Katol-ad mo

152 22 3
                                    

“ANO’NG problema mo, 'Tol?” tanong kay Thirdy ni Genaro.

Biyernes ng umaga at siya ang nagboluntaryo na sumundo sa pamangkin niya sa eskuwelahan dahil wala naman siyang ginagawa. Day off daw ni Genaro at ito din ang susundo sa anak nito kaya nagkita na naman sila.

“Anong problema? Nakakain ba 'yon?” biro niya.

Pero ang totoo ay namomroblema talaga siya kung liligawan ba niya si Shasha o hindi. Worst, he became a stalker.

Noong Lunes ng umaga ay pumunta siya sa bahay ng mga ito pero wala na si Shasha kasi bumalik na sa city. Alam din niya na nagtatrabaho ito sa isang radio station kaya pumunta din siya sa city. Nakita niya si Shasha, naka-heels pero ang bilis maglakad kaya hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na malapitan at maka-usap ito.

Ganoon din ang ginawa niya noong Martes, pero naunahan na naman siya ng kaba kaya hanggang tingin na lang ulit siya. Bakit kasi sa dinami-rami ng babae sa mundo, bakit sa anak ng kapitbahay pa nila na palaging nakasuot ng heels pa siya na-in love? Anak ng ginataang pating! Liligawan ba niya o hindi? Huwag na lang kaya? Ibang-iba na si Shasha at sa tingin niya ay hind siya bagay para dito. He also doesn’t think heels and bullets should mix.

Pero sa isiping hindi mapapasakanya si Shasha, nasasaktan na siya. May bahagi rin sa puso niya na umaasa. Wala naman yatang batas na ipinagbabawal na mahalin ang isang babae na mas mayaman kaysa lalaki. Hindi naman siya siguro mako-Court Martial at madi-discharge.

“'Tol!” tawag sa kanya ni Genaro at may inginuso ito.

Napasunod ang tingin niya sa inginuso nito at nakita niya na may babae na naglalakad sa kalsada. May kasama itong batang lalaki.

The girl was pretty. Maiksi ang shorts kaya kita ang maputing binti.

Tumigil ang babae sa harap nila ni Genaro at nagtanong. “Excuse me, Kuya. Saan po rito puwedeng magpa-load?”

Mabilis na sumagot si Genaro. “Lakad ka lang ng kaunti, Miss. May store diyan sa dulo.”

Ngumiti ito. “Salamat po.”

“Ngayon lang kita nakita rito. Bago ka lang dito?” tanong ni Genaro.

Tumango ang babae. “Taga-Maynila po ako.”

“Talaga? Ito sa Maynila din nagtatrabaho,” sabi ni Genaro sabay akbay sa kanya.

Sira-ulo ka talaga, 'Tol, sa isip ni Thirdy at pinilit na ngumiti.

“Saan sa Maynila?” tanong ng babae.

“Sa Taguig,” sagot niya.

“May condo ang tita ko sa Taguig,” sabi ng babae.

“Okay,” maikli niyang tugon.

“Baka magkita kayo doon. 'Di ba nasa headquarters ka lang ng Navy, 'Tol?” singit ni Genaro.

Nanlaki ang mga mata ng babae. “Sundalo kayo, Sir?”

“Ah, hindi. Driver lang ako,” aniya.

Wala siyang balak sabihin dito ang totoo niyang trabaho. Hindi niya kilala ang babae at baka mapahamak pa siya. Hindi siya judgmental pero mabuti na iyong nag-iingat.

Tumango-tango ang babae at nagpaalam na.

“Ang puti no'n, 'Tol,” tila manghang-mangha na sabi ni Genaro.

“Eh, ano naman ngayon?”

Mas maputi si Shasha kaysa doon. Hindi niya nakita na nagsuot si Shasha ng maiksi pero sigurado siya. Napangiti siya. Naliligo kaya sila dati sa ilog na naka-underwear lang.

HEELS AND BULLETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon