CHAPTER 11

11 1 0
                                    

"Tangin4 talaga ni Kuya mo, diba sila pa ni Ate Jo?" Mahinang tanong ni Rosanna bago sumulyap sa kakasarang pinto ng kwarto sa paanan nila.

"Sila pa ba nung Birthday ni Tita Mercy?" Dugtong na tanong nito sa katabing si Mykaa habang katabi nito ang bagong boyfriend na kaibigan ng kuya niya at nang dati nitong ex.

"Ewan ko dyan kay Kuya, kakahatid niya lang kay Ate pauwi kanina tapos si Ate Jayne naman inuwi niya ngayong madaling araw."

Silang apat ay nakahiga sa sala habang naglalaro pa ng ML sa madaling araw.

"Siguro break na sila tapos si Ate Jayne naman yung kapalit." Ani Drakeyy habang busy sa screen.

"Oy push na kayo, Lord kami." Sabat naman ni Daven sa tabi ng nobyang si Mykaa.

"Te, asan yung remote lakasan mo yung aircon." Utos naman ni Mykaa. Tanging ang sala lang nila ang may aircon at hindi din sila kasyang apat sa kanyang kwarto dahil maliit lang ito katulad sa kanyang kuya. Kaya mas pinili nilang sa sala sila matulog na apat kesa sa malaking bahay ng Tita niya.

"Napapansin ko din te, siguro mga isang buwan na silang ganyan ni Ate Jayne at parang clueless si Ate Jo. Parang beri trustworthy ang ferson sa kuya mo, nakow!" Ani ni Drakeyy

"Last time kasama ko sila Kuya mo, Kuya Jade at sila kuya Sundalo sa resto-bar tapos ang sweet sweet niya nila akala mo walang jowa si Toks, eh." Dugtong nito.

... Flashback ...

"Doon nalang tayo sa gilid pumwesto, medyo marami na din tao." Bulas naman ni Jade sa mga kasama.

Maingay na paligid, kumukuti-kutitap na mga ilaw at nagsasayang mga tao ang nadatnan nila sa madalas nilang puntahan na sa Resto-bar. Sana'y na ang mga ito sa ganitong sitwasyon, minsan ay matao minsan naman at hindi.

Lumapit agad ang kaibigan nila nang makita sila.

"As usual drinks? Any additional?" Pagkompirmang tanong nito sa grupo.

"Grilled pusit and sisig." Sagot naman ni Gean "Kuya Sundalo" ng grupo.

"Saka pigar-pigar na din." Dagdag ni Michael bago tumingin sa kaharap. "Libre mo naman, dahil kakauwi mo lang galing bundok Mindanao."

Napabaling naman ng tingin ang kaibigang waiter sa resto-bar sa nagsalita at sa katabing babae nito. So bago na naman ang babae.

"Okay. Got it! Wait niyo nalang mga Ma'am and Sir!" Ngumiti ang mga ito bago umalis upang mag prepare ng kanilang order. I wonder kaya hindi ko na nakikitang minamyday niya araw araw these few months. Napailing nalang ito sa naisip. Michael is such a dick.

MASAYANG nagkukwentuhan ang magkakaibigan na tila ba ang tagal nilang hindi nagkita mga tawanang akala mo wala ng bukas at mga mapang asar na tingin ng mga kaibigan.

"Kayo na ba ni Toks?" Biglang tanong ni Kuya Gean.

Mahahalata mo na may mga tama na ng alak ang mga ito dahil sa nakarami na rin sila ng inom. Hindi agad sumagot ang dalawa dahil hindi nila alam ang isasagot at kung ano ang tawag sa relasyon nila.

"Hindi Kuya kaibigan ko lang yan." Maang pagtanggi ng dalaga.

"Ediba may girlfriend ka Toks? Break na kayo?" Ngumiti lang ang ito saka uminom ng alak.

Mga matang nakamasid sakanya at hinihintay ang sagot. Nilingon ito ng dalagang katabi habang siya ay nakatitig lang sa kanyang basong wala ng laman.

Napausmid ito bago sumagot. "Kami pa naman." Walang buhay na sambit ng binata. "Kaso halos wala na siyang masyadong oras sakin, masyado siyang busy ngayon, pero naiintindihan ko naman." Mapakla siyang ngumiti sa mga kaibigan nito.

Rewrite the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon