Morning Calesthenics

179 20 10
                                    

HINDI makapaniwala si Thirdy. Everything was bagged and tagged and sent to police station.

Pagkatapos niyang madis-armahan ang isang lalaki ay may isa pang bumaba at walang habas na nagpaputok. Hindi niya alam kung adrenaline niya iyon o muscle memory dahil sa paulit-ulit na training nila sa close combat at kung paano dis-armahan ang kalaban but he managed to dodge the bullets that were never aimed at him but going his way.

Mas mabilis pa sa pagkurap niyang tinapik  ang dulo ng shotgun, umikot siya at tinamaan ng mga kamay niya ang balikat, leeg at braso ng lalaki ay na-disorient na ito. Kung nagmatigas pa ito baka nasipa pa niya ng dalawang beses ang sikmura nito.

Mabuti na lang dumating din kaagad ang mga pulis na tinawagan ni Shasha. Pero ang supposed to be first date nila ni Shasha ay dumeretso sa police station. Good thing, dahil hindi sa emergency room ng ospital.

Also, the shotgun and gunshots were not enough to make Shasha behave like a child afraid of the dark. It seemed like she was used to perils. Ni hindi nga ito nagtago nang may putukan na.

Simpleng hindi pagkakaintindihan lang sana ng mga motorista iyon pero may putukan na nangyari kaya pati TV station ay nakialam na. Trending pa yata sa Facebook.

Ayon sa matandang lalaki na driver ng SUV ay nagpumilit na lumusot ang armored car na mukhang entitled kaya nabangga nito ang likuran ng SUV. Bombero, ambulansiya at may emergency lang naman ang puwedeng maghari sa daan. Those guys need re-training.

“It’s first smart thing you did,” sabi sa kanya ni Shasha. Gusto pa siyang interview-hin. Agay!

“Off the record. Camera shy ako eh,” aniya.

Parang ayaw pa pumayag ni Shasha pero wala naman itong nagawa.

“I’m not pressing any charges. Alam ko naman kung magkano ang sahod nila,” sabi niya kay Shasha nang tanungin siya nito dahil huling-huli sa camera ang lahat. Nag-sorry na rin naman ang lalaki na ngayon ay tahimik na nakaupo dahil ayaw magbigay ng komento. “At saka bakit pati ako nadamay? Ayaw ko ng mga media-media.”

Parang naintindihan naman siya ni Shasha kaya hindi na ito nangulit pa. Pati ang mga TV reporter at pulis ay tinimbrehan din nito kaya hindi na siya nilapitan.

Lumabas na lang siya sa police station. Mukhang matatagalan pa ang trabaho ni Shasha dahil kanina pa nito tinatawagan ang company ng sangkot na security agency para kunin ang side ng mga ito sa nangyari pero wala namang tugon.

Naisip ni Thirdy na may tinatago ang agency. Wala naman sana siyang pakialam doon pero love life niya ang nakasalalay kaya naiinis siya. Pakiramdam nga niya sinabotahe ang first date nila ni Shasha.

Napatingin si Thirdy sa suot na relo. Alas singko na ng hapon. Ilang oras na ang nasayang.

“Third, pasensiya ka na, ha? Hindi ko ini-expect na ganito ang mangyayari,” apologetic na sabi ni Shasha nang lumabas ito.

“Dapat kasi hindi ka na nakialam sa kanila,” sabi niya rito.

Ayaw niya sanang magalit pero sa tingin niya ay masyadong careless si Shasha. Hindi ito nag-iisip at sugod lang nang sugod. Para itong lumusob sa giyera na cell phone lang ang bala. Paano na lang kung wala siya? Paano na lang kapag naulit ang nangyari at nasa malayo siya?

Shasha drew a deep breath. “You had the right to get angry about what happened, but I can handle myself.”

“I’m not betting your life on that,” sabi niya.

Wala siyang naaninag na bakas ng takot sa mukha ni Shasha kanina pero gusto niya pa rin itong protektahan.

“Wala namang nangyari sa akin,” giit ni Shasha. “Masyado kang kabado.”

HEELS AND BULLETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon