kuroko no Basket!"
"Kailan daw ba?"
"Ewan."
"Eto, confirmed. Sword Art Online 2! Gun Gale Online na siya!"
"Oo nga. Idol ko nga doon si Sinon eh."
"Bakit parang babae dun si Kirito?"
Ugh, so annoying. Napaka-ingay. Lagi nalang ganito sa classroom naming. At ubos na ang pasensya ko. Maybe I should teach them a lesson.
Lumapit ako sa kanila na kasalukuyang nagk-kwentuhan.
"Ehem." Tumingin lang sila sa akin.
"Ang ingay niyo. Hindi ko na ipapamukha sa inyo. Halata na kasi eh." sabi ko.
"Ang yabang mo, hindi ko na ipapamukha sayo, halata naman eh." sabi nung isang peste at nagtawanan silang lahat.
"Kasi naman, ang tanda tanda niyo na, nanunuod parin kayo ng anime. Your so, eew. Isip bata o special child?" sagot ko.
BINABASA MO ANG
anime academy » hiatus
Teen Fictionan extraordinary academy, full of secrets, and full of mysteries