CHAPTER 12

7 0 0
                                    

Hanggang ngayon pinipilit ko parin na hiramin kay Cristina yung cellphone pero gaya ng dati, bigo akong ipahiram sa akin. Napansin ko din na hindi na siya sumasama sa grupo. Siguro dahil nahihiya sa akin? O marahil dahil iniiwasan niya ako. Yun lang naman yung mga posibilidad na dahilan.

Napansin ko naman na wala si Mark sa school. Himala ata absent siya, gaya ko bihira rin siyang umabsent. Hindi kaya may sakit siya?

Agad kong kinuha yung cellphone ko sa bulsa at tinext siya.

Ako: Hindi ka papasok?

Agad din naman siyang nagreply.

Mark: Bakit? Miss mo ba agad ako? :"")

Ako: Hindi ah! =.=

Mark: Haha. Jowk lang, andito kami sa Baguio kaya hindi ako makakapasok.

Ako: Ay sosyal siya, bakasyon na agad :P

Mark: Haha. Bukas papasok na ulit ako :)

Bigla naman na sumulpot si Jenny sa tabi ko na ikinagulat ko.

"Hindi kaya siya papasok?" tanong niya sa sarili niya. Halata sa boses niya ang pagkalungkot. Nakatingin lang ako sa kanya na parang sinusuri siya.

Hindi niya kaya alam na nasa Baguio si Mark kaya hindi ito makakapasok. Nakakapagtaka naman na girlfriend siya tapos hindi niya alam.

Pagtingin ko ulit sa unahan ay nakita ko sina Cristine at ang iba pa sa tropa na palapit sa akin.

"Tara! Kain tayo sa main canteen!" pag aakit ni Cristine.

Actually matagal na naman nila talaga akong pinapansin. Simula pa noong naging si Jenny at Mark. Hindi na rin ako nakakatanggap ng masasakit na salita mula sa kanila pero kapalit nun ay ang pagbabackstab nila kay Jenny.

Narinig ko pa noon yung sinabi ni Cristina noong hindi namin kasama si Jenny, na ginagamit lang daw ni Mark si Jenny. Na material girl lang daw si Jenny, na nasa loob din daw ang kulo. Ang dami pang ibang panlalait kay Jenny na sinasabi ni Cristine pero hindi nalang ako umiimik. Ayoko ng gulo, maigi nang manahimik nalang.

Kilala si Jenny sa pagiging sweet niya. Masasabi kong mabait siya base sa nakikita ko sa kanya at syempre maganda siya, yun siguro yung characteristic na nagustuhan ni Mark sa kanya.

Pagkatapos namin makabili ay agad kaming humanap ng mauupuan. Recess time na kaya marami na ring estudyante sa loob ng Canteen.

"Bakit kaya absent si Mark?" tanong ni Cristine sa tropa ng maka-upo kami. Saglit siyang tumingin kay Jenny pero wala itong sinagot sa kanya.

"First time lang umabsent nun e" dagdag pa ni Cristina. Napansin ko naman na kinuha ni Jenny yung cellphone niya sa bag niya at parang may hinihintay na kung ano. Siguradong katext niya si Mark kaya ganun.

Naramdaman ko naman ang vibration sa bulsa ko. Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext.

Pagtingin ko nakita ko ang pangalan niya. Binuksan ko ito gamit ang isa kong kamay. May hawak kasing burger yung kaliwa kong kamay.

Mark: Pst!

Ipinatong ko ang kinakain kong burger sa mesa at nireplayan ito.

Ako: Oh?

Mark: Wala naman, hindi ka lang nagreply :(

Ako: Sorry na. Recess kasi namin :)

"Baka naman may sakit kaya hindi nakapasok" narinig kong sabi ni Mira. Tutok parin ako sa cellphone ko habang nag aabang ng reply niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon