CHAPTER 5

18 0 0
                                    

Hanggang ngayon nasa isip ko parin yung sinabi ni Kharlo sa akin. Iniisip ko kung totoo ba yun? Kung totoo man, ano naman kayang kagusto gusto sa akin bukod sa magaling ako sa klase?

"Uy. Seryoso ka na naman dyan!" Mahinang sabi ni Anne.

"Ha?" Kunwaring hindi ko narinig.

Nung isang araw pa nang sabihin sa akin ni Kharlo yung 'CRUSH' thing na yun at hanggang ngayon hindi parin ako maka-get over.

First time ko kasi makarinig na may nagkaka crush sa akin. Hindi kasi ako yung babaeng pansinin or may I ask attractive.

I'm also not Simple, basta boring ako minsan at mahilig pang mamilosopo.

"Ewan sayo!" Inis na sabi ni Anne sabay tumayo at lumipat sa tabi ni Marie.

Hindi ko nalang pinansin. Sanay na ako sa kanila.

"Oy! Tara na sa Values natin" pag aakit ni Marie na ngayon ay nakatayo na.

Tumango lang ako as response. Sumunod lang ako sa kanila. Ayoko ngang makipagsiksikan sa kanila, ang lawak lawak ng daanan tapos siksikan silang nag uusap. =___=

Nasa Grandstand kami at sa Oval ng school kami dadaan, mas malapit kasi ito papunta sa building ng Values classroom namin, masyadong malayo kung iikot pa kami.

"Vin!" Tawag ng isang lalaki mula sa likuran ko.

Nilingon ko ito and to see Jhunel. Tumigil ako sa paglalakad at dali dali siyang pumunta sa kinatatayuan ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya ng nakakunot ang noo, ang tirik kasi ng araw at ang sakit pa sa mata.

Kaya ako nangingitim e, ang hilig hilig kong magpainit. Hindi din naman nagpapayong yung mga kaklase ko, so why used payong pa? Baka sabihan pa ako ng maarte sa araw and isa pa, I don't mind kung mangitim ako.

"Pagdala na kita nan" sabay turo niya sa bitbit kong briefcase.

"Ha? Hindi Okay lang. Ako na" ngumiti ako at tumalikod sa kanya. Nakakahiya naman kasi sa kanya kung pagbibitbitin ko siya ng gamit ko. Hindi siya nag aaral dito para maging alalay ng isa sa mga estudyante ng school na'to.

Naglakad na ulit ako.

Napansin ko naman na nakasunod si Jhunel.

Well, hindi ako komportable sa ginagawa niyang pagsunod sa akin kaya tumigil ako sa paglalakad ko at hinarap siya.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Ako na magdadala nan" pagpupumilit niya sa akin.

"Okay" sabay inabot ko sa kanya yung briefcase ko.

Ayoko kasi ng makulit eh, at Oo nakukulitan ako sa kanya.

Tapos nauna na siyang maglakad sa akin. Pinang pandong niya yung briefcase ko sa ulo niya.

Tss. Kaya naman pala ako pinagdala. Kala ko naman kung ano. Psh.

*****
Values classroom.

"Ang sweet ni Jhunel ah, may padala dala pa ng gamit mo" pagbibiro ni Anne.

"Oo nga, feeling ko type ka nun" sabi pa ni Marie.

"Haba ng hair mo Bes, nung isang araw si William tapos si Jhunel naman. Yieee" sabi ni Anne na medyo kinikilig yung tono ng pananalita.

"Tumigil nga kayo" saway ko sa kanila.

Nakaka-inis kasi eh, hindi ako sanay ng niloloko ako sa mga lalaki. Parang pakiramdam ko nasusuka ako. Kung si Jacob nalang sana yung niloloko nila sa akin, edi baka natuwa pa ako. Pero to think na si Jhunel, wag nalang.

High School ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon