CHAPTER 1

67 1 0
                                    

Kagaya ng mga typical na istorya sa mga nababasa kong libro, nagsimula ang istorya ko nang lumipat ako ng eskwelahan nung second year high school ako sa isang pam-publikong paaralan. Alam kong nung una palang mahihirapan ako mag adjust pero mas lalo pala akong nahirapan sa mga sumunod na nangyari.

****

Transferee ako sa isang kilalang paaralan dito sa aming lungsod. Pam-publikong paaralan ito kaya naman napakadami rin taong pumapasok sa eskwelahang ito. Maraming guro at marami rin mga classrooms.

Hinatid ako ng aking ama hanggang sa magiging classroom ko at doon ko nakita ang magiging adviser ko. Nakatayo siya sa may pinto habang nagsusuri sa labas at naghihintay ng mga estudyante niya.

"Magandang Umaga po" bati sa kanya ng daddy ko. Ngumiti lang ako sa aking adviser at siya rin naman. Matanda na siya pero ang ganda ng tindigan niya, kung pagmamasdan mo siya ay nakakatakot siya at mukhang mataray talaga.

"Magandang Umaga rin po Sir" tugon niya ng nakangiti.

"Pasensya na po kung hindi pa naka uniform yung anak ko. Pinapa-ayos pa po kasi. Bukas po naka uniform na yan" pagpapaliwanag ng daddy ko. Halos lahat ng estudyante ay mga naka uniform na at tanging ako na lang ang bukod tanging naka-free style.

"Ayos lang po iyon. Basta po bukas ay dapat naka uniform na siya" nakangiti niyang sabi. Mabait naman siguro itong magiging bago kong asviser

"Sige po. Salamat po. Iwan ko na po yung anak ko sa inyo. Kayo na pong bahala" pagpapa alam ni Daddy. Ngumiti naman ang aking guro sa kanya.

"Sige po"

"Bye Honey" tas kiniss niya ako sa cheeks. Tapos umalis na rin siya. Naiwan ako kasama ang guro ko sa labas ng classroom. Humarap ako sa kanya at ngumuti pero bakas parin ang pagkakaba ko. Lagi ko naman na nararamdaman 'to pag unang araw ng pasukan, ang kabahan ng husto dahil sa mga posibleng sabihin ng mga tao.

"Sige Hija. Pumasok ka na" at sa sinabi niya ay pumasok na ako. Pagkapasok ko ay halos lahat ay occupied sits na. Wala ng silya sa unahan. Ang dami nga pala talagang nag aaral dito.

Nakatingin lahat ng tao sa loob sa akin nang pumasok ako kaya naman umatake na naman yung sakit ko na kung tawagin ay 'Hiya'. Nakatingin lang sila sa akin kaya naman nahihirapan akong maghanap ng pu-pwestuhan.

Napansin ko naman na bakante sa likuran kaso'y hindi siya arm chair. Isa lang siyang bench na walang patungan o lamesang pwedeng pagsulatan. Pumunta ako doon at naupo, napansin ko rin yung naka upo doon na isang babae, siya si Xandra o pwede rin na Alex. Alexandra Ramos. Kaklase ko siya way back elementary at minsan na rin siyang nagka Crush sa Crush kong si Jacob Salazar.

"Hi" bati niya sa akin ng makarating ako sa likuran.

"Hello" tugon ko ng nakangiti. May katabi rin siyang isang babae. Maliit siyang babae at may itsura siya. Nag 'Hi' din siya sa akin kaya naman nag 'Hello' ako sa kanya.

Maya maya pa ay pumasok na ang aming adviser. Pinapasa niya sa amin yung form kung saan nakalagay yung assign sections namin. Pagkatapos nun ay diniscuss niya ang Rules and Regulations niya inside the room. As usual hindi nawala ang 'Bawal mag cellphone during class unless it's an emergency.' Tapos nun ay pinagdadala lang kami ng basahan kinabukasan.

Natapos din naman agad ang oras namin sa kanya kaya labasan na namin sa subject niya.

Nang palabas na ako ng classroom ay tinawag niya ako. Ang aking guro.

"Sumunod ka nalang sa mga kaklase mo ha." She said.

"Ah. Sige po" ngumiti ako sabay tuluyang lumabas ng classroom.

High School ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon