Torpe

205 16 2
                                    

“PAANO MO naman nalaman na siya na nga?” tanong kay Thirdy ni Leon na kasalukuyang nagduduyan sa ilalim ng puno ng mangga.

Wala kasing masyadong signal sa loob ng bahay nila, at kailangan mo pang lumabas kung may tatawagan ka.

Halos isang oras na rin siya sa ilalim ng mangga dahil pagka-alis ni Shasha ay naging stalker siya nito sa Facebook. At natuklasan niyang wala itong boyfriend. Para makompirma kung totoo, tinanong niya ang kanyang ina. Sabi nito, “Wala.”

“Basta alam ko, sad,” tugon niya.

Suddenly, he had a fleeting memory of a pale pink lips habang kumakain si Shasha kanina ng cake. He envied the fork. Sana tinidor na lang siya.

“Baka lolokohin ka rin niyan. Isang araw ka pa nga lang diyan inlab ka na agad?”

“Rest assured na hindi ako lolokohin nito,” giit niya. He was sure of it. Si Shasha ang tipo ng babae na tingin niya ay takot na makagawa ng mali. Kung makagawa man, may malalim na rason iyon kung bakit nito iyon ginawa. Justified. “Kapitbahay ko, eh,” medyo mahina niyang dugtong.

Narinig niya ang malakas na tawa ni Leon. “Gino-good time mo ba ako?”

“Siguro nga nanggo-good time lang ako. Hindi pa nga ako asawang-asawa, eh,” sarkastikong aniya sa kausap.

“Kapitbahay talaga? Sad naman. Na-deploy ka na sa Mindanao, sayang ang laki ng mundo kung ang makatuluyan mo lang ay kapitbahay mo.”

May punto si Leon. Nagka-girlfriend na siya ng taga-Luzon at Mindanao. May taga-Visayas rin pero taga-region six iyon.

“Pero paano kung wala sa malayo ang destiny ko?” tanong niya.

“Naks! Destiny agad?” Tumawa si Leon.

Sira-ulo talaga. Pero dahil kailangan niya ng tulong ni Leon, pinatawad niya kaagad ito.

“So, paano ba manligaw sa kapitbahay?” tanong niya.

Medyo nahihiya kasi siya. Lalo na nang maalala kung ano ang mga pinag-gagawa niya dati kay Shasha noong mga bata pa sila.

“Ligawan mo muna ang mga magulang,” sabi ni Leon.

“Ngek! Mas nakakahiya naman 'yon.”

“Parang hindi ka sundalo. Kung ayaw mo, maghanap ka na lang ng iba.”

Napakamot si Thirdy ng ulo. Kung hindi tungkol sa trabaho, simple lang ang solusyon ni Leon sa mga problema nito sa buhay. Tanggalin, iwasan, kalimutan o kaya ay iwanan. Pero iba naman siya kay Leon.

Lumaki siya na mahirap ang buhay kaya kapag may gusto siyang gawin ay ginagawa niya kahit impossible iyon at komplikado sa unang tingin. May ex-girlfriend nga siyang degree holder kahit na siya ay hindi nakapagtapos sa college. Noong una ay nag-alinlangan siya na ligawan pero sinubukan niya pa rin. Sinagot naman siya. So what’s the difference between then and now? Simple lang ang sagot. Si Shasha. Pero mahirap ipaliwanag. He hang up the phone at bumalik sa loob ng bahay nila.

“Ano’ng ulam natin, Ma?” tanong niya sa ina na kasalukuyang nagpapakulo ng tubig.

“Tinolang manok. Ang kaso namatay na ang tanim nating malunggay. Wala ka bang gagawin?”

“Wala naman po.” Ganoon talaga kapag umuuwi siya sa kanila, nagluluto ang ina niya ng masasarap na ulam.

“Humingi ka ng malunggay kina Shasha.”

Sumikdo bigla ang dibdib niya. “Sige, Ma. Maliligo lang ako.”

“Hihingi ka lang ng malunggay maliligo ka pa?” nagtatakang tanong ng ina niya.

HEELS AND BULLETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon