HHTM - 10

53 6 0
                                    

A/N:

Hello, kumusta na kayo? Ang tagal na nung last update ko, sorry huhu:(

Busy kasi ang daming ginagawa, malapit na kasi graduation namin eh, pero ito tinapos ko na hanggang last chapter, Enjoy reading! Thankyousomuch po!

BREE'S P.O.V

Mag kakasama na kami ngayon, si na Jhiro, Kyzo, Nate, Jed, Madison, Hillary at ako.

"Ako na gagamit n'yang shotgun." Sabi ni Nate at ibinigay naman 'yun ni Madison.

"Marunong ka pala gumamit n'yan." Sabi ni Jhiro.

"Ipuputok lang naman eh." Sabi ni Madison.

"Ano nang gagawin natin ngayon? Saan na tayo pupunta?" Pagtatanong ni Hillary.

"Hanapin natin si na Yvaine." Sabi ko naman.

"Hindi, kailangan na nating umalis dito, ayoko pang mamatay... Hindi tama 'tong ginagawa natin, pinapatay natin 'yung mga kaibigan natin." Si Hillary.

"Mamatay tayong lahat dito kung hindi natin sila lalabanan." Si Madison.

"Tama si Madison, hindi na sila 'yung mga kaibigan natin, kinokontrol sila nung babaeng evil na 'yun." Sabi ko naman.

Nagulat na lang kami ng biglang sumarado ng sobrang lakas lahat ng pinto.

Bumangon 'yung katawan ni Irina, durog na yung kalahati ng mukha n'ya at ulo.

"B-buhay p-pa rin... s-sya." Nauutal na sabi ni Hillary.

"Hindi na kayo makakaalis dito ng buhay bago sumikat ang araw, tuluyan na akong makakalaya pag napatay ko kayong lahat." Nangiti pa rin nitong sabi.

"Shut the fuck up!" Sigaw ni Nate at binaril ulit sa mukha si Irina kaya tuluyan na itong tumumba.

"Fuck." Si Kyzo.

"Kailangan na nating gumawa ng paraan para makaalis dito, hanapin natin si na Yvaine." Sabi ko naman.

"Kailangan natin ng armas pang laban sa kan'ya." Sabi ni Hillary.

"Pumunta tayo sa kusina." Sabi ni Jed at agad naman kaming pumunta doon, sobrang kalat. Wala na rin 'yung katawan ni Fred dito.

"Kuhain n'yo 'yung pwede n'yong magamit laban sa babaeng 'yun." Sabi ni Jhiro.

Nagulat na lang kami ng biglang dumating si na Yvaine, Carol, Yroh, Ryo at Matt.

Duguan si na Yvaine at Yroh.

"Anong nangyari?" Pagtatanong ko kay na Yvaine.

"Sinubukan n'ya kaming patayin gamit 'yung katawan ni Irina, nakita pala namin 'yung katawan ni Irina doon." Sagot naman ni Yvaine.

"Kailangan na nating umalis dito." Sabi ni Yroh.

Agad kaming lumabas ng bahay dali dali kaming tumakbo papunta sa may gate pero nakasarado ito.

"Ano nang gagawin natin? Hindi na tayo makakaalis dito." Si Carol.

"Aakyat tayo sa bakod, pag nakaalis tayo rito tatawag tayo ng tulong." Sabi ni Kyzo.

"Hindi ko kayang umakyat sa taas ng bakod na 'yan." Sabi ni Hillary.

"Gusto ko ng umalis dito." Dugtong pa ni Hillary.

"Ano nang gagawin natin?" Si Carol.

"Mag hiwa-hiwalay ulit tayo, mag hanap kayo ng daan na pwede nating labasan, kung sinong makakalabas humingi agad ng tulong." Sabi ni Jed.

Haunted House 3: The Mirror (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon