HHTM - 13

46 5 0
                                    

YVAINE'S P.O.V

Nakatago pa rin kami dito ni Carol at tahimik lang kami, pinag papawisan ako ng sobrang lamig.

"M-may tao ba rito? Tulungan n'yo ko." Pamilyar na boses, boses ni Irina pero patay na s'ya. Ginagamit nung babae 'yung boses n'ya.

Bigla akong kinabahan ng sobra, nakita ko namang nanginginig sa takot si Carol, kaya pinapakalma ko s'ya.

Bigla namang tumahimik na mas lalong ikinaba  ko.

Naramdaman ko namang may tumabi sa'kin na ikinagulat ko.

"Tulungan n'yo ko!" Malakas nitong sigaw, si Kyzo at ngiting ngiti.

Napa sigaw naman sa takot si Carol kaya agad s'yang napatayo.

Halos mabato naman ako sa pwesto ko.

Nakita kong nag labas si Kyzo ng kutsilyo at agad n'yang sinaksak 'yun sa balikat ko kung saan nandoon 'yung sugat ko.

"Yvaine!" Sigaw ni Carol at rinig na rinig sa boses n'ya ang pag katakot.

Napapikit naman ako sa sakit.

"AAAAAAAAHHHHHHHHHH!" Malakas kong sigaw dahil sa sakit, naramdaman ko namang mas dinidiinan pa n'ya 'yun kaya agad ko s'yang sinipa sa tyan, kaya agad n'yang nahugot 'yung kutsilyo sa balikat ko at nag karoon ako nang pagkakataong tumayo.

"Tara na." Ako at agad kong hinawakan sa kamay si Carol at agad kaming tumakbo pero napadaing sa sakit si Carol kaya napatigil kami sa pag takbo.

Agad kong tiningnan 'yung likod n'ya at may nakabaon ng kutsilyo dito.

Agad ko namang hinugot 'yung kutsilyo sa likod n'ya at napasigaw naman si Carol sa sakit.

Tumatawa naman si Kyzo habang nakatingin sa'min. Bigla naman s'yang nag tago sa mga halaman kaya hindi namin s'ya makita.

Kaya nag talikuran kami ni Carol.

"Anong gagawin natin Yvaine? Natatakot ako." Si Carol habang naiiyak.

Nagulat na lang kami ng biglang talunan kami ni Kyzo kaya agad kaming natumba ni Carol. Parehas kaming napahiga sa lupa at nabitawan ko naman 'yung kutsilyo.

Agad 'yung kinuha ni Kyzo at sasaksakin na ako pero agad kong iniharang 'yung kamay ko kaya sa palad n'ya ako nasaksak.

"F-FUUCK! AAARRRGGHHHHHHHH!" Daing ko sa sobrang sakit.

Agad namang hinugot ni Kyzo 'yung kutsilyo sa palad ko at laking gulat ko na lang ng biglang hampasin ng malakas ni Carol sa ulo si Kyzo gamit 'yung pala.

Agad namang nilingon ni Kyzo si Carol at agad n'ya itong dinambahan kaya natumba silang dalawa at na sa ibabaw ni Carol si Kyzo.

Agad namang kinuha ni Kyzo 'yung pala at tinapon n'ya 'yun.

Nagulat na lang ako ng biglang saksakin ni Kyzo sa dib dib si Carol.

"AAAAAAHHHHHHHH!" Malakas na sigaw ni Carol.

Hinugot ulit ni Kyzo 'yung kutsilyo at sinaksak ulit si Carol sa dib dib.

"T-tama na! Tama na!" Sigaw ko habang tumatayo at patuloy pa rin s'ya sa pag saksak kay Carol.

"Yvaineeee AAAAAAAAHHHHHHHAHA!" Sigaw ni Carol habang umiiyak.

"Tama na!" Sigaw ko at tuluyan na akong nakatayo.

Agad ko namang nakita 'yung malaking gunting at agad ko 'yung kinuha at tinusok sa likod ni Kyzo at tumagos 'yun hanggang sa tyan n'ya kaya napatigil s'ya sa pag saksak kay Carol.

Agad namang tumumba si Kyzo at agad ko s'yang hinila palayo kay Carol. Dali dali naman akong tumakbo papunta kay Carol.

"Carol, hindi... hindi pwede." Ako at hinaplos s'ya sa mukha.

"Y-yvaine....." Si Carol at nakatitig lang s'ya sa'kin. Hindi ko na napigilang umiyak.

Tad tad s'ya ng saksak sa dib dib.

"I'm sorry Carol." Ako at naramdaman ko namang hinaplos n'ya 'yung mga pisngi ko, naramdaman ko namang gumapang 'yung mga kamay n'ya papunta sa leeg ko at laking gulat ko na lang ng sakalin n'ya ako.

"C-carol....." Ako habang dinadaing ang pag kakasakal sa'kin ni Carol.

Nakangiti s'ya sa'kin, gamit na n'ya 'yung katawan ni Carol.

"Hinayaan mong mamatay ang kaibigan mo, na sa impyerno na s'ya at mabubulok s'ya do'n HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Sabi n'ya kaya naman napakunot ang noo ko at agad ko s'yang sinuntok na ikinagulat n'ya.

Napatingin ulit s'ya sa'kin kaya agad ko ulit s'yang sinuntok at nabitawan na n'ya ako.

Agad naman akong umatras pero gumapang s'ya papalapit sa'kin agad n'ya akong dinambahan at nasa ibabaw ko na s'ya ngayon.

Agad n'ya akong sinukahan sa mukha ng napakaraming dugo na ikinagulat ko, halos hindi ako makahinga sa dami ng dugong isunusuka n'ya sa'kin.

Agad ko namang nahawakan 'yung kutsilyo at agad ko 'yung isinaksak sa leeg n'ya kaya natigil s'ya pagsuka sa'kin.

"Bitch." Mahinang sabi n'ya sa'kin at agad n'yang hinugot 'yung kutsilyo sa'kin at sasaksakin na sana n'ya ako sa mukha ng iharang ko ulit 'yung kamay ko kung saan ako nasaksak kanina, kaya nasaksak n'ya ulit 'yung palad ko.

"AAAAAAHHHHHHH! SHIT!" Sigaw ko dahil sa sakit.

Agad ko naman s'yang sinamaan ng tingin kaya inuntog ko 'yung ulo ko sa ulo n'ya. Kaya napapikit naman s'ya.

Agad kong hinugot 'yung kutsilyo sa kamay ko at nung mumulat na s'ya ay agad kong itinusok 'yung kutsilyo sa kanang mata n'ya kaya napasigaw s'ya. Sobrang sakit sa tainga ng sigaw n'ya, nakakarindi.

Agad ko namang hinugot 'yung kutsilyo at tinusok din 'yung kabila n'yang mata at nag wala s'ya.

"WALA AKONG MAKITA! WALA AKONG MAKITAAAAA!" Sigaw n'ya at tuluyan na s'yang nakatayo.

Agad din akong tumayo at kinuha 'yung pala at agad 'yung inihampas sa ulo n'ya hanggang sa tuluyan s'yang matumba.

Paulit ulit kong pinag hahampas 'yung ulo n'ya hanggang sa madurog 'yun at hindi na maitsurahan.

"Fuck you! Bitch! Aaaarrgghhhhhh!" Sigaw ko sa galit habang patuloy sa pag hampas sa kan'ya.

Natigil lang ako ng may flashlight na tumama sa'kin, sobrang liwanag hindi ko makita kung sino 'yun.

Hanggang sa tuluyan ko ng makita 'yung itsura n'ya.

Si Matt.

Tinutukan n'ya ako ng shotgun, kaya agad akong umiling.

Baka akalain n'yang nakasapi 'yung babae sa'kin dahil sa itsura ko, naligo na ako sa dugo.

Agad n'ya 'yung ipinutok na ikinagulat ko kaya napapikit ako, napakinggan ko namang may bumagsak sa likod ko kaya napatingin ako rito.

Si kyzo, si Kyzo 'yung binaril ni Matt at durog na 'yung mukha n'ya.

Napatingin naman ako kay Matt at pinunasan ko 'yung mukha ko, agad naman s'yang lumapit sa'kin at niyakap ako.

"Ang tapang mo." Sabi ni Matt.

"Hindi pa ako kagaya nila." Sabi ko habang umiiyak.

"Alam ko, tara na, alam ko na kung saan 'yung daan palabas." Sabi ni Matt.

Pinakita ko naman sa kan'ya 'yung kamay ko.

"Shit." Si Matt.

ITUTULOY

Haunted House 3: The Mirror (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon