Other Lemons

213 21 5
                                    

“BAKA HINDI ako makapunta rito bukas. Kailangan ko kasing asikasuhin ang bukid,” medyo mabigat sa puso na sabi ni Thirdy kay Shasha nang ihatid niya ito sa boarding house nito.

Nasa labas na siya ng pintuan at parang ayaw nga niyang umuwi. Alas-otso na rin kasi ng gabi at hindi niya dala ang kanyang  motor kaya magko-commute siya pauwi. Nag-message na lang siya sa kapatid na niya sunduin siya nito sa bayan.

“Okay lang. Magiging busy rin naman ako bukas, eh.”

He let out a deep sigh before he cupped her face in his hands and kissed her. Again. Pang-ilang beses na ba silang nag-kiss? At kung mabigat sana ang daloy ng trapiko kanina, baka kada stoplight ay hinalikan niya ito.

“Umuwi ka na nga,” pagtataboy sa kanya ni Shasha nang maghiwalay ang mga labi nila. “Baka masyado kang gabihin sa daan.”

“Parang ayaw kong umuwi. Sana umulan ulit.”

Kung hindi lang talaga kailangan nang araruhin ang kalahati ng maisan niya ay hindi siya uuwi. May mga tauhan na naman siyang kinausap para magtrabaho pero mas mabuti na iyong nandoon siya.

“Hoy! Namimihasa ka na,” sabi ni Shasha. “Sige na. Baka lamukin na ang kapatid mo sa kakahintay sa ‘yo.”

“Ihahatid mo ba ako sa gate?” tanong niya.

Tumawa si Shasha. “Hindi bagay sa ‘yo ang mag-pabebe.”

“Siyempre, ipinanganak ako to be your baby,” hirit niya.

Biglang bumagsak ang ulo ni Shasha sa braso niya. “Hindi ako kinikilig.”

Owws? Hindi daw. Niyakap niya ito. “Pero na-in love ka.”

“Oo na. In love na kung in love.” Umangat ang ulo si Shasha at tumingin ito sa kanya. Mukhang inaantok na ang mga mata.

Sige na nga. Ayaw niya namang magpuyat ito.

“Tatawag ako mamaya kapag nakarating na ako sa bahay.” He assured her.

“Okay. Hihintayin ko. Mag-iingat ka.”

Napangiti si Thirdy. “’Wag kang mag-alala sa akin. Nilulusob ko ang kuta ng rebelde sa Jolo na mag-isa.”

“Sabi ko nga, eh. Magyayabang ka lang.” Pumuwesto na si Shasha sa likod niya at pabiro siyang tinulak.

Nagpatianod na lang siya hanggang makarating sila sa gate.

Nang nasa labas na siya ay pumihit siya at humarap kay Shasha. “Bago ako umalis, sabihin mo muna na mahal mo rin ako.”

“Mahal mo rin ako,” ulit ni Shasha sa sinabi niya. Mabilis nitong naisara ang gate bago pa niya ito napigilan. Tumawa ito pagkatapos.

Aba't marunong na itong mamilosopo. “Humanda ka lang kapag tapos na akong mag-araro.”

“Bye, Third. Ingat.” Tumakbo na si Shasha pabalik sa silid nito.

Napa-iling siya nang isinara na nito ang pintuan. Naglakad lang siya nang kaunti at nag-abang na nang masasakyan. Pagdating niya sa bayan nila ay naroon na ang kapatid niya.

“Mukhang mag-iigib ka na naman ng tubig ng kapitbahay natin, ah,” panunudyo ng kapatid niya sa kanya.

“May electric motor na sila,” aniya bago umangkas sa motor. “Larga na.”

Tumawa ang kapatid niya saka nito pinaandar ang motorsiklo.

Pagdating ni Thirdy sa bahay nila ay nagmistula siyang artista. Lahat ng mga tao ay nasa sala nila, pinagmasdan siya pagpasok niya sa pintuan. Walang nagsalita sa mga ito kahit halata namang may tsismis na gustong malaman.

HEELS AND BULLETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon