HHTM - 8

58 5 0
                                    

YVAINE'S P.O.V

Patuloy pa rin sa pag sigaw si Ate Vicky at nag simula namang mag patay bukas 'yung mga ilaw.

*BANG!*

Putok ng baril, binaril no'ng isang lalaki si Ate Vicky kaya tumigil ito sa pag sigaw at bumagsak ang katawan n'ya sa sahig kaya tumigil na ang pag patay bukas ng mga ilaw.

"Tama na!" Sigaw ni Hillary.

"Tumahimik ka!" Sigaw nung Isang lalaki kay Hillary at tinutukan s'ya ng baril.

"Ibaba mo 'yan!" Sigaw ni Jed doon sa lalaki.

"Isa ka pa! Babarilin ko kayong lahat dito!" Sigaw ulit no'ng lalaki.

"Ano bang kailangan n'yo? Bakit kayo nandito?" Pagtatanong ni Bree.

"Ganito ah, hindi ko alam kung anong gulong nangyayari sa inyo dito pero ibigay n'yo lahat ng mga pera n'yo sa'min." Sabi nung lalaki.

"Wala kaming pera, kuhain n'yo na lahat ng gusto n'yong kunin dito sa bahay!" Sigaw naman ni Bree.

Nagulat na lang kami ng biglang sinugod ni Jed 'yung isa sa mga lalaki at sinuntok kaya agad nitong nabitawan 'yung baril.

"Yung baril!" Sigaw ni Bree at agad naman 'yung kinuha ni Nate at itinutok doon sa isang lalaki at agad na ipinutok na ikinagulat namin.

Natamaan 'yung lalaki sa dib dib kaya agad itong tumumba. Nawalan naman ng malay 'yung lalaking sinuntok ni Jed.

"Yung mga baril nila kuhain n'yo." Sabi ni Hillary.

Agad namang lumapit si Bree kay Irina.

"Patay na s'ya." Sabi ni Bree.

"Ano nang gagawin natin?" Natatarantang pagtatanong ni Hillary.

"Gusto ko ng umuwi." Si Carol.

"Paano nalaman ng mga lalaking 'yan 'tong lugar?" Pagtatanong ni Jed.

"Si Fred." Sabi ni Matt kaya napatingin kami kay Fred.

"Ano? Si Fred?!" Si Bree.

"Oo, si Fred ang may kasalanan, nakita ko 'yung message nila, sila 'yung pinapunta ni Fred." Sabi ni Ryo.

Agad namang tinutok ni Nate 'yung baril kay Fred.

"T-teka lang, mag papaliwanag ako." Sabi ni Fred pero laking gulat na lang namin ng may bumaon na itak sa ulo ni Fred at agad namang nag labasan 'yung mga dugo dito.

"Haha.... Hahaha... Hahahahahah." Tawa ni Revecca na nasa likod ni Fred.

Paanong na punta s'ya doon? Hindi namin s'ya namalayang nawala. Patay na si Revecca, may tama na ng baril 'yung ulo n'ya pero ito nakakatayo pa rin s'ya at nagawa pa n'yang tagain sa ulo si Fred.

May ibang kumukontrol sa katawan n'ya.

"R-revecca..." Natatakot na sabi ni Bree.

Sobrang higpit naman ng hawak ni Carol sa braso ko.

Biglang hinugot ni Revecca 'yung itak sa ulo ni Fred at agad namang bumagsak si Fred sa sahig.

"Hihihi... Hindi na kayo makakaalis ng buhay dito!" Nakangising sabi ni Revecca at nakakatakot 'yung itsura n'ya.

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

Pinag babaril ni Nate 'yung katawan ni Revecca hanggang sa maubos ang bala nito. Agad namang tumumba si Revecca at nabitawan n'ya 'yung itak.

Dali dali namang kinuha ni Jed 'yung baseball bat at agad n'yang pinag hahampas sa ulo si Revecca ng paulit ulit hanggang sa madurog ang mukha nito at hindi na maitsurahan.

"AAAAAAHHHHHH! TUMIGIL KA NA!" Sigaw ni Jed at patuloy pa rin sa pag hampas sa ulo ni Revecca.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Tama na Jed!" Sigaw ni Bree kaya naman napatigil si Jed.

"Sinigurado ko lang na patay na s'ya." Sabi ni Jed.

"K-kailangan na nating umalis dito." Sabi ni Carol at naiiyak na.

"Kasalanan mo 'to Bree eh! Kung hindi mo sana kami dinala rito at hindi mo kami pinilit na pakealaman 'yung salamin edi sana hindi na aabot sa ganito!" Sigaw ni Hillary.

"H'wag na kayong mag sisihan, mamatay tayong lahat dito." Sabi ni Jhiro.

"Patay na si na Revecca, Irina, si Fred at si Ate Vicky, natatakot na'ko!" Sabi ni Carol.

"May kumukontrol sa mga katawan na kung ano." Sabi ni Ryo.

"Ano nang gagawin natin?" Pagtatanong ni Yroh.

"Umalis na tayo rito, ayokong mamatay dito." Sabi naman ni Madison.

"T-tingnan n'yo 'yung lalaki." Turo ni Hillary doon sa lalaking binaril ni Nate.

May kamay na lumalabas sa dib dib nung lalaki kung saan s'ya nabaril ni Nate at ang haba ng kuko n'ya.

"A-ano 'yan?" Mahinang tanong ni Bree at laking gulat na lang namin ng bigla lumabas na ng buo 'yung na sa loob ng dib dib nung lalaki.

Isang babae.

Nakakatakot 'yung mukha n'ya at nakangiti s'ya habang nakatingin sa'ming lahat.

Kulubot na 'yung balat n'ya at nakakatakot 'yung itsura n'ya, sira sira 'yung mga damit n'ya at ang haba ng buhok n'ya.

"Gusto n'yo bang mag laro?" Nakangiting pag tatanong n'ya at tinitigan n'ya ako.

"Y-yvaine..." Banggit nito sa pangalan ko na ikinagulat ko, paano n'ya nalaman 'yun.

Natatakot ako.

"Anong nangyayari?" Pagtatanong nung lalaking sinuntok ni Jed at laking gulat na lang namin ng biglang baliin nung babae 'yung leeg nung lalaki.

"Maganda ba ako?" Pagtatanong n'ya sa'min pero wala ni isang sumagot sa'min.

"Tinatanong ko kayo!" Sigaw nito na ikinagulat namin.

"Bakit mo ginagawa 'to?" Pagtatanong ni Bree.

"Ang tagal ko ng hindi nakakapatay at ang laki ng pasasalamat ko sa mga kaibigan mo pero kailangan n'yo pa ring mag bayad dahil kinulong n'yo ako sa salamin ng sobrang tagal." Galit na sabi nito.

"Hindi namin alam ang sinasabi mo, kaya pwede bang tumigil ka na." Sabi ni Bree.

"Titigil lang ako pag patay na kayong lahat dito kaya simulan n'yo nang mag tago." Sabi nito at tumawa.

"Isa."

"Dalawa."

Nag bibilang s'ya at tinitingnan n'ya kami isa isa.

"Tatlo."

"A-apat"

"Lima."

Agad namang tumakbo si Madison kaya sumunod na rin si Hillary.

"Anim."

"Tara na Yvaine." Sabi ni Carol at dali dali naman kaming tumakbo paalis doon at nag sunuran naman sila.

"Kailangan nating mag tago." Sabi ni Yroh na nakasunod sa'min.

"Sa kwarto." Sabi ni Carol at agad naman kaming pumunta doon.

Agad kaming pumasok ni Carol sa ilalim ng higaan. Sa kabilang higaan naman pumasok si Yroh.

"H'wag kang maingay." Mahinang sabi ko kay Carol.

Maya maya pa napakinggan naming dahan dahang bumukas 'yung pinto at may pumasok dahil kita namin 'yung paa nito.

"Tulungan n'yo ko." Isang pamilyar na boses.

Si Bree.

"Si Bree 'yun." Mahinang sabi ni Carol at umiling naman ako, napatakip na lang ng bibig si Carol.

May dugo 'yung paa nung pumasok dito, pero si Bree naka suot ng tsinelas.

Hindi si Bree 'tong na sa loob ng kwarto.

ITUTULOY

Haunted House 3: The Mirror (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon