YVAINE'S P.O.V
Bumalik kami sa loob ng bahay at nakita ko 'yung katawan ni na Jhiro at Jed, hindi rin sila nakaligtas.
Papunta na kami sa basement, nauna na ngang bumaba si Matt at laking gulat na lang namin ng makita namin si Bree, Madison at Hillary.
Gulat na gulat naman si Bree ng makita kami, agad s'yang lumapit sa'kin at tinuro si Madison.
"Anong nangyari sa kan'ya?" Kunot na pagtatanong ni Matt, agad naman akong lumapit kay Madison at tiningnan 'yung tyan.
Ang laki na ng tyan n'ya at may gumagalaw sa loob nito.
"Paano nangyari 'yan?" Pagtatanong ko sa kanila.
"Hindi namin, alam bigla na lang nag kaganyan kanina." Sabi ni Bree.
"Yvaine akin na 'yang kamay mo." Si Matt at agad na lumapit sa'kin, kinuha n'ya 'yung kamay ko kung saan ako may saksak at nilagyan n'ya 'yung ng tela at pinaikot sa buong kamay ko.
"Sinong may gawa n'yan? Alam kong 'yung babae pero kaninong katawan 'yung gamit n'ya?" Pagtatanong ni Hillary.
"Carol, Kyzo." Sagot ko.
"Bwiset na babaeng demonyo na 'yun, papatayin ko s'ya ng paulit paulit hanggat hindi s'ya nawawala." Dugtong ko pa.
"Nasaan na pala sina Jhiro?" Pagtatanong ni Bree.
"Patay na sila." Sagot ko.
"Kay Nate na lang ang gamit na katawan nung babae." Sabi ni Matt.
"Iiwanan ko muna kayo rito, hahanapin ko sina Ryo at Yroh, para sabay sabay tayong makalabas dito." Dugtong pa ni Matt.
"Alam mo na kung saan 'yung daan palabas?" Pagtatanong ni Hillary.
"Oo, ituturo ko mamaya pag balik ko." Sabi ni Matt.
"Mag iingat ka Matt." Sabi ko kay Matt at nginitian naman n'ya ako bago s'ya tuluyang umalis ng basement.
"Anong meron sa inyo? Kayo na ba?" Pagtatanong ni Bree.
"I'm sorry hindi ako nag sabi kahit kanino sa inyo, ex boyfriend ko si Matt." Sabi ko na ikinagulat nila.
"Totoo ba? Bakit hindi kayo nag sabi? Anong nangyari? Bakit kayo nag break? Bakit wala man lang kaming alam sa inyo?" Tad tad na pag tatanong ni Bree sa'kin.
"AAAAAAAHHHHHHHH! Y-YUNG TYAN K-KO!" Daing ni Madison.
"Anong gagawin natin?" Pagtatanong ni Hillary.
"Wala na tayong ibang choice kundi hiwain 'yung tyan ni Madison." Sagot ko.
"Kailangan nating maalis 'yang demonyong na sa tyan n'ya." Dugtong ko pa.
"Sinong gagawa?" Sinong hihiwa sa tyan ni Madison?" Pagtatanong ni Bree.
"Ako." Sagot ko.
.
.
.
.YROH'S P.O.V
Ano na kayang nangyari sa kanila, puro putok na ng baril ang naririnig namin ni Ryo dito.
"Tapos ka na ba d'yan?" Pagtatanong ko kay Ryo.
Nilalagyan n'ya kasi ng mga pako 'yung kahoy na baseball bat.
"Malapit na, pag natapos ko 'to lalabas ako, titingnan ko lang kung anong nang nangyayari, tapos babalikan kita rito." Sabi ni Ryo.
"Sure ka? Samahan na lang kaya kita." Sabi ko naman.
"Okay lang ako, mas mabuti kung dito ka na lang muna." Sabi naman ni Ryo.
"Pero- " Sabi ko pa pero biglang nag salita ulit si Ryo.
"H'wag ka ng makulit Yroh." Sabi ni Ryo na ikinagulat ko.
Bakit ang protective n'ya.
"Dapat ko na sigurong sabihin sayo Yroh, kung mamatay man ako ngayong gabi dapat malaman mong gusto kita." Sabi ni Ryo na ikinagulat ko.
Seryoso ba s'ya?
"Hinalikan kita nung gabing may binabalak sayo si Nate." Sabi pa ni Ryo na lalo kong ikinagulat.
Anong sasabihin ko?
Bakit straight to the point s'ya.
"Tatanggapin ko kung ire-reject mo'ko ngayon." Sabi pa ni Ryo at agad akong lumapit sa kan'ya at hinalikan s'ya.
Kita naman sa mga mata n'yang gulat na gulat s'ya. Nag halikan kami ng ilang segundo hanggang sa itingil ko 'yun.
"Ayaw na kitang paalisin Ryo." Sabi ko sa kan'ya.
"Babalikan agad kita rito, promise." Sabi ni Ryo at niyakap ko naman s'ya.
"Mag iingat ka." Sabi ko at hinalikan naman n'ya ako sa noo. Hanggang sa tuluyan na s'yang lumabas.
Pumunta naman ako sa cr para tingnan 'yung hiwa sa leeg ko, ang sakit pa rin nito. Pag kalabas ko naman ng cr napansin kong basa 'yung sahig.
Hanggang sa naramdaman kong may sumabunot sa buhok ko sa likod at malakas akong tinulak at sinubsob 'yung mukha ko sa may lamesa.
Nasa likod ko s'ya ngayon, nilapit n'ya 'yung mukha n'ya sa mukha ko.
Dinilaan n'ya 'yung leeg at tainga ko, ang haba ng mga dila n'ya. Gamit n'ya 'yung katawan ni Nate.
"Halikan mo rin ako kagaya ng ginawa mo kay Ryo." Sabi n'ya habang mahinang tumatawa.
"Fuck you." Mahinang sabi ko at naramdaman ko namang may bumaong kutsilyo sa tagiliran ko.
Binitawan ako ni Nate ng mahugot na n'ya 'yung kutsilyo sa tagiliran ko. Napahawak naman ako sa tagiliran ko at napapikit sa sakit, may dugo ng lumalabas dito.
"Papatayin kita." Inis na sabi ko sa kan'ya at nginisian naman n'ya ako.
Dahan dahan naman akong umuusod kung saan nandoon 'yung crowbar, kailangan ko 'yung makuha.
Mabilis naman akong kumilos at agad kong kinuha 'yung crowbar agad ko 'yung inihampas sa kan'ya pero nahawakan n'ya 'yun. Kinuha n'ya sa'kin 'yung crowbar at agad n'ya akong sinugod.
Sinakal n'ya ako gamit 'yung kaliwa n'yang kamay at malakas n'ya akong tinulak sa may pader. Agad n'ya akong sinaksak sa tyan gamit 'yung kanang kamay n'ya at napapikit ako sa sakit ng ibaon n'ya 'yung kutsilyo sa tyan ko.
"AAAAAAARRRGGHHHHHHH! RYO!" Sigaw ko naman.
"Haha." Mahinang tawa pa ni Nate at dahan dahan n'yang hiniwa 'yung tyan ko pababa.
"AAAAAGGGGGGHHHHHHHHHHAH! RYOOO!" Sigaw ko dahil sa sobrang sakit.
Hinugot n'ya sa tyan ko 'yung kutsilyo at agad naman n'ya 'yung sinaksak sa tagiliran ko kaya napadaing ako sa sakit.
"AAAAAAAHAHHHHHHHH! T-TULONG!" Sigaw ko pa at napapikit na lang ako sa sakit ng tadtarin n'ya ako ng saksak sa tagiliran ko.
Wala akong magawa dahil sakal sakal n'ya ako, naramdaman ko na lang na lumabas 'yung dugo sa bibig ko.
At nag simula na rin lumabo 'yung paningin ko, ramdam ko pa rin 'yung pag labas pasok ng kutsilyo sa tagiliran ko.
Nanghina na 'yung katawan ko hanggang sa tuluyan na n'ya akong tinigilan, tuluyan na akong bumagsak pahiga sa sahig.
.
.
.
.RYO'S P.O.V
Tuluyan na nga akong lumabas at agad akong pumunta sa may pool at nakita ko naman sa may loob na patay na si na Fred, Jhiro at Jed.
Papasok na sana ako sa loob ng marinig ko 'yung sigaw ni Yroh.
"AAAAAAARRRGGHHHHHHH! RYO!" Rinig kong sigaw ni Yroh kaya dali dali akong tumakbo pabalik.
.
.
.
.MATT'S P.O.V
Si Ryo 'yun, saan s'ya pupunta.
Susundan ko s'ya.
ITUTULOY
BINABASA MO ANG
Haunted House 3: The Mirror (COMPLETED)
HororNag planong mag reunion ang mag kakaibang may pinag kakaabalahan at busy na sa kanilang mga buhay, busy sa kanilang mga trabaho at sa iba pa. Pero hindi nila inaasahan ang mga mangyayari sa muli nilang pag kikita dahil magiging madugo ito, dahil sa...