Chapter 20: Always Her

244 3 0
                                    

Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang magising ulit si Ali mula sa coma.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang bumalik siya. Binalikan niya 'ko at tinupad niya ang pangako niya sa 'kin.

Isang buwan na nang matapos niya ang leg therapy niya. Kaya malaya na kami ngayong nakakapaglakad dito sa Southvill Park nang magkahawak ang mga kamay.

Palingon-lingon kami sa isa't-isa habang naglalakad at nililibot ang buong park. Sa tuwing sabay kaming lilingon sa isa't-isa ay napapangiti at napapatawa kami pareho.

She's still sick, pero kumpara sa sitwasyon niya last 2019, mas okay siya ngayon. Kaya pinayagan kami ni Doc. Luna na magpunta ngayon dito para makalanghap ng sariwang hangin si Ali. Saka, alam niya rin ang sorpresa na gagawin ko. Actually, alam nilang lahat mapwera kay Ali.

Nang mapagod si Ali ay nagyaya siyang maupo na muna sa upuang inupuan niya noon 5 years ago.

"Bigla ko lang naalala, hindi pala natin nagawang i-celebrate 'yong first anniversary natin last year. Pati 'yong birthday mo last year no'ng February 13 saka 'yong birthday ko rin last year no'ng March 2. Ang dami nating na-miss na okasyon."

Bigla ko ring naalala ang first anniversary namin at kung ano'ng ginawa ko noong araw na 'yon.

A bitter smile spread across my lips while remembering that.

"I'm sorry, dahil sa 'kin hindi—"

Kaagad kong ibinaba ang mga kamay niya para pigilan siya sa gusto niyang sabihin saka ko siya binigyan ng isang ngiti.

"It's fine." Sagot ko. "You weren't aware that time, but I bought a cake and flowers for you that time. I celebrated our first anniversary beside you. I still enjoyed it though. Saka, 'yong ibang okasyon including our birthdays, I still celebrated with you and still enjoyed it."

Sinabi ko 'yon sa kaniyang nang hindi nagsasalita.

Tandang-tanda ko pa nang mag-confess kami sa isa't-isa. Hindi ko makakalimutan ang date na 'yon.

July 2, 2019, ang isa sa pinaka-masayang araw ng buhay ko. Ang araw na 'yon ang araw na sinabi niyang mahal niya rin ako.

May bigla akong naisip na kalokohan kaya nginisian ko siya at mukhang nagtataka siya dahil sa pag-ngisi ko.

"Tanda mo ba kung kailan ang anniversary natin? Baka ako lang ang may alam." Pang-aasar ko sa kaniya.

Kita ko ang paniningkit ng mga mata niya at ang cute niya nang gawin niya 'yon.

"Of course I know our anniversary."

Tumaas ang isa kong kilay at mas lalo pa siyang nginisian. "Sige nga, kailan?"

"Hinahamon mo ba 'ko?" Mapanghamon ang tinging ibinigay niya sa 'kin.

I chuckled. "Oo, hinahamon kita."

Tinitigan niya lang ako nang ilang segundo nang may mapanghamon pa ring tingin.

"July 2, 2019."

Matapos niyang sabihin 'yon ay bigla siyang humalukipkip at mataray akong tiningnan na parang nagtatampo pa. Napatawa naman ako dahil sa inaasta niya. Ang cute niya lalo.

Pabigla ko siyang hinalikan sa may pisngi niya na mukhang ikinagulat niya dahil ang laki-laki ng mga mata niya ngayon. Lalo tuloy siyang naging cute sa paningin ko.

"Ang cute mo kasi magtampo." Sambit ko.

Napaiwas siya ng tingin sa 'kin kaya mas lalo akong napatawa. Sinasadya na yata niyang magpa-cute sa 'kin e.

Reach The Stars (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon