CHAPTER 5

31 1 0
                                        

"Sige la, irep mo la. Agka makatalos. Paulit ulit!" Pagalit na sabi nito Ama niya sa kausap sa telepono. Sige na, patayin mo na. Hindi ka makaintindi. Paulit ulit!

"Andi, ibabagak labat -" Mahinahong pagsagot naman ng Ina nito. Hindi, sinasabi ko lang naman na -

"Makulit ka. Ambabangil!" Galit nitong putol saka pinatay ang tawag. Makulit ka. Dami mo sinasabi!

Rinig na rinig ng dalaga ang usapan ng magulang niya na nasa sala nila at malakas ang boses na malapit lang sa kwarto nito na ikinais na naman nito.

Bastos ka talaga kahit kailan. Akala mo kung sino makapagsalita. Tapos itong isa naman paulit ulit na ngang sinisigawan lagi niya lang hinahayaan kaya paulit ulit ginagawa. Akala mo magbabango pa, pwede siguro kapag na realize na niya lahat, sa huli lagi ang pagsisisi. Joanna's thought and sighed heavily.

Sana'y na siya sa tuwing tumatawag ang Ina niya mula ibang bansa para kausapin ang Ama, palagi niya lang itong naririnig na sinisigawan ang Ina nito at hindi niya alam bakit siya nagtitiis sakanya.

Aanhin mo yung buong pamilya kung hindi naman maganda trato sayo, mas pipiliin ko nalang ang broken family na may maayos na pag-uusap sa isa't isa.

Bumangon ang dalaga sa pagkakahiga at pumunta sa katabing bahay. Naiinis ito dahil sa narinig niya kanina. Nakita niya ang Lola niya na tinatawag niyang Inang na nagbabaliktad ng damit na tinatrabaho niya para magkapera kahit na kaunti.

Tumutulong naman siya minsan lalo na kapag nagmamadali na ito at napupuyat para lang matapos bago kuhanin ng may-ari.

Isa pa itong Tita ko, hindi niya makita kita mga pangangailangan ng anak niya. Mag iiwan ng pera 2k sa dalawang linggo, hoy! ang tataas na ng mga bilihin kulang na 2k sa dalawang linggo para sa dalawang anak niyo na umaga, tanghali, gabi kumakain tapos hingi pa ng hingi ng pera yung isa hindi naman tinutulungan sa gawain si Inang. 2k nga pero yung 1k pangbayad ng kuryente at tubig nila tapos yung matira allowance ng 2 weeks, tapos nag aaral pa. Hello! Sana okay ka lang. Lalo na naman nadagdagan inis ko!!

"Inang, anong ulam niyo?" Tanong nito saka umupo sa mesa sa gilid ng mga damit na nakapatong sa lamesa habang binabaliktad niya ito para itupi at ipacking.

"Awan. Lames latta. Ana garud nay? Awan masida, awan met kwartak panggatang ko sidain mi! Kurang pay ti imbati na." Wala. Isda na naman. Ano garud ay? Walang maulam, wala din naman akong pera pangbili ng ulam namin. Kulang pa nga yung iniwan niyang pera."

"Palagi naman kulang, di ka na nasanay. Di man lang bumili ng mantika, bawang, sibuyas, toyo, suka, asin at kung ano pa. Puro ikaw nalang." Walang ganang sabi ng dalaga.

Tignan mo kapag ikaw umalis sa bahay nila baka bigla sila mamulibi sa gastos dahil sa mahal na bilihin. Saka para dina hingi ng hingi ng mga condiments sa bahay namin or sa kabilang bahay, nakakahiya kaya yun. Yung nagtatrabaho nga kayong dalawang mag asawa pero mga simpleng kailangan sa bahay niyo dimo makita ni ultimo tirang ulam sa kabilang bahay hihingian ni Inang at ipapakain sa anak niyo. Samantalang kayo lagi masarap ulam. Kumusta naman talaga alaga ng anak niyo ni hindi niyo nga maisama kapag lumalabas kayo, uuwian niyo ng inasal yung tira niyong manok, ni hindi mo nga mabigyan ng pera. Talagang makakaipon kayo ng malaki dyan. Laki ng sakripisyo at gastos ni Inang sainyo. Gigil na sabi ni Joanna sa isip nito.

Nakakabadtrip talaga! Makaligo na nga lang nang makapasok sa trabaho.

Nangmakapasok ito sa kanilang banyo ay nainis na naman ang dalaga, pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng banyo. Isa pa itong CR namin, style pa nung ata to nung 80s, pader na hallowblocks na walang palitada, walang tiles, yung pintuan pa ng banyo pinagtagpi tagping makapal na tela na idinikit sa maliit na pinto kung hindi ko pa nilagyan ng shower curtain tong pintuan edi nasilipan na, pati tong maliit na bintana ng CR naka konekta sa kwartong giniba niya, tapos itong bowl na to balak ng magaling niyang Ama na ilipat sa tapat ng giniba niyang pintuan ng CR. Wala talagang maayos na plano sa bahay nato kaya walang matapos tapos, giba ng giba akala mo naman maraming pera, baun na nga sa utang.

Rewrite the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon