Dating the Attraction

156 16 9
                                    

“GOOD MORNING.”

Kinusot ni Shasha ang mga mata at hindi napigilan ang sarili na humikab. Nanatili siyang nakahiga at inunat ang katawan. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakita niya si Third na nagtutupi ng kumot.

“Anong oras na ba?” tanong niya rito.

“Alas kuwatro pa lang. Pasensiya na, nasanay lang ako na gumising nang maaga.”

She got up and rushed to the comfort room to detoxify. Napalakas yata ang aircon kaya alas kuwatro pa lang ay ihing-ihi na siya. Naghilamos din siya at nag-toothbrush.

Paglabas niya ay nakita niya si Third na inaayos ang mga unan.

“Naka-init na rin pala ako ng tubig. Pasensiya ka na pinakialaman ko ang kusina mo,” sabi ni Third.

Sandaling na-disorient si Shasha. Napahagod siya sa kanyang buhok at pilit inalala kung saan siya banda kanina bumangon. Parang sa gilid ng kama yata? Hindi siya sigurado. Eh, sa pinakadulo sa left side ang puwesto niya paano siya napunta sa...

“Sorry talaga. Sabi ko nga na hindi dapat ako nakialam sa kusina mo.”

Napatingin siya kay Third. “It’s okay. Make yourself at home.” Kumuha siya ng ponytail sa drawer at itinali ang kanyang buhok. “An'ong gusto mong breakfast? Gusto mo ba ng itlog, bacon, ham?”

“Ayos na ako sa tinapay lang,” sagot ni Third.

Binuksan niya ang refrigerator at inilabas ang isang balot ng tinapay. “May biscocho din dito, Third, baka gusto mo. May bawas na nga lang.”

“Kahit ano na. Kahit expired yata basta walang amag kakainin ko pa rin.”

Natawa si Shasha. Sobrang payat talaga ni Third noon na mukha itong nagutom ng dalawang taon pero ngayon, ang laki na ng ipinagbago nito. Siguro kung ano-ano na ang kinakain nito. Dito na rin nga mismo nanggaling na kahit expired ay hindi nito pinapatawad. Kahapon nga sa birthday party ay kumuha ito ng spaghetti pero kumuha rin ito ng kanin.

“Mayroon ako ditong Crumpy Hazelnut Spread. Gusto mo ba ‘to?” Inilapag niya sa mesa ang tinapay at palaman.

Hindi sumagot si Third at nakatingin lang ito sa mesa kaya medyo nataranta si Shasha.

“Ahm, may crunchy din doon kung ‘yon ang mas gusto mo,” sabi niya.

“Ayos na ‘yan. Mukhang masarap naman. Katulad din ‘yan sa peanut butter, ‘di ba?”

Simple lang naman ang tanong ni Third pero hindi iyon nasagot ni Shasha. Bumalik siya sa ref at binuksan ulit iyon. Peanut butter ang gusto ni Third at wala siya niyon. Ano ang ipapakain niya sa maka-mundo pero magiting na sundalo na ito?

“Sorry, wala akong peanut butter. Pero maaga pa naman. Kung gusto mo ipagluto na lang kita ng breakfast.” Tumuwid siya nang tayo at bumaling kay Third na binabasa yata ang nutrition facts ng palaman.

“Pwede rin.” Tumingin si Third sa gawi niya at nagtama ang kanilang mga mata. “Mamahalin yata ‘tong palaman mo. Tig-singkuwenta lang kasi ang kilala ko.”

Ngumiti siya. “Binigay lang sa akin ‘yan.”

Inilapag ni Third ang palaman. “Alam mo, marami din minsan ang nagbibigay ng pagkain sa amin ng mga tropa ko. Iyon nga lang, kain lang ako nang kain kahit hindi ko kilala ang pagkain na ‘yon.”

Tumalikod si Shasha at napangiti habang ini-imagine si Third na kain nang kain ng pagkain na hindi nito kilala. Parang ang cute nito kahit masyadong matapang ang features ng mukha nito. At kung palagi niya itong nakikita, baka mahulog na ng loob niya rito. Noon siya may naalala.

HEELS AND BULLETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon