Chapter 02

1.2K 51 5
                                    

BAGO magsimula si Precious sa kaniyang trabaho ay inilibot muna siya ni Jacque sa kabuuan ng mansiyon upang maging pamilyar siya roon. Wala yatang sandali na hindi siya namamangha kahit na sa maliit na bagay lamang sa Radizon Mansion. Grabe sa ganda.

Oo, sobrang nakakabano sa isang simpleng tao na katulad niya.

"Iwasan mo ring makabasag sa mga gamit na narito, Precious. Sobrang mamahal ng mga vase at ibang displays ni Madam Cherry sa mansiyon na ito. Lahat ay bili pa niya sa ibang bansa. Kaya doble ingat. Maliwanag ba?"

Sunod-sunod ang naging pagtango ni Precious. Sobrang mag-iingat siya roon.

"Ate Jacque," mahina niyang anas sa pangalan nito.

"Ano 'yon, Precious?"

"Ahm, ang laki-laki at lawak kasi nitong mansiyon. Tapos sina Madam Cherry, Sir Lendon at Sir Knight lang talaga ang naninirahan dito?"

Tumango si Jacque. "Oo. Pero noon, kasama nila ritong naninirahan ang mga magulang ni Sir Lendon. Pero dahil sa katandaan na rin, kaya hindi na rin nagtagal ang buhay. Bunso si Sir Lendon sa apat na magkakapatid. Kaya sa kaniya napunta ang mansiyon na ito."

"Maganda itong mansiyon," dagdag pa niya. "Buhay na buhay. Lalo na siguro kapag nakabukas ang lahat ng ilaw sa gabi."

"Pero malungkot dito, Precious. Lalo na kung naiiwan lang ditong mag-isa si Sir Knight. Tapos, mas gusto pa niyon na nakakulong lang sa kaniyang kuwarto."

"Talaga? Natitiis niya 'yon?"

Tumango si Jacque. "Bilang lang sa daliri sa isang kamay ang kaibigan ni Sir Knight. Hindi rin 'yan basta-basta nagtitiwala. Kahit sa mga kaibigan niya. Kung hindi naman importante, hindi siya umaalis sa bahay na 'to."

"Ate Jacque, matanong ko lang din para hindi naman ako out of place sa nangyayari dito sa mansiyon. Ahm, bakit palaging wala rito ang mga magulang ni Sir Knight?"

"Busy sa business nila. Marami silang business. Hindi lang ang isang malaking university ang negosyo na mina-manage ng mga magulang ni Sir Knight. Marami pang iba. Galing din kasi sa mayamang pamilya si Madam Cherry. Simula't sapol ay business woman na. Mayroon nga rin silang negosyo sa abroad. Kaya madalas, wala sila rito. Kung hindi sa Manila, nasa abroad sila."

Sa kabilang banda, mukhang mas masuwerte pa rin si Precious sa kalinga ng isang ina na palaging nariyan para sa kaniya. Kahit mahirap ang buhay, nariyan ang kaniyang Nanay Esme para sa kaniya.

Bigla tuloy niyang na-miss ang kaniyang ina.

"Kaya kapag nakita mo si Sir Knight, ikaw na ang iiwas agad, Precious. 'Wag na 'wag kang hahara sa kaniyang daraanan. Maliwanag ba? Huwag ka ring magsasalita kung hindi ka niya kinakausap."

Tumango siya. "Opo. Isang tanong pa po, Ate Jacque."

"Sige, itanong mo lang kung ano ang nasa isip mo."

"Ahm, bakit wala po akong nakikitang picture dito ng pamilya nina Madam Cherry?"

"Nakasanayan na nila na wala sila ritong larawan, Precious."

Naalala niya iyong picture nila ng kaniyang ina na palaging nasa wallet niyang kupas.

Takaw oras din ang paglilibot sa mansiyon. Bukas pa siya magsisimula sa kaniyang trabaho. At bukas, nakatoka siya sa may malawak na salas at lanai.

Payo pa sa kaniya ni Jacque na 'wag siyang magmamadali sa pagkilos para wala siyang mabasag na kahit na ano sa mansiyon. Kahit na mukhang hindi dinapapuan ng mga alikabok ang mga gamit sa loob ng malaking bahay na iyon, dapat pa ring pasadahan ng linis.

Knight Radizon: The Campus PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon