Introvert people are actually talkative when they are comfortable talking with someone. Enough to tell their untold stories and unsaid thoughts.
- Mareng Joanna
🌹
"Oy, Bae!" Bungad sakanya ni Katrina na ikinagulat naman ni Joanna."Ay okininam!" Joanna was surprised and cursed in the air because someone suddenly spoke while entering her room and laughed at her.
"Day off mo?" Joanna asked and Katrina nodded.
Kakatapos lang maligo ng dalaga at nakasuot ito ng oversize na damit habang may tuwalya sa ulo. Wala namang pinto ang kwarto niya kundi kurtina lang ang harang sa pinto ng kanyang kwarto, kahoy na bintana at kurtina lang din ang nakatakip sa bintana nito at ang higaan nito ay papag - gawa sa kawayan at may kutsyon.
Hindi sila mayaman, minsan kinakapos din sila kahit na nagtatrabaho siya bilang isang Call Center ay kinakapos pa din dahil una sa tumataas na bilihin, nagmamahal na mga panggastos, mga bayarin sa bahay at shopee. Kailangan niya din magtira ng kaonting allowance dahil nag aaral pa siya at walang maipadala ang nanay nito na nasa ibang bansa dahil baun din sa utang. May maipadala man ay uutang lang din.
"Iba na naman style ng bahay niyo." Komento ni Katrina at mukang napansin ang ginawang pagtibag ng pader sa bandang kusina nila.
"Ano pa nga ba? Kaya di matapos tapos tong bahay na to eh kasi walang maayos na layout, gigibain kapag gusto tapos kapag nagawa na gusto giba uli." Iritang sabi nito.
"Puro utang na nga, wala talagang alam sa bahay yang Daddy ko. Akala mo pera niya ginagamit eh padala lang din naman ni Mommy yan, kasi utang nga lang." Dugtong na sabi habang nagbibihis ng damit.
"Sigawan niya ni Daddy si Mommy, papadala na ng ganito, ng ganyan kahit utang sige kaya baun kami sa utang, di din marunong humawak ng pera. Masyadong martyr si Mommy kung ako yan iniwan ko na noon pa, aanhin mo buong pamilya kung di ka naman tinatrato ng maayos ng asawa mo o pamilya."
"Stress ka na naman." Ani Katrina na nakahiga sa kama habang nag cecellphone.
"Maistress ka talaga sa pamilya ko. Higit dalawang dekada na Mommy ko sa ibang bansa wala pa din siyang ipon, puro utang. Nakaipon lang siya ng utang doon. Tapos lagi pa siyang sinisigawan kapag magkausap sila, inintindi lang gagawin niya, pagpasensyahan mo eme eme sa sobrang haba ng pasensya abot dalawang dekada." Saad nito habang naglalakay ng serum sa muka.
"Kaya mas gusto ko nakatambay sa bahay niyo o bahay ng iba, iba kasi sa pakiramdam." Katrina just shrugged her shoulder after hearing what Joanna said.
Katrina felt the same, mas maganda naman talagang tumambay sa bahay ng kaibigan pero mas maganda pa din ang gumala ng hindi nagpapaalam ng maayos na may kunting palusot.
"Ano yang nilalagay mo." Katrina said and walked beside her.
"Serum, saka yung Ponds Cream Detox... saka ito, sunscreen." Ani Joanna habang naglalagay ng sunscreen.
"Hmp! Ang dami naman. Cream at polbo pa din ako." Sabi nito habang hinahanap ang pabango ng dalaga.
"Dapat wild pretty tayo. Kahit dipera wag dapat pabayaan ang sarili, asset yan." Ani Joanna habang naglalagay ng polbo pagkatapos ay red liptint.
"Wow ang bango ng pabango ko, grabe." Sarkastikong sabi nito na ipinaligo na naman ang pabango sa sarili nito, siya naman ay nag aayos kaonti ng kilay.
"Hahahaha! Ang kapit kasi ng amoy niya e, ang sweet pa ng amoy." Sabi nito at nag spray pa ng isang pabango. "Uy, ano yan?" Katrina pointed at the wax jar and the rectangular box beside it.
BINABASA MO ANG
Rewrite the Star
RomanceWARNING: SPG !! [R-18] NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. IT CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, SENSITIVE TOPICS, ADULT LANGUAGES, BAD HABITS, AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY. PROPER GUIDANCE IS ADVISED! ⚠YOU'VE BEEN WARN...