The Number

162 16 11
                                    

“GA-GRADUATE na ako next year. Plano ko rin na magtrabaho na pagkatapos kong gumraduate. Ayaw ko nang magpahinga,” sabi ni Georgina kay Shasha. Bunsong kapatid ito ni Third.

“Ano nga ulit ang course mo?” tanong niya rito.

Ang alam niya ay alam niya kung ano ang course ni Georgina dahil palagi naman silang nagtsismisan sa Facebook pero hindi niya alam kung paano makipag-usap dito ngayon.

“Journalism,” sagot ni Georgina.

“Ahh.” Tumango-tango na lang siya sa kawalan ng sasabihin.

Si Third kasi, nakatingin sa kanya.

Ang totoo ay nagulat siya kanina at nakalimutan niya yatang kumurap nang makita niya ito. Nakatayo sa gilid ng sofa, may hawak na kape. But he looked bigger and taller than the last time she remembered.

Ilang taon ba niya itong hindi nakita? Four years? Five?  Hindi niya matandaan. Hindi rin siya makapag-isip nang maayos. Parang ang sikip ng kusina at mesa, at kahit hindi niya katabi si Third pakiramdam niya ay sobrang lapit nito.

Hindi naman sobrang guwapo si Third. Parang in between handsome and ordinary lang naman, pero malakas ang dating. Ang ganda kasi ng kilay nito. Mas makapal pa ang kilay nito sa kanya. And his eyes. He had the most beautiful eyes paired with thickest eyelashes she had ever seen. Mas makapal pa ang pilik-mata nito kaysa sa kanya at mas makurba. His gaze were piercing, too. Ang mga tingin nito, parang tumatagos hanggang sa kaluluwa niya.

Ang alam niya ay maputi si Third pero medyo umitim na. Dahil sa training siguro. And he was wearing an old shirt that could not hide his muscles. Kaloka. Kailan pa niya naging kapitbahay si Captain America?

“Kahapon lang dumating si Kuya,” sabi ni Georgina. “Ang tagal n'yo ring hindi nagkita, ano? Three times a year lang kasi siya kung umuwi, tapos minsan two times lang kasi 'yong isang break niya doon siya sa girlfriend niya.”

“Anong girlfriend ang pinagsasabi mo?” angal ni Third sa sinabi ng kapatid nito.

“Ewan ko sa 'yo, ay! Bakit nga ba minsan ka lang kung umuwi? Umuwi ka dito isang linggo lang ang stay mo pero isang buwan naman ang bakasyon mo. So, saan ka napunta ng tatlong linggo, aber?” Pinaikot pa ni Georgina ang mga mata nito.

“Bakit hinahanapan mo ako ng bakasyon ko? Ikaw ba hinahanapan kita ng pera na binibigay ko?” tanong ni Third sa kapatid nito.

“Hindi. Pero hinahanapan mo ako ng grades ko,” tugon ni Georgina.

“Natural. Ako ang gumagastos sa pag-aaral mo,” sabi ni Third.

Matulunging kapatid, sa isip ni Shasha at kumain ng cake na hinain ni Georgina.

Siyempre alam na niya iyon dati pa. Matulungin talaga si Third. Ito ang taga-igib ng tubig nila dati, tagasibak ng kahoy, taga-ayos ng bakod...

Noon, kapag tapos na ang gawain sa palayan, kung saan may okasyion sa barangay nila naroon ang ama ni Third kasi magaling itong magluto, kasama nito si Third palagi, sidekick kumbaga. Hanggang sa naging teenager na sila, nakikita pa niya si Third na tumutulong kahit sa pagpapatayo ng masisilungan ng mga nagpupuyat sa lamay kasama ang ama nito.

Sa tingin niya rin kahit reporter na siya, mas sikat pa rin si Third sa barangay nila kaysa sa kanya. She remembered, tumakbo ito noon bilang SK Kagawad, at nanalo ito kahit hindi ito nangampanya. Imagine that!

Saglit siyang natigilan at sumubo ulit ng cake. Bakit nga ba niya iniisip si Third?

“Ay kuya, nasira pala ang radius ng motor mo,” sabi pa ni Georgina.

Narinig niyang nagmura si Third. Sinulyapan niya ito. He looked disappointed.

“Nanghihiram na nga lang, hindi pa iningatan.”

“Natural din na masisira kasi ginagamit. Ikaw naman, bumili ka ng motor, eh, wala ka naman palagi dito. Kakalawangin lang 'yon kapag hindi nagamit.”

Third was so helpful and selfless. Medyo guwapo na nga, mabait pa. He was so hardworking that his siblings could go to school and his family would never go hungry. He would make a perfect boyfriend, kung hindi lang sana ito sundalo…

Iniisip niya kung gaano siyempre ka-bait si Third, ganoon din karami ang girlfriend nito. Kakasabi lang ni Georgina na one-fourth lang ng bakasyon nito ang nakalaan sa pamilya nito at ang three-fourth ay hindi nito alam. But knowing soldiers—not generally— sa babae iyon napunta. Ebidensiya na iyong sa halos limang taon yata na hindi sila nagkita kahit buwan-buwan siyang umuuwi at mga one hundred meters lang ang pagitan ng bahay nila.

“Ano ba ang gusto mong trabaho pagka-graduate mo?” tanong ni Shasha kay Georgina. “Gusto mo ba ng stressful job?” pabiro niyang dugtong.

“Kahit ano na, ate. Pero bago ang trabaho, OJT muna. Pinag-iisipan ko pa kasi kung sa Maynila o dito na lang ako mag-OJT.”

“Okay. Chat na lang tayo,” sabi niya nang mapansin na nakatingin at nakikinig na naman si Third sa kanila.

“Kapag nag-chat kayo, isali n'yo ako,” sabi ni Third. “Group chat dapat.”

“Saan ka nakakita ng group chat na tatlo lang ang member?” tanong niya.

“Eh, bakit parang ayaw mo?” tanong din ni Third.

Pakiramdam tuloy ni Shasha nagdududa si Third sa kanya na parang may balak siyang ipahamak ang kapatid nito sa trabaho.

“Mukha ba akong masamang tao?” react niya.

“Hala. Wala akong sinabing gan’on. Siyempre ako ang gagastos diyan sa kapatid ko kaya dapat alam ko ang mga plano niya sa buhay,” sabi ni Third.

May punto naman ito pero…

“Pero kung ayaw n'yo akong isali, okay lang naman. Tatawagan na lang kita para tanungin kung ano ang pinag-usapan ninyo. Pahingi ako ng number mo.”

Tinitigan niya si Third. Ngumiti naman ito sa kanya. He looked sincere naman. Alangan na pagtrip-an siya nito eh, magkapitbahay lang sila.

Kahit na pinagti-trip-an siya nito noon, hindi naman siya papayag na gawin nito ulit ang ginawa nito dati. At concern lang naman ito sa kapatid nito. Sa kabila ng kakulangan ng mabuting kapitbahay sa mundo, babawasan pa ba niya iyon?

So she gave him her number. At kinabahan siya nang mapansing pangiti-ngiti si Third. Naman!

Parang may binabalak ang luko-luko.

HEELS AND BULLETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon