HHTM - 5

76 6 0
                                    

YVAINE'S P.O.V

Nasa harap kami ngayon ng isang pintuan at nakapad lock ito.

"So na sa loob pa n'yan 'yung salamin?" Pagtatanong ni Jed.

"Yes, pinag sabihan ako ni Mama no'ng nabubuhay pa s'ya na 'wag na 'wag ko raw papakealaman 'yun. Nakita ko na 'yung salamin na 'yun, malaki at may tabon na telang puti... nakakapag taka nga kasi nakatali pa eh." Si Bree.

"Pinag bawalan din ako ni Ate Vicky na buksan 'yang pinto na 'yan, pero nacucurious talaga ako eh." Si Bree.

Si Jhiro naman panay vlog pa rin.

"So gusto mong tingnan natin 'yun?" Pagtatanong ni Kyzo.

"Oo." Si Bree.

"Okay lang ba? Baka mapagalitan tayo?" Si Irina.

"Oo nga, nand'yan pati si Ate Vicky... baka makita tayo no'n nandito tayong lahat." Si Hillary.

"Saglit lang naman nating titingnan eh." Si Jhiro.

"Oo, gusto ko lang makita ko anong itsura no'n." Si Bree.

"Wala namang mangyayaring masama kung susubukan natin 'di ba? Salamin lang naman 'yan eh." Si Kyzo.

"Pag tayo napagalitan d'yan, aalis naman siguro si Ate Vicky mamaya 'di ba? Para mamaya na lang natin tingnan." Si Yroh.

"Ano nga ulit araw ngayon?" Pagtatanong ni Bree.

"Friday." Si Carol.

"Hindi ako sure kung aalis si Ate Vicky eh, napunta 'yun minsan sa bayan namimili tuwing hapon, bago lumubog 'yung araw." Si Bree.

"Tanungin natin s'ya." Si Yroh.

Nakita naman naming lumapit si Ryo doon sa may pintuan.

"Ang daming lock, nasaan yung mga susi nito?" Pagtatanong ni Ryo.

"Nakay Ate Vicky din, hindi ko alam paano natin makukuha 'yun." Si Bree.

"Sirain na lang natin 'yan, may martilyo naman siguro kayo dito sa bahay." Si Jed.

"Bakit gano'n na lang kaya nila itago 'yung salamin na 'yun? Hindi lang basta salamin 'yun." Si Ryo kaya napatingin kami.

"So may kakaiba sa salamin na 'yun?" Si Jed.

"Siguro, hindi naman nila itatago 'yun ng ganito kung wala 'di ba?" Si Ryo.

"Puro kayo kalokohan, baka ayaw lang manakaw." Si Nate at tumawa.

"Kaya nga isusure natin kung ano talagang meron sa salamin na 'yun." Si Bree.

"So another plano na naman." Si Irina.

"Bahala kayo d'yan, hindi ako kasali d'yan pag napagalitan kayo." Si Revecca.

"Sus, natatakot ka do'n sa Vicky?" Si Nate.

"Hindi, sa mukha mo ako natatakot." Si Revecca kaya nag tawanan sila.

"Kaya ba ng hair pin 'yang mga lock?" Pagtatanong ni Matt.

"Yung iba." Si Ryo.

"Anong ginagawa n'yo dito?" Boses ni Ate Vicky na ikinagulat namin.

"A-ah wala lang po." Pag sisinungaling ni Bree.

"Gusto naming makita 'yung salamin na nand'yan sa loob." Sabi ni Madison na ikinagulat namin.

Kumunot naman ang noo ni Ate Vicky.

"Isang beses ko lang kayong pag sasabihan, hindi n'yo gugustuhin na pakealaman ang salamin na 'yun, mag sisisi kayong lahat sa oras na pakealaman n'yo 'yun." Sabi ni Ate Vicky na ipinagtaka ko.

Haunted House 3: The Mirror (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon