YVAINE'S P.O.V
Sa ilang oras na byahe ay nakarating na rin kami, palubog na ang araw at ang laki nga ng bahay ni na Bree.
Binuksan na nga nung babaeng caretaker yung gate at pinasok na ni Jhiro itong van na sinasakyan namin at pinark na n'ya 'yun sa loob.
"Tara na bumaba." Si Bree at excited na excited na.
Hanggang sa tuluyan na kaming nakababa at nasa harap na kami ng bahay ni na Bree, ang laki ng bahay nila. Puro gubat din sa paligid kaya ang creepy.
"Hindi ba 'yan haunted house?" Natatawang pag tatanong ni Nate.
"May nakita ka bang multo? Wala naman 'di ba?" Si Bree.
"Ayun oh may nakasilip sa bintana." Pananakot ni Kyzo.
"Tumigil nga kayo." Si Bree.
"Guys tulungan n'yo kong kuhain 'tong mga foods." Si Matt kaya tinulangan s'ya ni na Jed.
"Hi Yvaine, hi ka sa vlog." Si Jhiro na ikinagulat ko kaya naman nag hi ako.
"Tara na pumasok sa loob." Si Bree kaya sumunod kami sa kan'ya, pagka apak na pagka apak ko sa sahig ng bahay na 'to ay may kakaiba na akong naramdaman. Ang lamig ng paligid at ibang iba ang pakiramdam ko dito sa loob. Parang may nakatingin sa kung saan.
"Te Vicky, paki ayos nga po no'ng mga food sa table, thank you po." Utos ni Bree doon sa babae.
"Tara sa taas sumunod kayo sa'kin, doon yung kwarto nating mga girls, hiwalay tayo sa room ng boys." Si Bree.
Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid at yung ibang mga gamit dito ay natatabunan pa ng mga kurtina.
"Wag mo na 'yang pansinin Yvaine, 'di pa kasi naaayos eh." Si Bree.
Hanggang sa nakarating na kami sa kwarto ata binuksan naman ni Bree yung ilaw.
Ang daming bed.
"Omg ang dami n'yong bed dito." Si Hillary.
"Ako sa dulo ha." Si Madison.
"Ang lawak ng kwarto at ang ganda, ang linis pa." Si Irina.
"Akala ko madumi sa loob, sorry jinudge ko kaagad, mukhang marumi sa labas eh." Si Revecca kaya natawa si Bree.
"Sa labas lang talaga gano'n, araw araw namang nililinis 'tong house kaya malinis." Si Bree.
"Tapos pang bisita talaga namin 'tong kwarto, like may mga kamag anak kaming pupunta dito sila mag k-kwarto, madami namang bed eh, meron pa nga sa kabila doon na lang yung mga boy's." Sabi ni Bree.
"Pansin ko lang ha, ang dami n'yong salamin dito, ang gaganda pa." Sabi ni Carol kaya napatingin kami sa kan'ya.
"Oo nga, sa baba ang dami." Si Irina.
"Gustong gusto kasi ni Mama eh." Si Bree.
Bigla namang nag salita si Nate at tinawag na kami.
"Kakain na raw." Sabi ni Nate.
"Oo na alis, room 'to ng mga girls." Si Bree at umalis naman si Nate ng nakangiti.
"Siraulo." Si Irina.
"Sinabi mo pa." Si Madison.
"Tara na kumain sa baba, nagugutom na ako." Si Revecca kaya naman bumaba na kami.
Sa baba.
"Ate Vicky sumabay na po kayo sa'min kumain." Si Bree.
"Ah mamaya na po ma'am, nakakahiya naman po." Si Ate Vicky at tumingin sa'kin kaya nginitian ko s'ya, ngumiti rin naman s'ya pabalik.
BINABASA MO ANG
Haunted House 3: The Mirror (COMPLETED)
TerrorNag planong mag reunion ang mag kakaibang may pinag kakaabalahan at busy na sa kanilang mga buhay, busy sa kanilang mga trabaho at sa iba pa. Pero hindi nila inaasahan ang mga mangyayari sa muli nilang pag kikita dahil magiging madugo ito, dahil sa...