Prologue

413 29 9
                                    

  HE SPENT almost ten minutes fixing his hair in front of the mirror. Hindi naman niya kailangang magmadali dahil alas-sais pa lang ng umaga. Nang hindi pa rin makontento ay naglagay siya ulit ng gel sa kamay at inilagay iyon sa kanyang buhok.

May dahilan ang lahat kung bakit nagpapa-guwapo si Danillo Almanzor lll o Thirdy nang umagang iyon. First day of school kasi at grade six na siya. He was excited kahit hindi bago ang suot niyang uniform. Pinaglumaan lang iyon ng kuya niya.

Natigil lang siya sa pag-aayos ng buhok nang tumabi sa kanya ang Kuya Emerson niya at halos ito na ang pumalit sa puwesto niya sa harap ng maliit nilang salamin. Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon at nasa second year high school na ito.

“Ang tagal-tagal mo,” sabi ng kapatid niya.

Napasimangot si Thirdy. Nakipagsiksikan siya sa kapatid habang inaayos ang buhok. “Ako ang nauna dito, eh.”

Sinuklay niya nang maingat ang buhok. Ang totoo ay ngayon lang naman siya naglagay ng gel sa buhok niya. Kasi naalala niyang grade six din noon ang kuya niya nang ginawa nito iyon. Ang cool kasi tingnan ng kapatid niya kaya ginagaya niya ito.

It was fine for his brother. Minsan nga ay isinasama pa siya nito sa pag-babasketball ng mga barkada nito. Close silang dalawa kahit minsan ay hindi nagkakasundo. They shared secrets na kahit ang mga magulang nila ay hindi alam. He even know whoshis brother’s first kiss.

Siniko siya nito. “Kanina ka pa rito. Nakalahati mo na ang gel, o! Bukas wala na tayong gagamitin.”

Tahimik na lumayo si Thirdy sa harap ng salamin. Hindi sila mayaman at magsasaka lang ang mga magulang niya kaya ultimo pati sa gel ay nagtitipid sila.

“O, ano pa ang ginagawa ninyo diyan?” sabi ng mama niya na bigla na lang sumulpot sa pintuan. “Thirdy, bilisan mo na diyan at kanina pa naghihintay sa 'yo si Shasha.”

Si Sharon o Shasha ay anak ng kapitbahay nila. Nag-iisang babae sa tatlong magkapatid kaya bawal maglakad papuntang school na walang kasama. Nasa high school na kasi ang mga kuya nito at ang high school nila ay nasa bayan na. Wala namang bayad ang pagsabay niya rito, basta ba pahiramin sila nito ng bigas kapag wala na silang masaing. Naghahatid rin minsan ng ulam ang lola nito sa bahay nila.

Shasha’s family was the most generous family he had ever known. Pero hindi sila close ng babae. May pagka-maldita kasi ito. Minsan na siya nitong sinaraduhan ng bintana nang nagtangka siyang sumilip para manood ng Naruto Shipudden sa bahay ng mga ito kasi ang pera na ibibili sana nila ng TV, ibinili nila ng bubong ng kanilang bahay.

Kinuha niya ang kanyang bag, tahimik na naglakad at nagpaalam sa ina bago lumabas. Hindi na niya hinintay ang kapatid kasi sa bayan na rin ito nag-aaral.

Masaya siyang naglalakad papunta sa bahay nina Shasha. Nakita niyang nakabukas ang gate ng mga ito na gawa sa kawayan, like it was welcoming him. Ganoon naman sa probinsiya. Mabibilang lang sa daliri ang bahay na may gate na bakal. Balang-araw, kapag nakatapos siya sa college at nagkaroon ng magandang trabaho, lalagyan din niya ng gate na bakal ang bahay nila.

Napaisip rin siya. Siguro ganoon din ang gusto ni Shasha. Nakakapagod din kasi na palagi na lang nagpapalit ng kawayan na gate. At least kung bakal ang gate ay panghabang-buhay na iyon.

Nakita niya ang lola ni Shasha na nagwawalis. Tumigil lang ito nang makita siya at pagkatapos ay tinawag na nito ang apo. Nasa abroad kasi ang ina ni Shasha at busy naman sa sakahan ang ama nito kaya ang lola nito ang nag-aasikaso rito. At mula nang mag-grade two si Shasha ay palagi niya itong dinadaanan sa bahay ng mga ito para sabay silang pumasok hanggang ngayon na grade four na ito. Noong grade one kasi ito ay inihatid-sundo ito ng ama nito. Pero ngayon ipinapasabay na lang ito sa kanya. Medyo malayo kasi ang paaralan nila at may nadadaanan silang mga kawayan at mga damo kaya mas mainam na may kasama ka sa paglalakad lalo na kung babae ka. Mahirap na baka mapahamak ka, although wala naman siyang nabalitaan na may estudyante na napahamak na sa lugar nila. Pero kung sakali man na may makasalubong sila na masamang-loob, alam naman niya ang kanyang gagawin. Sisipain niya ang panga nito, o kaya ay susuntukin niya ito nang malakas hanggang sa dumugo ang ilong nito katulad ng ginawa ni Naruto kay Gahara.

Nakita niyang lumabas na si Shasha sa bahay ng mga ito. Purong Pinoy naman ang mga magulang nito pero hindi niya alam kung bakit singkit ang mga mata nito. Siguro nagmana sa lola. Nang malapit na si Shasha sa kanya, her lips revealed a bright smile.

“Paano na 'yan? High school na ako sa susunod na taon at wala ka nang kasabay papunta sa school,” kausap niya rito habang sabay silang naglalakad.

“Malaki na ako next year at kaya ko nang maglakad mag-isa,” sabi naman ni Shasha.

Tiningnan niya ito. Mukha itong grade one sa height nito. At mukha rin itong hindi makabasag-pinggan. Ang bagal-bagal nitong maglakad. Kapag may nakasalubong silang masamang loob, maka-capture talaga ito, kasi siyempre kapag mabagal maglakad, mabagal ka ring tumakbo. Ang maganda lang kay Shasha ay maaga itong nagigising kaya maaga rin silang nakakarating sa school kahit mabagal itong maglakad.

“Para kang pagong,” komento niya.

Tiningnan siya nito nang masama. “Ikaw naman para kang timang,” ganti nito. “Ano naman ngayon kung mabagal akong maglakad? Eh, di mauna ka.”

Umismid si Thirdy at binilisan ang paglalakad. Anong timang ang pinagsasabi nito? Sabi kasi ng teacher niya ay matalino siya, kahit hindi siya sumasali sa mga extra-curricular activities sa school nila ay pasok pa rin siya sa top five.

Medyo nagulat siya nang sumigaw si Shasha. “Kapag ako lumaki at bumilis sa paglalakad, hindi mo ako mahahabol! Who you ka sa akin.”

He turned around and crinkled his nose. He doubt it. Hindi nga nito nahabol ang tsinelas nito na tinangay ng agos ng tubig noong naligo sila sa ilog. Well, hindi naman iyon kailangang habulin ni Shasha, marami naman itong tsinelas. Hindi ito katulad niya na kung hindi mabutas ang tsinelas ay hindi papalitan o bibilhan ng bago.

“Isusumbong din kita kay Papa. Akala mo hindi ko alam na ikaw ang nagbabantay ng kalabaw ninyo at pinabayaan mo kaya kinain ang palay namin?” sabi pa ni Shasha.

Nanlaki ang mga mata ni Thirdy. “Sumusobra ka ng pandak ka, a! Bakit ako ba ang kumain ng palay n'yo?”

“Hindi nga ikaw pero ikaw ang nagbabantay sa kalabaw.”

“Eh, di kalabaw ang may kasalanan,” rason niya.

Nakita niyang parang iiyak si Shasha. “P-papa…”

Mabilis siyang lumapit rito. Malalagot siya sa ina niya kapag nagsumbong si Shasha sa ama nito. Ang ina pa naman niya ang klase ng magulang na kahit hindi niya kasalanan ay nagiging kasalanan niya lalo na kapag may nagsumbong.

“Parang hindi ka naman mabiro. Halika na nga. Bilisan mong maglakad. Mali-late na tayo.”

Sumimangot si Shasha. “Ayaw ko!”

Maldita talaga, sa isip ni Thirdy. Binagalan niya ang paglalakad. “Naranasan mo na bang ma-late sa flag ceremony?” tanong niya.

“Hindi pa,” tugon ni Shasha. “At wala rin akong balak maranasan.” Suminghot ito at naglakad na.

Napailing na lang si Thirdy habang pinapanood si Shasha. Batang maliit na may malaking bag sa likod at nagmamadali sa paglalakad habang may bitbit na payong. Sumasabay sa galaw ng katawan nito ang suot nitong paldang uniform. Parang sumasayaw. Parang ang cute. Parang ang sarap panoorin.

HEELS AND BULLETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon