CHAPTER 3

14 0 0
                                    

Haaays.

MONDAY.

I hate Mondays.

Kailangan kasi gumising ng maagap na naman. Tinatamad akong pumasok.

I checked my phone bago bumangon and to see na may nagtext.

From: Mark

Good Morning :)

Ewan ko ba at excited akong nireplayan siya.

To: Mark

Good Morning din :)

Pagkatapos nun ay pumasok ulit ang mommy ko sa kwarto ko para tawagin ako.

Iniwan ko yung phone ko sa ilalim ng unan ko at bumaba na.

Schooling routine ulit.

Breakfast.

Toothbrush.

Ligo.

School uniform.

Pasok.

Hinahatid naman ako lagi ng daddy ko pag papasok ng school, tutal ay maaga pa naman.

6:30 ng umaga kasi ang time namin sa first subject at science yun kaya kailangan ay mga 6 ay nasa school na ako.

Pagkadating ko sa may classroom namin ay wala pa naman taong iba bukod sa akin at kay Jenny.

Maaga rin pala siyang pumasok.

Naka lock naman ang pinto kaya nag-intay kami sa labas parehas.

Sunod na dumating ay si Jhunel.

Tapos dumating na yung teacher namin. Siya yung Adviser namin.

Binati namin siya ng Good Morning at binuksan niya na ang pinto ng aming classroom.

Agad naman kaming naupo ni Jenny sa pwesto namin at ganun din si Jhunel.

Maya maya pa ay nagdatingan na rin ang iba pa namin na kaklase.

Nang makumpleto na kami sa loob ng classroom ay pinalabas muna kami ng aming guro para pumila.

"Iiwan ba natin yung bag natin?" Tanong ko kay Alex.

"Dalhin mo na" sagot niya.

Lumabas kami ng classroom at pumila doon. Nagpalingon lingon naman ako. Tinitignan ko kung nasa paligid si Mitch na crush ni Mark.

"Sino hinahanap mo?" Tanong ni Mira sa akin.

"Ah. Ano kasi.. Kilala mo si Mitch?" Mahina kong tanong sa kanya.

"Mitch?" Tanong niya ulit.

"Uhm. Mathematics A daw section e"

Maya maya ay may dumaan na medyo chubby, maputi at may pagka cute na babaen sa may gilid namin at pumasok sa sunod na classroom.

"Yun si Mitch" mahinang sabi ni Mira.

"Ahh" tanging nasabi ko lang.

Hindi na ako magtataka kung magkagusto si Mark dun.

Speaking of Mark. Limot ko na mukha nun ah. Hmm.

"Mira" tawag ko kay Mira na nasa likuran ko.

"Ano yun?"

"Sino nga si Mark?"

Tinuro niya yung lalaking nasa pangalawa sa pila. "Yun oh" Nakatalikod naman si Mark kaya hindi ko nakita yung mukha niya.

High School ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon